CHAPTER 14

4.6K 107 2
                                    

Bella's POV

Alas nueve na ng makarating siya sa bahay. Pinarada niya lang ang motor niya sa tabi ng bmw na itim na nakaparada sa garahe.

Bukas pa ang ilaw sa sala ng pumasok siya. Dideretso na sana siya sa taas ng lumabas sa komedor ang asawa. Madilim ang anyo nito.

"Saan ka galing?" Nakatiim bagang na tanong nito sa kanya.

Problema nito? "Kumuha ako ng schedule sa westwood."

"At inabot ka ng gabi sa pagkuha ng schedule?" Mapanuyang sabi nito.

Tinaasan niya ito ng kilay naiinis na siya ano na naman bang pinagiinarte nito? "kinuha ko rin kase ang motor ko sa talyer." Tatalikuran niya na sana ito at para umakyat gusto na nyang magpahinga kaya ayaw niya na itong patulan pa.

Nagulat siya ng bigla siyang hinigit nito sa kamay. "Saan ba yang talyer na yan at inabot kana ng gabi sa kalsada!" Nanggigil na sabi nito. Tinangka niyang hilahin ang kamay niya pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito.

"Let me go!" Mariin niyang sabi dito naguumipisa ng maginit ang ulo niya sa inaasal nito.

"Not until you tell me where in the fucking hell have you been?!" Labas na ang litid nito.

Napatid na ang pagtitimpi niya kaya malakas niyang binawi ang kamay at hinarap ito. "Stop acting like a fucking nagging husband will you!" Malakas na bulyaw niya dito.

"Why will I stop?! Im your fucking husband since last day if you've forgatten!" Galit na rin na sigaw nito.

Humugot siya ng paghinga hindi sila matatapos kung makikipag matigasan siya dito mas mabuti pang utuin niya na lang ito.

"I'm sorry, okay. Dumaan ako sa westwood para sa schedule ko at dumeretso sa talyer. kaibigan kpo ang may ari kaya hindi ko napansin ang oras sa pagkukwentuhan namin." Mahinahong paliwag niya.

Napakurap kurap naman ito pagkuwan ay lumambot ang ekspresyon ng mukha. "Kumain kana ba?" Maya maya ay tanong na nito.

Gusto niyang matawa. Bipolar!
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilin ang pagtawa niya saka umiling dito.

Ngumiti naman ito sa kanya saka hinila sya sa kamay papunta sa komedor "Tara nagluto si Nanang ng kaldereta kain tayo." Masayang sabi nito saka ipinaghila pa siya ng upuan ng makapasok sila sa komedor "Iinitin ko lang ang ulam." Sabi pa nito saka mabilis na pumasok sa dirty kitchen.

"Argh bipolar nga. Kanina galit na galit ngayon naman ang sweet sweet na." Naiiling na bulong niya sa sarili.

Maya maya pa'y lumabas nato dala ang ulam at kanin "kukuha pa ko ng plato natin. Wait lang."

"Di ka pa ba kumakain?" Tanong niya dito.

"Inaantay kasi kita," nakangiting sabi nito saka tumalikod na. Bigla naman parang may mga nag hahabulang paro paro sa sikmura niya at bumilis ang tibok ng puso niya.

Inantay niya pa ko? Di ba dapat ako ang gumagawa non?

Pinilig niya ang ulo bakit naman niya gagawin yon maghihiwalay din naman sila after ng graduation.

Pero pano kung ma in love ka sakanya? Bulong ng isang bahagi ng utak niya paano nga kaya kung ma in love sya dito?

Hindi pwede kailangan mahanap ko muna ang ate!

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Nakangiting sabi ni Nicklaus na nasa likuran niya na pala nilapag nito ang plato at mga kutsara sa mesa. Hindi na siya kumibo.

Naupo na rin ito at pinaglagay pa sya sa plato ng kanin at ulam saka maganang kumain.

"Ano nga pa lang course mo?" Tanong nito sa kanya ng mag-umpisa na silang kumain.

Lumunok muna sya bago sumagot. "Political science. Ikaw anung course mo?"

"BSBA." Anito. "Anong sched mo sa monday?" Pagkuwan ay tanong nito.

"9am first subject ko."

"Sabay na tayo, 9am din ako."

Napaangat siya ng tingin dito "Mag momotor ako papasok." aniya rito napahinto naman ito sa pagsubo.

"Sa kotse ko na ikaw sumabay." Giit oa nito.

"Diba sabi mo hindi natin ipapaalam na magasawa na tayo. Maghihinala sila pagnakita nila tayong magkasama." Nakataas ang kilay na sabi niya dito. Mukha namang natigilan ito at nagisip saka nagkibit na lang ng balikat.

Kaya nagpatuloy na sila sa pagkain ng matapos ay nagprisinta na siya na ang mag
liligpit ng pinagkainan nila. Tumango lamang ito at lumabas ng walang imik.

"Anyare dun?" Kanina galit tapos masaya tapos mulang galit na naman. Mababaliw ata sya na kasama ito daig pa sya kung magpabago bago ng mood.

Tinapos niya nalang ang ginagawa. Pagkatapos ay umakyat na sa kwarto nila.

Nakita niyang nakaupo si Nicklaus sa kama habang nakasandal sa headboard. Naka sando itong puti at boxer. Nasakandungan
nito ang laptop at nakatutok ang pansin doon. Saglit siyang natigilan sa pagtitig dito.

"I Know, I'm fucking hot, Misis ko." Tudyo nito kahit na ang mga mata ay nakatutok padin sa laptop.

Pinamulahan naman siya ng mukha. Tumikhim muna siya para tanggalin ang bara sa lalamunan niya saka siya tuluyang pumasok at diretsong tinungo ang closet saka kumuha ng pajama at t-shirt. Narinig niya sumisipol pa ito kaya inis napumasok na lang siya sa banyo para makaligo bago matulog.

Paglabas niya ng banyo nakapatay  na ang mainlight at tanging mapusyaw naliwanag nalang ng lampshade ang nakabukas.

Nakita niya si Nicklaus na nakadapa sa kama habang nakasubsob sa unan ang mukha. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya maiwasang mailang. Hindi siya sana'y na may katabing lalaki sa kama. Pero anong magagawa niya? Asawa niya na ito.

Nagpapasalamat lang siya dahil hindi naman na ito nangungulit nai-cossumate ang kasal nila at hingun sa kanya ang karapatan nito bilang asawa niya.

Lumakad siya papunta sa kabilang gilid ng kama. Naupo siya roon habang pinupunasan ang basa niyang buhok.

Bahagyang nakaawang ang labi ni Nicklaus at ang cute nitong tignan. Para itong baby natahimik na natutulog. Mahahaba pa lamang pilit mata nito. Natigilan siya ng matagpuan ang sariling nangingiti habang nakatingin sa lalaking natutulog sa tabi niya. Malakas niyang ipinilig ang ulo para matauhan siya.

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon