HALOS dalawang lingo na ang nakalipas pag katapos ng gabi na nag tapat sakanya ang asawa hindi na sila masyadong nag kikita minsan mas nauuna na itong pumasok sakanya kapag naman naaabutan niya itong mag breakfast bigla nalang nitong tatapusin ang pag kain at aalis na ng walang paaalam tapos gabing gabi na kung umuwi. Kahit sa school madalang niya itong makita nung minsan mag kasalubong sila para lang syang hangin na hindi nito nakikita gusto nyang masaktan pero pinigilan niya ang sarili dahil ginusto niya naman ito pero minsan naiisip niya kung ano nga kaya ang nangyari kung tinangap niya ang pag mamahal nito? Masaya kaya? O magiging kumplikado lang ang lahat dahil sa huli mag hihiwalay lang naman sila.
Namimiss niya ang asawa hirap man siyang aminin pero alam niya deep in her heart may nararamdaman din siya para sa asawa pero napipigilan lang yon ng mga plano niya at takot... takot na baka mawala rin ito kapag minahal niya.. kagaya ng tunay niyang ina.. ng lolo niya at ng ate katharina niya.. minahal niya ang mga ito pero kinuha rin sakanya. At ayaw niyang madamay ang asawa kung sakaling umpisahan niyang siya mismo ang kumilos para sa pag hahanap sa kapatid. Dahil hindi basta basta ang babangain niya pag nag kataon.
Naputol ang pag iisip niya ng tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng side table. Sabado ngayon kaya walang pasok kaya andito siya ngayon sa bahay dahil wala naman silang usapang lakad ni Sugar. Tinignan niya ang caller napaupo siya ng ayos ng makitang ang daddy niya ang tumatawag.
"Hello" sagot ko sa tawag.
"Come to my office at 5pm"
Sabi naman nito sa malamig na tinig saka pinutol na ang tawag.Napabuntong hininga nalang siya. May ipapadeliver nanaman ang daddy niya kaya ito tumawag.
Tinignan niya ang wall clock 2pm na. Bumangon na siya para dumeretso sa banyo para maligo.
Ng makatapos ay agad na siyang nag bihis isang overall black suit na hapit sakanya ang sinoot niya na pinatungan ng leather na jacket tinali niya lang ang buhok niya saka sinoot ang black na boots niya na hangang ibaba ng tuhod ang haba siniksik niya doon ang maliit na baril niya. Kinuha niya ang cellphone sa kama saka isinilid ito sa bulsa ng leather jacket niya. Ng makontento ay lumabas na siya sa pintuan.
Nagulat siya ng pag bukas ng pinto ay nakita ang asawa na nakatayo doon nakataas pa ang nakakuyom na kamay nito na astang kakatok. Mukha din itong nagulat pero agad na nakabawi at pinasadahan siya ng tingin. Nakakunot ang noo nito na nag salita.
"Aalis ka?" Tanong nito.
"O-oo" I stammered. Hindi ko alam pero parang biglang nag wala ang puso ko ng maka titigan ko siya.
"San ka pupunta bakit.. bakit ganyan ang ayos mo?" Takang tanong nito "makikipag lamay kaba? Bakit naka all black ka" sabi nito na halatang pinagagaan lang ang usapan para mawala ang ilangan nila. hinagod pa uli siya ng tingin.
"Ahmm.. p-punta ko sa office ni dad"
"Ganon ba" sabi nito na parang lalong nailang "ah nag m-mamadali kaba" sabi nito na namumula ang tenga. Nahihiya ba sya?
"Medyo eh. Bakit ba?" Hinuli ko ang mata niya.
"I..ahmm.. I just want to ask if we can be friends.. fuck!. Its so awkward you know." Mapait itong tumawa " this is the first time that I fell inlove, confess and got rejected at the same time" tinitigan siya nito ng mariin naparang tumatagos sa kailaliman ng pag katao ko.
"Sinubukan ko naman na kalimutan nalang yung feelings ko sayo eh.. pero hindi pala madali.. I even dated and hooked different women this fast few weeks but.. I dont know.. everytime I did that I see you in them.. hindi ko alam kung bakit pero.. ganito siguro talaga pag nag mahal ka kahit masakit kailangan mong lumaban tutal nasaktan na ko bakit pa ko matatakot na I reject kaya sasagadin ko na.. I will make you fall for me no matter what it takes. Kahit walang kasiguraduhan susubok parin ako" nginitian siya nito saka hinawakan sa mag kabilang pisngi niya at marahang hinalikan sa noo napapikit siya ng maramdaman ang mga labi nito sa noo niya "I will not rush you.. but please let me.." paos ang boses na pag susumamo nito tinitigan pa siya nito saka siya binitawan "ingat ka sa pag byahe ha.." malambing pang sabi nito.
Tumalikod na ito at iniwan siyang tulala hindi parin nag sisink in ng tuluyan sa isip niya ang mga sinabi nito.
Napahawak siya sa puso niya dahil para siyang kakapusin ng hininga sa sobrang bilis ng tibok non..
Tinanaw niya ang likod nito at napangiti nalang ng mapait.
'Kung sana.. sana kaya kong piliin ka at talikuran lahat ng gulo sa buhay ko'
Pinahid niya ang luha na hindi napigilang kumawala sa mata niya..
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Teen FictionA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...