CHAPTER 42

3.7K 78 2
                                    

Nicklaus POV

NAGULAT AKO sa ginawang pag halik ni Bella. Di ko akalaing hahalikan niya ko dahil kani-kanina lang galit na galit ito sakin.

Hinawakan ko ang mag kabila niyang pisngi at pinalalim ang halik.

'God I really love her' 

Kanina ng bigla nalang akong nakarinig ng pag sigaw at pag mura ni Bella habang kausap ko ito sa cellphone ay parang may biglang dumakot sa puso ko dahil sa sobrang takot na baka may mangyari dito. Paulit ulit kong tinawag ang pangalan ni Bella pero hindi ito sumasagot hanggang sa nakarinig ako ng putok ng baril. Pakiramdam ko ng mga oras na yon ay na drained ang lahat ng dugo ko sa katawan. Yun ang unang beses na nakaramdam ako ng takot para sa buhay ng ibang tao. Halos gusto kong mag lupasay ng iyak kanina.

Mabilis ang kilos na inagaw ko ang cellphone ni Ivo na nasa tabi ko at nanonood ng video umangal ito pero hindi ko pinansin at mabilis na kinontak ang isa sa mga hackers ng daddy ko para ipa-tract si Bella sunod ay tinawagan ko si dad para sabihin ang nangyari. Nag sabi ito na mag papadala ng mga tauhan para samahan akong puntahan ang asawa ko. Nag pasalamat ako don kahit pa bahagya akong nag taka dahil ni hindi man lang nag usisa ang daddy.

Ang daddy ko ay nag mamay ari ng isang secret non government agency na nag te-train ng mga secret agents na ipinapadala para sa mga misyon na ibinibigay ng gobyerno kapag masyadong maselan at sangkot ang isang mataas na opisyal sa kaso. iilan lang ang mga nakakaalam at tanging ang mga kilala lang sa lipunan ang nakakapag avail ng serbisyo nila dad.

Noong una ang gusto ni Dad na ako ang mamahala sa naturang agency nito pag ka graduate ko pero hindi pumayag ang mommy nag banta ito na hihiwalayan ang daddy ko kapag idinawit ako sa agency ni dad.

Ang cool sana non kesa mag patakbo ng mga negosyo namin ang kaso kapag nanakot na ang mommy kahit gusto pa ng daddy walang nagagawa ang huli kundi sundin ang mahal niyang nitong asawa

Well dalawa na ang pag kakapareho namin ni dad ang pagiging babaero at pagiging under sa asawa.

Nakarinig kami ng tumikhim kaya agad na nag hiwalay ang mga labi namin ni Bella

Sabay kaming napatingin kay Sugar na nakataas ang kilay

Automatic ang ginawa kong pag hila kay Bella palabas ng kotse para mailayo kay Sugar malakas ang kutob na may kinalaman ito kung bakit nalagay sa paligro si Bella

"Stay away from her" sabi ko Kay Bella habang matalim ang tingin kay Sugar na nakalabas narin ng sasakyan.

Natigil na ang putukan. Patay na ang lahat ng tumambang kina Bella. Lumapit samin ang isa sa mga tauhan ni dad.

"All cleared, sir." Magalang na imporma nito. Tinanguan ko naman ito.

"Let's go Bella" hinila ko si Bella pero pumikso ito "Bell--"

Tumakbo si Bella papalapit kay Sugar.

"May tama ka" nag aalalang sabi nito Kay Sugar Sabay alalay dito. "Nick dalhin natin siya sa ospital" baling sakanya ng asawa

Bumuntong hininga siya saka tumango. Lalapit sana siya sa mga ito ng may humintong apat na black BMW at isang dilaw na Lamborghini.

Napahinto siya sa pag lapit sa asawa at sinenyasan ang mga tauhan na maging alerto

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon