Epilogue

373 8 0
                                    

Epilogue

Napabuntong-hininga ako. Hinihingal ako ngayon. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag.

Nagpahinga muna ako saglit. Napayuko ako sa sobrang pagod.

Natatanaw ko na ang likod niya. Sigurado ako.

Siya yun.

Si Troy yun.

Hinihintay niya ako.

Alam niyang dadating ako.

"Troooyyyy!"

Hindi ko na napigilan. Napasigaw na ako ng pangalan niya. Kita kong humarap siya ngayon kung nasasaan ako. Malayo ang pagitan namin. Hindi ko makita ang mukha niya. Natatakluban ito nang sikat ng araw. Tumakbo ako papunta sa kanya.

Pabilis nang pabilis ang takbo ng puso ko. Buo na ang desisyon ko.

"Everybody deserves a second chance." I said.

Napatingin ako sa kanya. At ganoon din siya sa'kin. Sa madali't-sabi, nagkaroon kami ng eye contact. After one year, ngayon ko lang ulit siya nalapitan nang ganito.

He smiled. Kakaiba yung ngiting binigay niya sa'kin. Nakakagaan sa puso.

"A second chance doesn't always mean a happy ending. Sometimes, it's a chance to end things right." Sabi ko sa kanya dahilan para mapatungo siya. Naniniwala pa rin ako na walang happy ever after. Hmp.

The next thing I knew, yapos yapos na niya ako. Yung sobrang higpit. Yung para bang ayaw niya na akong paalisin sa tabi niya. Bakit ganito ang pakiramdam? Bwisit naman. Masasayang ang pagiging bitter ko sa loob ng isang taon kung bibigay agad ako.

"I'm sorry." Bulong niya sa tenga ko. I heaved a sigh. Hindi ko alam kung magsosorry rin ba ako o ano. Pakiramdam ko, may part din sa sarili ko na ako yung may kasalanan. Hindi ko man lang nilawakan ang pang-unawa ko. Pero, may nagsasabi naman sa sarili ko na hindi ako yung may kasalanan- na naging biktima lang din ako.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon