[1] Chocolates

746 11 3
                                    

Chapter 1

Chocolates

Reca's POV

"Ganda, anong sa'yo?"

"One and a half rice nga po, tapa with egg. Lagyan niyo po ng sabaw ha. Hehe."

"Sige Ganda." Sabay ngiti ni Ate sakin. Hay. Buti pa si Ate, lagi akong sinasabihang 'Ganda'. "Heto na. Salamat!"

"Thank you din po." Sabay kuha ko ng aking order.

"Ganda! Bili na kayo!"

Yun yung masaklap kay Ate. Hindi lang ako ang maganda. Kaming lahat dito sinasabihan niya ng 'ganda'. Hay, salestalk nga naman.

(Ikain mo lang 'yan, Reca. Gutom lang 'yan.)

By the way, ako nga pala si Reca Gomez. Tinatawag nila akong "Reca". High school student. Maputi. Matangkad. Mahaba ang buhok. At ako ang tinaguriang "Dancing Princess" ng school, modesty aside. At dahil Dancing Princess nga ako, member ako ng Dance Troupe. Average student. Inosenteng bata. Mapagmahal sa aking mga magulang. Solong anak ako. Kaya siguro ganito ako at hindi ko alam kung paano makihalubilo sa mga tao. Yan ang una kong problema. I prefer lagi na mag-isa lang.

Oops, nga pala, kakain ako. Humahanap ako ngayon ng table. Yun. May nakita din. Pagkatapos, nilapag ko na ang aking gamit at nag-umpisang kumain. Ang bilis nga naman ng panahon. High school na agad. Medyo nakakapag-adjust na naman ako sa bago kong school. Saka December na din naman ngayon. (First year HS nga lang pala ako.)

(December na, pero forever alone ka pa din.)

"Excuse me."

Huh?

Tinitigan ko yung nilagay nung lalaki sa table.

.

.

.

.

.

KitKat?! Isang plastic?! Isang plastic ng KitKat?!

Hahabulin ko sana yung lalaki kaso bigla na siyang nawala. Naglaho na parang bula.

Day 1- KitKat ^_^

Tinitigan ko yung nakasulat. Seryoso? Day 1- KitKat?! Anong ibig sabihin nito?! Anong gagawin ko dito?

Napalingon ako sa nasa paligid ko. Lahat sila, nakatingin sakin. Sa sobrang bwisit ko, tinarakan ko silang lahat gamit ang aking mga mata. Aha!

Pagkatapos kong kumain, dumiretso agad ako sa classroom at dala-dala ko ang isang plastic ng KitKat. Nakakatakam lalo.

"Reca, sinong may bigay niyan sa'yo?" Tanong nung isa kong utsuserang kaklase.

"Hindi ko alam eh." Tapos nun, nilagay ko na yung plastic sa bag.

Sino kaya ang nasa likod nito?

Kinabukasan, habang nakain ulit ako, may lalaking lumapit muli sa akin at may inabot na paperbag.

"Enjoy your meal, Miss!"

Tapos sabay takbo. Yung tataa?! May sayad ba yun sa ulo?! Gago ata yun eh. Tsk.

Day 2- Toblerone ^_^

Aba! Anong plano nito sa buhay? Ang busugin ako ng tsokolate?!

Kinuha ko ulit yung mga tsokolate at inilagay sa bag ko. Napansin ko namang pinagbubulungan na ako ng mga kaklase ko. Aha. May idea na ako. Pero kailangan ko munang pag-isipan yun.

The next days, same set-up ulit ang mga nangyayari.

Day 3- Cadbury (Dairy Milk) ^_^

Day 4- Crunch ^_^

Day 5- Mars ^_^

Ang bongga diba? Papatayin ata ako nun sa diabetes eh. Sino kaya ang nagpapadala nito?!

"Enjoy your cho-----"

"HULI KA!" Sabay hawak ko sa braso nung nagpapadala. "Sino ka?! Sinong nagpapadala nito sa'yo, ha?!"

"W-wa-la!"

Anong wala?! Sabihin mo, sarapan naman niya yung mga tsokolateng pinapadala niya!

Oops! Hindi yun, Reca! Baliw!

"Anong wala?! Sabihin mo, tantanan na niya ako! Hindi ba nauubos ang pera niya?! Hindi ba siya naaawa sakin at baka magkadiabetes ako?!" Habang sinasabi ko 'yan, kinakalog ko ang balikat niya.

"Sorry." Sabi niya with sincerity. Napabitaw naman ako sa kanya.

Pagkatapos nun ay umalis na siya. Napatingin naman ako sa paligid ko. Lahat ng tao sa foodcourt, nakatingin sakin. Naisip ko na ngayon ang tamang time para gawin ang ideang naisip ko.

"Oh, inyo na lang." Sabay iwan ko nung last paperbag na pinadala niya. Ang nakalagay...

.

.

.

.

.

.

Day 6- Nips ^_^

=_____=

Malas niyo at Nips ang napatapat sa inyo.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon