[31] Walang FOREVER

196 7 3
                                    

Chapter 31
Walang FOREVER

Reca's POV

Nandito ako ngayon sa school at nagpapakabusy sa pag-aaral. Mas mahirap kaya ang college kesa sa high school. Kung noong high school pwede kang magpabanjing banjing, ngayong college, hindi na pwede. Kailangang mas doble ang effort ngayon.


Isang linggo na rin ang lumipas noong umalis si Troy. Si Troy kasi yung tipo ng lalaking ayaw sabihin kung kailan siya aalis ng bansa. Ayaw niya raw na maging malungkot ang mga taong malapit sa kanya.

Pero, kumukulo pa rin ang dugo ko sa tuwing naalala ko yung nangyari noong umalis siya. Oo, nalaman ko kung kailan siya umalis. Hindi ako pumayag na hindi man lang siya masisilayan sa pag-alis niya. Sinundan ko siya sa airport. Gustong-gusto ko na siyang habulin at yapusin kaso hindi ako makalapit. Biglang nadurog ang puso ko nang nakita ko yung isang babaeng lumapit sa kanya. Lumapit pa ako ng kaunti para makita ko ng mabuti kung sino yung babae.

Si Jessie.

Niyapos siya ni Jessie. Ako naman, nakatanga lang sa likod at pinapanood sila. Buti naman at hindi niya ito niyapos pabalik. Kundi, mapapasugod ako ng bakbakan dito.


Simula noong nalaman ko yun, kinalimutan ko siya. Hindi naman totally na kinalimutan. Mas prinioritize ko muna ang pag-aaral. Sa tuwing tatawagan niya ako sa Skype, nakikipag-usap naman ako. Kaso, hindi ko mafeel yung katulad ng dati. Wala na yung euphoric feeling.


Nagpunta ako sa library at nakicharge ng laptop. Nakita kong nagleave ng message si Troy.

"I miss you, and it's killing me."


Sinong niloko mo, Troy?! Ugh!

Nabibwisit ako. Sinubukan kong aliwin ang sarili ko. Nagbasa ako ng mga random books. MapaFilipiniana man 'yan o ano, binuksan ko. Hay bwisit.

Pagkatapos ng mga klase ko, nagpunta agad ako ng bahay at nagmukmok sa kwarto. Nagpalit agad ako ng damit pambahay. Buti na lang maaga ang awas namin ngayon. Nagprepare ako ng tuna sandwich at juice. Nakakagutom kaya ang mga lintik na topics na 'yun.

Dahil tinatamad akong maggawa ng assignment sa Solid Mensuration subject namin, kinuha ko ang phone ko at nagInstagram.


Nakita ko yung pinost ni Troy. Bagong post lang. 1 min ago. Sa Ouro Preto. So, nasa Brazil nga siya. Di nga, akala ko nagSogo lang sila ni Jessie eh.


Isusubo ko na sana yung tuna sandwich nang nagdilim ang paningin ko nang makita ko yung photobomber. Si JESSIE! GRRRRR.

Hindi ko namalayang napira-piraso ko na yung sandwich. Pinicturan ko ito at pinost sa IG.


recamball
Kaawa-awang sandwich. Ganyan din ang gagawin ko sa'yo oras na malaman ko ang totoo. *insert evil face emoji here*

Maya-maya ay may tumawag sa'kin via Skype. Okay, alam na.


"Anong ginawa mo sa sandwich?" Pag-aalala niyang tanong sa'kin


"Napira-piraso ko."


"Bakit, may problema ba, babe?"


"Wala naman. Yung kagrupo ko kasi sa isang subject. Sarap saksakin sa baga. May itinatago ata."


"Ahh. Gusto mo sipain ko?"

Sige, sipain mo ang sarili mo.


"Anyway, sana kasama kita ngayon dito. Ang ganda dito. Parang ikaw lang."


He. He. He.

"Paano ba 'yan, aalis na ulit ako, pauwi na kami nila Tita. Galingan mo sa school ha? I will love you, forever and always."

"WALANG FOREVER. BWISIT." Sabay patay ko ng Skype.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon