[21] Do Not

256 4 0
                                    

Chapter 21
Do Not

Reca's POV

Lord? Mamamatay na po ba ako mamaya?

Bakit ganito yung pakiramdam? Para akong naglalakad sa alapaap.

"Reca! May ice cream ka sa ilong! Hahahaha!"

Dali-dali kong kinuha ang salamin ko at tinitigan ang sarili ko. Oo nga, meron nga akong strawberry ice cream sa ilong. Grrr.

"Oh, ito na lang ang ipamahid mo, tutal naman puro strawberry ice cream na 'tong panyo ko." Napangisi siya. Kinuha ko yung panyo niya at ipinahid sa ilong ko. Hmm, ang bango!


Nakakahiya ka, Reca.

"Oh." Initsa ko yung panyo ko sa kanya. "Panyo-in mo muna. Wala namang uhog at kulangot 'yan. Nakakahiya kasi sa'yo. Lalabhan ko na lang 'to mamaya."

One of the best feelings, parang hindi na kami magKuya. Ramdam ko tuloy ngayon na crush na crush ko na siya.


"Okay. Tara."

Papasok na kami ngayon sa Classic Savory. Dito kasi ang tagpuan namin, tsaka dito rin kami kakain ng lunch.


Nakaupo na kaming lahat sa table. Dumating na din yung mga order namin. Parehas kaming nakatingin ni Kuya---oops, Troy (Kilig! Hahaha.) kina Gelo at Yvaughn. Mukhang iba na eh. Mukhang magkasundo na sila.

"Ahm, thank you nga pala Kuya sa treat." Pagbabasag ni Yvaughn ng katahimikan.

"Welcome." Sagot naman ni Troy sa kanila.

"Seriously, anong meron sa inyong dalawa? Frankly, hindi ako natutuwa sa inyo." Nagtinginan kaming lahat kay Yvaughn. Nagulat ako dahil ang tinutukoy niya pala ay kaming dalawa ni Kuya---Ay, Troy pala. Hehe.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla akong nasamid.

"APRIL FOOLS! HAHAHAHA!" Napatingin ako kay Yvaughn ngayon na halos mamamatay na kakatawa. Inaasar na naman ako ni Yvaughn.

"Hindi magandang biro 'yun, Yvaughn!" Galit na sabi ni Troy sa kanya.


"April 1 nga pala ngayon." Sabi ko naman.


"Back to business. Let's eat!" Gelo said.

Pagkatapos naming kumain ay nagdecide kaming umuwi na. Tutal nabili na naman namin ang mga kailangang bilhin.


Sa huli, napagdesisyunan naming lahat na sa jeep na muli sumakay kahit ang dami naming pinamili. Kulang na nga lang ay rentahan na namin ang buong jeep. Halos puro pinamili namin ang sakay dito. Pagkatapos ng 30 minutes ay nakarating na kami sa bahay.

"Thank you pre!" Sabi ni Troy kay Gelo. "Salamat din!" Sabi naman ni Gelo sa kanya.

"Bye Reca! Text-text na lang!" Sabi sa'kin ni Yvaughn.


"Bye Yvaughn." Niyapos ko siya at kumaway ako.


"Ahmm, bye Reca. Thank you." Nahihiyang sabi ni Troy sa'kin. Heto na naman tayo.

"Bye Troy. Thank you din." Sinuklian ko siya ng ngiti.


"TROY?!" Marahil ay nagtataka si Yvaughn dahil Troy lang ang tawag ko sa Kuya niya. Wala ng 'Kuya'. Hehe. Napasigaw pa siya.


Napatingin kaming lahat kay Yvaughn. "Ahm, oo, awkward kasi tingnan kaya... Troy na lang." Sabi naman ni Troy. Awkward? Hmm...


Tumingin naman sa'kin si Yvaughn. Oh no, mukhang kakaiba ang nasa utak ng isang 'to.

"Sige, una na ako." Umalis na ako doon. Hindi ko na makaya ang tensyon.


"Sige. Ingat!" Sabi ni Yvaughn sa'kin. Wew. Paniguradong katakot-takot na chika ang matatamo ko dito.

"Ahm, bye GF! Thank you!" Sabi naman ni Gelo dahilan para matigil ako sa paglalakad.


"GF?!" Sabay naming sabi ni Troy. Seryoso? Bumalik na ba ang Team BF-GF? Kailan pa?


"Oo. Tulad ng dati? Bakit kayo lang ba ni Kuya ang pwedeng magbago ng tawagan?"


"Wala naman kaming sinasabi eh. Nagulat lang kami ng kuya mo. Diba Troy?" Sabi ko naman.


"Ahh, oo." Sumang-ayon naman sa'kin si Troy


"Good. Sige, bye BF! Text-text na lang." Pamamaalam ni Yvaughn at tuluyan na kaming umalis.


Habang naglalakad ako papunta sa bahay ay nakaramdam ako ng kaba dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa'kin. Magkaiba kasi kami ng daan ni Gelo kaya nagkahiwalay kami. Mag-isa lang ako ngayong naglalakad.


Biglang may humablot ng braso ko.

"AHHHHHHH!!!"

"Huy, Reca! Ako 'to! Si Troy!"


Natauhan ako nang makinig ko ang pangalan niya. Si Troy? Anong ginagawa niya rito? Ba't niya ko sinusundan?


"Kuya Troy?"


"Troy, di'ba?" He grinned.


"Ay, oo nga. Hehe." Napakamot ako sa aking ulo. "Teka, anong ginagawa mo dito? Di'ba..."


"Nakalimutan kong ibigay 'to sa'yo." Inabot niya sa'kin yung panyo ko.

"Ah, thanks. Next time ko na lang ibibigay sa'yo yung panyo mo. Lalabhan ko lang. Malagkit eh."


"De, ayos lang."

"Yun lang ba?"


Ano ba 'yan, Reca! Anong 'yun lang ba?! Baka sabihin niya nag-eexpect ka pa ng something more. Ugh.

"Yes."

Hay.

"Sige, bye. Thanks!"


"You're welcome. Thanks din."


Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad. Nakakalimang hakbang pa lang ako nang bigla siyang nagsalita.


"Don't fall in love with me."

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon