CHAPTER 30

4.2K 85 3
                                    

Bella's POV

Hindi ako pumasok sa first class ko kanina ng mag hiwalay kame ni Nicklaus. Dinala ko ng paa ko sa library, dumeretso ko sa pinaka dulong bahagi kung saan wala halos nagagawing mga studyante. Naupo ako at isinandal ang likod sa bookshelve na nasa dulong dulo na. Ipinikit ko ang mga mata ko pero bigla ring napadilat dahil ang tanging nakikita ko habang nakapikit ay ang sakit na naka badha sa mukha ni Nicklaus.

Gusto kong tumakbo pabalik sakanya. Sabihing mahal ko rin siya.

Pero nang makita ko ang mga mata niya kung gaano niya ko kamahal para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang mga ganong tingin nakita ko na.. Kay mommy.. Kay Lolo.. Kay Ate Katharina.. mga taong nag Mahal sakin pero nawala rin lahat. Nawala sila at naiwan ako. Naiwan akong mag isa. Mag isang nasasaktan sa pag kawala nila.

Napapikit ako ng mariin para pigilan ang mga luhang gustong kumawala. Naninikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga habang hindi ko naman mapigilan ang pag balik ng mga alaala ng nakaraan. Kung sino ako..

Bilang si Arabella De Luca

Wala akong kinagisnang ama, Wala rin akong alam tungkol sakanya. Lumaki ako kasama ng Mommy at Ate ko pero ng mamatay ang mommy ko dahil sa isang car accident noong anim na taong gulang palang ako biglang dumating ang Lolo ko at kinuha kaming mag kapatid. Doon namin nalaman na isang Mafioso ang Lolo ko. Isinabak niya kame sa training makalipas ang apat na buwan ng kupkupin niya kame. Maaga niyang ipinamulat sa amin na kame ang hahalili sakanya. Kaya pitong taon palang ako kaya ko ng mag assemble ng baril, sampung taon naman ako ng ma master ko ang hand to hand combat gamit ang ibat ibang style sa pakikipag laban.

Mula sa simpleng buhay na kinagisnan namin kasama si Mommy naging kumplikado kasama ang Lolo ko. At mas naging komplikado pa ng maging labing dalawang taong gulang ako inatake ng mga armadong lalaki ang mansion at pinatay ang Lolo ko. Kinuha nila kame kasama ang ibang batang tinitrain para maging assasin at dinala sa isang isla saka inilipat sa isang bodega para ibenta. Pero bago pa mangyari ang pag bebenta nagising ako na nag kakagulo ang lahat dahil may mga nang may sumalakay na mga lalaking naka black suit sa bodegang kinaroroonan namin. Sinamantala ng kapatid ko ang pag kakataon para patakasin kame hanggang sa mapahiwalay kame sa mga kasamahan namin at makarating sa high way pero naharang naman kame ng isang lalaki na hindi ko kilala pero natatandaan ko pa ang pangalan niya hanggang ngayon. 'Vaughn' ang narinig kong itinawag sakanya ng kapatid ko bago niya ito sapilitang kinuha at iwan akong halos nag hihingalo na sa kalsada Kung saan naman ako natagpuan ng mga Sta.Ana

Ng mga unang taon ng mangyari yon, gabi gabi akong binabangungot. Nagigising ako na lahat ng sakit at pagod ng gabi na yon ay damang dama ko hanggang sa bumabalik ng bumabalik ang sakit ng pag kawala ni mommy, ng Lolo ko binaril sa mismong harap ko at nang pag kaka hiwalay namin ng Ate ko. Wala akong magawa kundi umiyak at intaying mawala yung kirot sa pangungulila nadarama ko. Minsan naiisip ko mas mabuti pang namatay na lang ako o mag pakamatay nalang dahil hindi ko makaya yung sakit ng isang naiwan pero kapag mag tatangka akong mag pakamatay laging pumapasok sa isip ko ang kapatid ko. Malakas ang kutob na buhay pa siya at hahanapin ko siya.

At hindi ko kayang madamay si Nicklaus Kaya kahit masakit hindi ko pwedeng ipaalam ang nararamdaman ko sakanya. Dapat nga hindi ko na hinayaang mapalapit ako sakanya.

Kailangan ko siyang protektahan, kailangan kong lumayo sakanya..

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon