[22] Familiar

276 5 2
                                    

Chapter 22
Familiar

Reca's POV

3AM. Last day na namin ngayon sa coffee shop. Nakakaiyak na nakakatawa. Paano ba naman itong manager namin, iiyak tapos tatawa. May sapi ata. Pagkatapos ng aming matinding paalamanan ay nagpunta ako sa bahay nila Yvaughn dahil...

Outing na namin mamayaaaa! Wiiiiiiii!


Hindi namin kasama ngayon si Gelo dahil mag-iimpake pa raw siya ng kanyang mga damit. Buti na lang, tapos na ako nung isang gabi pa. Halatang excited. Hehe.

Habang papasok ng kwarto ni Yvaughn ay napatigil ako sa kwarto ng Kuya niya. Naalala ko yung nangyari nung isang araw.

"Don't fall in love with me."

"Don't fall in love with me."

"Don't fall in love with me."


Bakit? Bakit niya yun sinabi sa'kin? Anong meron? Alam na ba niya na may gusto ako sa kanya? Gusto ko sanang itanong kay Yvaughn pero alam kong hindi naman niya sasabihin yun ng basta basta sa Kuya niya. Hay.

Ayos na sana ako nung araw na yun, biruin niyo ba naman, first time ko lang maramdaman yung ganung feeling. Lalo na nung hinawakan niya yung kamay ko. Hindi ako makapaniwala nun na hawak hawak niya ang kamay ko. Tila ba isang panaginip.


Maiba ang usapan, napagpasyahan naman naming pakealman ang kusina nila Yvaughn. Nga pala, nandito na agad si Gelo. Ambilis niyang mag-impake ng mga gamit. Palibhasa, lalaki at walang mga kung anong anek-anek sa katawan.


Pagkatapos nun ay nagkainan na kami sa dining room. Nagising na rin sila Tita at Troy. Nagluto kami ni Gelo ng breakfast. Samantalang nagprepare naman ako ng veggie salad. Para 'to kay Troy. Sana naman magustuhan niya.


Habang nakain kami ay nagkekwentuhan kaming lahat. Gaya na lang nang pagbibiro ni Yvaughn, ang todo pasasalamat ni Tita sa breakfast, ang pagcompliment sa veggie salad ko ni Troy (na nagdulot sa'kin ng sobrang kilig, agang-aga) at ang pag-alis ng mga oldies mamaya. (Oldies= Mga parents namin nila Gelo at Yvaughn. Hahaha!) Pupunta kasi silang lahat sa Singapore. Habang nasa outing kami, nasa ibang bansa naman sila.

7AM. Napagpasyahan namin ni Gelo na pumunta muna sa mga bahay namin. Maliligo na kami dahil three hours na lang ay papunta na kami sa beach. Yay! I'm so excited!

10AM. Nakaayos na ang lahat. Kararating lang namin dito sa harap ng bahay nila Yvaughn. Nadatnan naming nagsasakay ng mga gamit si Troy sa sasakyan niya. Napatigil naman siya nang makita niya kami.


"Wow. Mga mukhang bagong paligo tayo ah. Mga fresh from bath! Hahaha." Loko sa'min ni Yvaughn.


Napansin ko bigla ang itsura ni Troy. Shet. Bakit ganito? Ang gwapong nilalang! He's wearing a Penguin polo shirt and shorts and Sperry top sider. Plus, naka-RayBan sunglasses pa. Leche, ang hot!


"Yvaughn, why your Kuya is so hot?!"
RIP grammar. Gahd. Hindi ko na mapigilan. Napabulong na lang tuloy ako kay Yvaughn.

"Baliw! Heto kasi yung secret." Bulong niya sa akin dahilan naman para lumapit ako sa kanya. "Mana kasi sakin 'yan! Hehehe." Sabi niya naman sa akin sabay tawa ng malakas.

"CRAZY!" Sigaw ko sa kanya. Ito talagang si Yvaughn. Wala nang pagbabago. May sayad talaga.

"Naks ha. Pangsummer talaga ang attire natin ngayon."

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon