[37] The Wedding

207 5 2
                                    

Chapter 37
The Wedding

Reca's POV

Many months later..

"Are you ready, Reca?" Bulong sa'kin ni Mimi. Kanina pa akong nanlalamig sa sobrang kaba. Ganito pala yung feeling nang ikakasal na.

"Yes, Mi. I'm ready." I gave her my sweetest smile pagkatapos kong maisuot ang pearl earrings ko.

A love story that should be told.. It all unfolds on 21 October 2013.

Napapangiti ako habang binabasa ko ang invitation. This is it. Heto na. Ikakasal na ako.

Kumusta naman kaya ang groom ko? Isang araw ko na siyang hindi nakikita. Gawa kasi nung shower shower na nalalaman na yun. Hehe. Namimiss ko na siya. Ano kayang itsura niya? Sobrang gwapo nun, for sure.

"Let's go, hija. I'm so happy for you." Sabi ni Mi sabay halik sa noo ko. Pagkatapos nun, lumabas na kami sa kwarto ko.

Fairytale ang theme ng wedding. Malaprincess ang gown ko ngayon. Inspired by Aurora's wedding gown, to be exact. Binubuo ito ng mga rhinestones, crystal beading, sequins at satin / organza flowers-a reflection of Aurora's femininity and elegance. Ang gown na ito ay may kasama ng sweetheart neckline, fitted bodice and ethereal, net skirt.

Chignon ang ayos ng buhok ko. Petal pushing style ang itsura nito. Mayroon lamang akong light make-up na nagcocomplement sa gown ko. For the last time, humarap ako sa salamin sa labas ng bahay. Napangiti ako. Sobrang ganda mo na Reca. Mukha ka na talagang Disney princess.

Simple lang ang kasal namin ni Troy. Sa isang garden kami ikakasal. Yung garden na malapit sa kapatagan na pinuntahan namin noon. Gusto namin doon dahil memorable ang lugar na yun para sa'ming dalawa.

Kakaunti lamang ang aming bisita. Mga kamag-anak niya, ang pamilya ko, ang Uto Uto Gang at sina Gelo at Petals.

On the way na kami ngayon sa garden na pagdadausan ng kasal. Ganito pala ang pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. Yung para bang matatae ka sa sobrang kaba at excitement na nararamdaman mo.

Rolls Royce Silver Shadow II in marble white ang sinakyan naming kotse ni Mi at Di. Sabi ko sa kanila, yung simple na lamang na kotse. Pero, ayaw nilang pumayag. Once in a blue moon lang daw ako ikakasal kaya dapat itodo na. Hehe.

Nakatingin ako ngayon sa kalsada. Hindi pa rin ako makapaniwala ngayon na ikakasal na ako. Sobrang sarap sa feeling kapag naiisip ko na ikakasal ako sa taong mahal ko.

Habang papunta roon ay inalala ko lahat ng mga pinagdaanan namin. Kung paano kami nagkakilala, kung paano ako nagkacrush sa kanya, kung paano ako nagreresearch parati sa Google (napangiti tuloy ako nang nakakaloko ngayon), kung paano ako nalungkot noong umalis siya, kung paano ko siya sinagot bilang boyfriend ko, yung mga date namin, mga hugs and kisses, yung mga surprises niya at higit sa lahat, yung ginawa ko siyang happiest man alive. Naalala ko ang lahat ng 'yun. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maluha.

"Reca, huwag kang umiyak, ano ka ba. Kakayat ang make-up mo, sige ka! Magiging kamukha mo si Taylor Swift sa Blank Space!"

"Ayos lang yun, Mi! Si Taylor Swift kaya 'yun." Napatawa kaming lahat sa loob ng sasakyan. Pinawi naman ni Di ang mga luha ko.

"I'm so happy for you, our princess." Bulong ni Didi sabay yapos sa'kin.

"Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po kayo makakalimutan. Hindi naman ako aalis eh. Mag-aasawa lang. Hehe."

I smiled. Sobrang blessed ako dahil sila ang mga naging magulang ko. Kahit para silang may sapi minsan, mahal na mahal ko sila.

Natatanaw ko na mula sa kinauupuan ko ang mga tao. Mga mukha pa silang excited sa'kin dahil lahat sila ay nakatayo. Nag-uumpisa na naman sa paglundag ang puso ko. Ito na talaga. Wala nang atrasan.

Tumigil ang sasakyan sa may aisle. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang reaksyon ng mga mukha nila.

Ngumiti sa'kin sina Mimi at Didi at bumaba sila ng sasakyan. Anong nangyayari?

Kinausap ni Yvaughn si Mimi. Yung masayang mukha niya kanina ay napalitan nang pagkanerbyos. Kinatok ni Yvaughn ang sasakyan at binaba ko naman ang bintana.

"You look so beautiful, Reca." Sabi niya sa'kin sabay halik sa cheeks.

"I know." Mabilis ko namang sagot sabay ngiti ng pilit. "Pwede mo bang sabihin sa'kin kung anong nangyayari?" Pagsusumamo ko sa kanya.

"Wa-wala pa rito si Ku-Kuya."

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala pa si Troy? Bakit? Pa-paanong wala pa?!

Mukha namang naintindihan ni Yvaughn ang gusto kong sabihin.

"Paggising namin kanina, wala na siya. Ang buong akala namin ni Ma, nasa UUG (Uto Uto Gang) siya at doon nakibihis. Pagkapunta namin dito, hindi namin nadatnan si Kuya. Wala kaming nakita ni anino niya. Tinanong namin ang UUG kung alam nila kung nasaan kaso hindi raw. Kinocontact namin siya, pero wala. Kanina pa kaming kinakabahan. Reca..." Malapit nang bumagsak ang mga namumuong luha sa mata ni Yvaughn.

"Ssshhh.. Dadating ang Kuya mo. Kilala ko yun." Paninigurado ko sa kanya.

Makalipas ang thirty minutes ay hindi pa rin ako bumababa ng sasakyan. Patuloy pa rin ang pagsilip ko sa labas dahil baka dumating na siya. Lahat kami ay mga nakabantay sa cellphone namin. Tinatawagan namin siya pero hindi macontact ang phone niya. Nag-uumpisa na akong magpanic.

1PM. Isang oras na kaming naghihintay. Hindi na ako makapagpigil pa. Bumaba na ako ng sasakyan. Sinabihan ako ni Mimi na magtanghalian na raw muna ako dahil ala-una na. Pero, ayoko. Kumakain muna ang mga bisita sa serenity garden na malapit dito. Magkatabi lang kasi ang pagdadausan ng kasal at ang reception.

2PM. Nasaan ka na ba, Troy?! Anong nangyayari sa'yo?! Hindi mo ba ako sisiputin sa kasal natin?! Hindi ko na napigilan pa, naiyak na ako. Nilapitan nila akong lahat at niyapos. Sorryng-sorry sa'kin sina Mama at Yvaughn. Kanina pang hinahanap ng UUG si Troy. Naghiwa-hiwalay na sila ng sasakyan pero hindi pa rin sila nakakabalik ngayon.

3PM. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra na akong frustrated. Kinalag ko na lahat ng mga accessories ko. Pati na rin ang mga ipit na nakatali sa buhok ko at ang heels na suot-suot ko. Pinauwi na rin ni Mimi si Father na magmimisa dapat sa kasal namin. Sobrang sorry si Mimi kay Father. Nilapitan naman ako nito at binigyan ng payo.

Love is patient and kind.

Masyado nga ba kaming nagmadali? Lalo na ako? Hayan kasi, ang easy to get ko. Ito ba yung kapalit nun? Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Lumipas na naman ang isang oras at hindi pa rin nabalik si Troy. Bumalik ang UUG pero hindi nila ito kasama. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong ito sa puso ko. Magkahalong inis, galit, poot, panghihinayang at lungkot. Anong ginawa mo, Troy?! Paano mo nagawa sa'kin 'to?

Wala akong magawa kundi ang umiyak. Gusto kong isiping panaginip lamang ito pero hindi, totoo ang mga nangyayari. Kitang-kita ko sa mukha ng mga mahal ko sa buhay ang disappointment. I'm so sorry.

Sobrang sakit. Hindi ko malilimutan ang ginawa mong 'to, Troy. Binigo mo kaming lahat, lalo na ako.

Totoo nga ang sabi nila, hindi totoo ang mga fairytales at walang happy ever after.

-------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Malapit nang matapos ang story. Kapit lang. Hehe. Nga pala, baka baguhin ko rin yung title ng story. Balitaan ko na lang kayo kung babaguhin ko o hindi. Thanks for reading! ;)

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon