Bella's POV
Nagising si bella na may mabigat na bagay na nakadagan sa sikmura niya at may matigas na tumutusok sa likuran niya. Nagmulat siya ng mata at nakita ang braso ng asawa na nakayakap sa kanya. Napabalikwas sya ng bangon ng mapagtanto kung ano yung matigas na tumutusok sa likuran niya. Mabilis syang umalis ng kama. Tinignan niya ang asawa na ngayon ay nakatihaya na at naka boxer short lang ito.
Litaw ang malapad na dibdib nito at ang mga abs nitong mukhang kay sarap haplusin. bumaba ang tingin niya sa boxer nito kung saan ay bakat na bakat doon ang umbok ng pagkalalaki nito.
Napalunok siya ng maalala na baka magisnan sya ng asawa na pinag pipyestahan ang katawan nito kaya agad agad na syang pumasok sa banyo para maligo. nagbaon narin siya ng susuotin, isang high waist na maong pants at puting sleeve less crop top saka bra at panty.
Tulog pa rin ang asawa niya ng lumabas siya ng banyo. Humila uli siya ng hoodie jacket na itim sa maleta niya saka lumapit sa isa pang maleta para maghanap ng susuotin sa paa nakita naman niya ang itim sneakers niya at isinuot sinuklay niya lang ng kamay ang buhok niya at ok na sya. hindi aiya mahilig mag lalagay ng kung ano ano sa mukha mas komportable siya na tanging moisturizer at sun screen lang ang nilalagay sa mukha. lumabas na sya para mag agahan kumakalam narin kasi ang sikmura niya pag tingin niya sa wall clock ay alas syete na ng umaga.
Nasa bukana palang siya ng kusina ay amoy na niya ang sinangag na nangingibabaw ang amoy ng bawang nakita niya na nag hahalo ng sinangag si Nanang Bini binati niya ito ng magandang umaga saka sinampay ang hawak na jacket sa sandalan ng upuan at naupo na sa dining table.
"Malapit na areng sinangag," nakangiting sabi nito na ginantihan niya lang din ng ngiti.
May tocino, pritong itlog at bacon sa lamesa.
"Gusto mo ba ng kape?" Tanong sa kanya ni Nanang Bini ng ilapag nito sa harap niya ang bandehado ng sinangag.
"Opo," tugon niya dito. kumuha siya ng sinangag at tocino saka itlog at nag umpisa ng kumain.
"Good morning misis ko." Napalingon sya sa pintuan ng komedor kung saan nakasandal ang asawa naka soot na ito ng tshirt na puti at cargo short. Bagong ligo ito at tumutulo pa ang buhok nito.
Naamoy niya ang aftershave at ang lalaking lalaki na amoy nito. Lumapit ito sa lamesa at naupo narin kaya ipinag patuloy niya na rin ang pagkain at hindi na ito tinatapunan ng tingin.
"Nanang kape ho," sabi nito sa matanda agad namang nagdala ng kape ang matanda at nilapag ang tig isang tasa nila.
Naramdaman niya na tinititigan siya nito kaya nagtaas sya ng tingin. Titig na titig ito sa kanya habang sumisimsim ng kape partikular sa kanyang dibdib na kitang kita dahil sa mababa ang neckline ng soot niyang crop top.
"Eat!" Mariing sabi niya rito.
Akma naman nitong hahawakan ang dibdib niya kaya nanlalaki ang mata na tinabig niya kamay nito.
"What the fuck?!" Bulyaw niya dito.
"You want me to eat?" Inosenteng anito, nakakunot pa ang noo ng gago habang nakatingin sa kanya na takang taka.
"Anong kinalaman ng dibdib ko sa pagkain mo?!" Hinihingal na siya sa pagpipigil na huwag sumigaw dahil ayaw niya namang maeskandalo ang kasama nilang matanda.
Tumawa lang ito saka sumimsim uli ng kape.
"Your boobs look delicious." kibit balikat na anito saka nagpatuloy sa paginom ng kape.
Naramdaman niya namang naginit ang mukha niya. Kung hindi ba naman talaga napakabastos ng bunganga nito. Uminom na sya ng tubig at tumayo kinuha niya ang jacket saka lumabas na ng komedor.
"Hey saan ka pupunta?" habol nito sa kanya.
"Malayo sayo!" Balik sigaw niya at nagtatakbo na palabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Teen FictionA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...