[35] I will

170 5 2
                                    

Chapter 35
I will

Troy's POV

Ilang linggo na ang lumipas simula nang maging fiancé ko na si Reca. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang saya na naramdaman ko noong sinagot niya ako. Every man's dream, ika nga.

Simula noong naengage ako kay Reca, hindi na muli ako bumabalik sa Brazil. Siguro, once in a blue moon na lang. Kailangan kong magfocus sa papalapit na kasal. Ayoko nang pakawalan pa si Reca.

From: Unknown Number
Troy, let's meet at MissCandyholic's coffee shop. 11AM.

Huh? Sino 'to?

To: Unknown Number
Sorry. Sino po ito?

From: Unknown Number
I'm Jessie's Dad. I need to talk to you. Please.

Jessie's Dad? Bakit? Bakit niya ako kakausapin? May nangyari ba kay Jessie?

11AM. MissCandyholic's Coffee Shop.

"Goodmorning, Sir. Ano pong kailangan niyo sa'kin?" Straight forward kong sinabi sa kanya.

"I need you. My daughter needs you."

"What do you mean, Sir?" Napangisi ako. Matagal na kaming tapos ni Jessie. Matagal ko na siyang kinalimutan. May Reca na ako ngayon.

"May taning na ang buhay ni Jessie. May leukemia siya. Stage 4. Konting-konti na lang ang nalalabi niyang araw. Gusto ko sanang pasayahin mo ang anak ko sa mga araw na iyon. Nagmamakaawa ako sa'yo. Alam kong ikaw lang ang makakagawa noon sa kanya."

"Can I have your dau----- Ay sorry po. Goodmorning po pala." Ano ba yan, Troy! Umpisa pa lang, nakakahiya ka na!

"Sinong hinahanap mo?" Tanong nung lalaki. Mga nasa 40s na siya. Heto siguro yung daddy ni Jess.

"Si Jess po." I said.

"Pasok ka."

Pagkapasok ko, pinaupo ako ng daddy niya sa sala. Nakakatakot naman ang aura dito. Parang lalamunin ako ng lupa.

"JESS?!" Nagitla ako bigla sa pagsigaw ng daddy niya.

"Yes, dad?"

"May bisita ka. Bumaba ka dito."

Bumaba naman si Jess galing sa kwarto niya. Wow. Ang ganda niya talaga. Mahaba ang buhok niya. Maputi. May dimples.

"Troy?" Alam kong nagulat siya sa pagpunta ko ngayon dito. Hindi ko kasi sinabi sa kanya eh.

"Jess, flowers for you." Sabay abot ko sa kanya ng bouquet.

"Thank you." Then, she hugged me. Boom. One point for you, Troy!

"AHAM!" Again, nagitla na naman ako sa daddy niya.

"Dad, this is Troy. Troy, si Daddy."

"Boyfriend mo, Jessie?" Tanong sa kanya ng Daddy niya.

"Hindi po. Nanliligaw lang." Sabi naman ni Jess. Napatingin naman sakin ang Daddy niya.

"Gusto ko po sanang----" He cut my words.

"Kung gusto mo talaga siya, you'll wait for her. Wala pa kayo sa right age. Masyado pa kayong mga bata. Maghihintay ka ng 4 years." What?! 4 years na naman?! Hindi sa ayaw ko si Jess kaso, pagod na akong maghintay! All these years, hinihintay ko lagi si Jess. Tama yung daddy niya, wala pa kami sa right age pero...

"Sige po. I'll try." I said sabay ngiti ng pilit. Ano pa bang magagawa ko?

"I'll try? Pinapakita mo bang hindi kayo karapat-dapat para sa isa't-isa? Kung gusto mo talaga siya, prove it! Patunayan mo, Troy." Tapos nun, iniwan niya kami sa sala.

"Sorry, Troy." Jess said.

"No. It's okay. I'll wait for you, no matter what happens. Una na ako?" Sabi ko sa kanya.

"Sorry, Sir. Engaged na po ako." Sabay pakita ko sa kanya ng engagement ring ko. "Hindi ko po magagawa ang mga sinasabi niyo. I'm sorry." Magwawalk-out na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.

Unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko. "Please, Troy. Alam kong naging rude ako sa'yo noon. But please, this time, pagbigyan mo na ako. For my daughter's sake."

"Sir, please, tumayo na po kayo diyan." Ayoko ng mga ganitong klaseng scenario.

"Jessie still loves you. Sabi mo, hihintayin mo siya kahit anong mangyari. Pero, ano 'to?"

"Sorry, Sir. Hindi ko na po siya mahal. May iba na po akong mahal."

"Matitiis mo ba si Jessie sa kalagayan niya? Naghihirap siya ngayon. She's dying!"

Nagflashback lahat ng mga alaala ko kasama si Jessie. Kahit naman papaano, minahal ko siya ng mahigit apat na taon. Sobrang bait niya.

Kaya ba niya tinanggihan ang alok ko noon bilang boyfriend niya ay dahil sa sakit niyang ito?

"Jess, will you be my girl?"

"I'm sorry, Troy. I can't."

Posible.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan masaya na ako, saka siya babalik? Pinagkakait ba talaga sa'kin ng tadhana ang kasiyahan? Bakit hindi ko man lang maranasang lumigaya nang pangmatagalan?

Napatingin ako sa matandang lalaking nasa harap ko ngayon. He's waiting for my answer. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sincerity at ang pagmamahal niya sa anak niya.

Napamahal ako kay Jessie noon. Mabait siya at mapagmahal. Wala na 'kong masasabi pa sa kanya. Sobrang sakit nga lang nang ginawa niya sa'king pagtalikod. Pero kung yun ang rason nang pagtalikod niya sa'kin...

Magagawa ko pa rin ba siyang pasiyahin?

"Troy?"

"I will."

Napayakap siya nang mahigpit sa'kin.

"Thank you, Troy. I owe you, bigtime!" Tuwang-tuwa niyang sabi sa'kin.

"Pero.." I paused. "Huwag po kayong mag-eexpect na babalik yung dati kong pagtingin kay Jessie. May fiancé na po ako. At, mahal na mahal ko siya."

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon