[13] Paramdam

203 7 2
                                    

Chapter 13
Paramdam

Reca's POV

"Read your Biology book, class."

"Sagutan ang pahina 45-46 ng inyong aklat na Florante at Laura. Isulat ang sagot sa kwaderno."

"Ang hirap naman nitong Intermediate Algebra na 'to."

Ilan lang 'yan sa mga bagay na naririnig ko palagi. Masyadong mabilis ang araw. Second year high school na agad kami. Parang kailan lang nung nag-umpisa akong tumapak sa paaralang ito. Di tulad nung first year na mahiyain pa ako (Ngayon din naman. Joke. Haha.), madaldal na ako ngayon. Nahawaan na ako nila Yvaughn at Gelo ng kaingayan. Masasaya silang mga kasama. Buti na nga lang at hindi kami nagshushuffle ng mga kaklase every year.

Narito ako ngayon sa study table ko at kasalukuyang sinasagutan ang homework namin sa Math. Kasama nang pagbilis ng araw ay ang paghirap din ng mga lessons. Pero infairness sa FOIL method na 'to, gusto ko siya.

May nagtext.

Dali-dali kong tiningnan ang cp ko. Nagkamali ako ng akala. Akala ko, siya na.

From: Yvaughn
Luka, gusto mong pumunta ng bahay? :P

To: Yvaughn
Sorry. Naggagawa ako ng ass natin eh. :(

At wala na din naman ang dahilan nang pagpunta ko.

Kasabay rin nang pagbilis ng araw ay ang pag-alis ng aking minamahal. Wala na siya.

Hoy! Mali kayo ng akala! Hindi pa siya patay.

Grumaduate na siya. Wala na siya ngayon sa school namin. Hindi ko na siya nakikita. Ni anino niya. As in, hindi na.

Naalala ko noon, umattend pa ako ng Graduation nila. Imbis na matuwa siya noon, nakasimangot siya. Hindi namin alam lahat kung bakit siya nagkaganun. Kapag kakausapin lang siya, saka lang siya iimik.

April. Sinabi sakin ni Yvaughn ang plano ng kuya niya pagkagraduate ng high school. Lilipad daw ito papuntang Brazil. Hindi ko alam kung bakit siya pupunta roon. Nung araw na nalaman ko yun, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Pumunta ako sa kama at umiyak nang umiyak. Buti na lang at hindi pa nakakabalik sila Mi at Di galing ibang bansa, kundi, maiissue ako. Kung anu-ano na naman ang iisipin ng mga magulang ko na ayoko na namang mangyari.

May. Sinabihan ko si Yvaughn na itext niya ako kung kailan aalis ang kuya niya. Tinext niya ako nung mismong araw kung kailan aalis na siya. Kaso ang masaklap na part, habang naliligo ako noon sa CR, pinapractice ko yung mga bagong dance moves namin. Hindi ko alam na marami na palang text messages at missed calls sa cp ko. Nanlumo ako ng sobra. Bakit ko ba kasi sinilent-mode ang cp ko. Halos gumulong na ako sa pag-iyak kahit nakatapi lang ako ng towel noon. Nakita ko yung mga texts ni Yvaughn. Pero ang hindi ko talaga makeri ay yung kaisa-isa niyang text.

From: Kuya Troy
Goodbye, Reca. Alagaan mong mabuti si Yvaughn ha? Mamimiss kita.

Habang binabasa ko ang text niya, hindi ko mapigilang hindi umiyak, pero nung nakita ko yung last sentence, may nabuong ngiti sa mukha ko. Yung kaninang umiiyak ay nagtatalon ngayon sa kama at sobrang kinikilig. Dahil sa kakirihan ko, nahulog tuloy ang towel na nakatapi sa katawan ko. Buti na lamang at walang tao sa kwarto.

Ngayon, July na. Hindi pa rin siya nagpaparamdam. Yun na yung huli niyang paramdam sakin, yung text message. Miss na miss ko na siya. (Ang OA ko noh, 2 months pa lang naman ang nakakalipas.) Ano kayang ginagawa niya roon? Sabi kasi ni Yvaughn baka nagpapayaman siya. Kaso, ang hirap naman paniwalaan. Sa murang edad, maiisip na niya yun? Pero, sabagay, may nasagi na din namang ganun sa isip ko noon eh.

Hay. Alam kong hindi ka multo, Kuya Troy, pero sana naman magparamdam ka. Miss na miss na kita.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon