[6] Reca

338 6 4
                                    

Chapter 6
Reca

Reca's POV

"May gusto ka ba sakin?"

Biglang nagpanting ang tenga ko. ANO?! ANONG SABI NIYA?!

Sa sobrang asar ko, bigla ko siyang tinadyakan. Oopss.. Sa di-inaasahang parte ng katawan. Hala! Lagot ako nito!

"OOOOOUUUUUCHHHHH!!!" Namimilipit niyang sabi. Hala! Anong gagawin ko?! Balita ko, masakit nga daw matadyakan sa parteng yun?! Holy cow, Reca!

"Sorry! Sorry po! Sorry po talaga!" Anong gagawin ko?! Ano? Ano? Panic mode on.

"Aray! Ouch! Huhuhuhu! Tangina! Ang sakit!"

I feel bad! Masakit nga siguro yun! Alam ko na!

"Dalhin ko na lang po kayo sa clinic?!" Sabi ko, natataranta na talaga ako.

"May sira ba ang ulo mo?! Hindi mo ba alam na puro babae ang tao dun?! Sa tingin mo, may magagawa ba sila sakin?! HA?!" Nanggagalaiti niyang sabi habang hawak-hawak ang..ahm, you know.

"Sorry! Sorry po talaga! Tatawagin ko na lang po si Yvaughn!" Akmang tatakbo na sana ako kaso pinigilan niya ako. "Yung totoo, anong magagawa ng nakakabatang kapatid kong BABAE?!" Oo nga naman! Tae ko talaga!

"Ano pong magagawa ko?! Wala akong alam na pwedeng maitulong!" Naiiyak kong sabi. End of the world na ba? Huhuhu.

"Samahan mo na lang ako sa school garden! Magpapahangin ako, dali!"

At nagtatakbo na ako.

"Hoy!" Napalingon naman ako sa kanya.

"Bakit po?"

"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" Tanong niya. Paano?

"Paano po?"

"Akayin mo na lang ako."

Uh. Okay. Bumalik ako sa kanya at inakay siya papuntang school garden. Umupo siya sa ilalim ng puno.

"Ah, eh, sorry po, Kuya---" Teka! Ano nga ba ang pangalan nito?!

"Troy. Kuya Troy." He continued.

"Sorry po, Kuya Troy." Sabay tungo ko. Nakakahiya talaga ako.

"For the first time in my life, ngayon lang nangyari 'to sakin." Pagpapaliwanag niya. "Sakin din po." Sagot ko naman.

Bigla namang tumunog ang bell. Oh no! Kailangan ko nang pumunta sa room.

"Kuya Troy, aalis na po ako.."

"Iiwan mo na lang ako dito?! Wala ka bang konsensya?!" Ugh! Anong gagawin ko?! Magcucut ako ng klase?!

"Paano po yung next class ko?! Wala ka din bang konsensya?!" Oh my! Ano ka ba naman Reca! Sinagot mo pa! Hindi ka nag-iisip.

"Sige, umalis ka na nga." Sabi niya pero alam kong deep inside, galit siya. Sino ba namang hindi magagalit?

Lumakad ako palayo, lumingon ako sa aking likod at diretso akong nagpunta sa classroom namin.

Ano ba 'yan! Nakakakonsensya nga. Ano bang next subject namin?! Homeroom!

*TING!*

Nakaisip ako ng bright idea!

Lumapit ako kay Ma'am at nagpaalam.

"Ma'am!"

"Anong problema, Reca?" Tanong sakin ng adviser ko.

Lumapit ako kay Ma'am at bumulong ako. "Ma'am, hi-hindi ko na po talaga kaya. Nadudumi na po talaga ako. Pwede po bang magCR?"

"Ha?! Osige!" Nagpapanic niyang sinabi.

"Ma'am! Kukunin ko na din po yung bag ko! Nandito din po kasi yung mga tissue, sabon, extra panty at----"

"Sige na, Ms. Gomez! Lumakad ka na! Bago ka pa magkalat ng lagim!" Pagtataboy sakin ng adviser ko. Buti na lang hindi masyadong nakinig ng mga kaklase ko!

Kinuha ko ang bag ko at binigyan ko ng 'meaningful' looks sila Yvaughn at Gelo. Pagkakuha ko ng bag ko ay nagtatakbo na ako papuntang school garden.

Tumigil muna ako sandali at binawi ang aking pagkapagod. Aba! Nakakahingal kaya!

"Oh? Akala ko ba aattend ka ng klase mo?" Bigla akong napalingon sa likod ko. Si Kuya Troy.

"Nakakahiya naman po kasi sa inyo eh." Note the sarcasm here. Letse 'to. Gumawa na nga ako ng dahilan para hindi umattend ng homeroom. Pasalamat siya last subject na din namin yun kaya diretsong uuwi na ako!

"Ahh." Sabi niya. Teka, akala ko ba hindi 'to nakakalakad?

"Hindi ako lumpo." Woah?! Nababasa niya ang nasa utak ko? "Hindi." Dagdag pa niya. Shucks. Creepy.

"Alibi niyo lang po ba 'yan? Kasi kung hindi, maghohomeroom na lang ako."

"Please stay with me." He said in a pleasing tone. Shucks. Anong kalandian 'to?

"Sige po." Sabi ko sabay akay sa kanya papunta sa ilalim ng puno.

Parehas kaming nakaupo ngayon sa ilalim ng puno. Sobrang awkward nga eh. Paano ba naman, nakabukaka siya. Parang bagong-- err.

"Alam na ba ni Yvaughn?" Pagbabasag niya ng katahimikan. "Hindi pa po eh. Hindi ko pa po nasasabi."

"Ah. Huwag kang mag-alala, gagaling na siguro 'to in few minutes. Diba 4PM din naman ang awas niyo?"

Tumango ako. Napatingin ako sa orasan ko. 3:30PM. 30 minutes na lang, awasan na.

"Bakit mo nga ba ako tinadyakan?" Sabi niya na halata mong nang-aasar.

"Makapal ho kasi ang mukha niyo." I murmured.

"Ano?!"

"Wala po."

Biglang tumahimik ang paligid. Kami lang kasi ang nandito eh. Nakakahiya nga, baka akalain nila nagdadate kaming dalawa dito o kaya nama'y gumagawa ng kababalaghan sa ilalim ng puno. Hay!

Napa-yawn ako. Hay. Nakakaantok naman dito. Makatulog nga muna.

"Kuya Troy, matutulog lang ako ha. Huwag mo akong iiwan."

"Sige, matulog ka lang, kagatin ka ng langgam diyan."

Tsk. Bwisit! Bahala na. Antok na antok na talaga ako.
.
.
.
.
.
.

"Hoy gising na!" Napamulat ako. Bakit nasa ilalim ako ng puno?! Oo nga pala! Napabangon ako bigla.

"30 minutes ka ding nakatulog. Saktong awasan na. Ayos na din ako." Sabay tayo niya. Mukhang maayos na nga siya.

Kinuha ko ang bag ko at nagpagpag ako ng damit. Buti na lang nakaPE kami ngayon.

"Sige Kuya Troy, aalis na ako." Sabay takbo ko paalis.

"TEKA!"

Napatigil ako sa pagtakbo at lumapit siya sakin.

"Ano nga ba ang pangalan mo?"

Huh? Hindi pa pala niya alam ang pangalan ko.

"Reca po."

"Thank you, Reca." Sabi niya na parang nahihiya. Si koya naman, parang ngayon lang nagsabi ng 'thank you' eh.

"You're welcome po. Sorry din po ulit." Sabay talikod ko at takbo.











Bago ako lumabas ng school ay nagpunta muna ako sa CR. Napahawak ako sa puso ko. Ano 'to? Ano 'tong nararamdaman ko? May sakit na ba ako sa puso?

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon