[30] Trust

260 5 3
                                    

Chapter 30
Trust

Reca's POV

Days had passed. Naalala ko yung nangyari noong first date namin.

"I love you, too, babe. Goodnight."

Naiwan ko siyang nakanganga. Tulad nga ng sabi ko, first time ko lang mag-I love you, too sa taong mahal ko. Grabe pala yung feeling nang kinikilig, noh? Yung grabeng kilig. Yung todo-todo na. Yung sagadan na. Ang saya-saya sa feeling! Sana ganito na lang palagi.

Para sa second date namin, nagpunta kami sa isang farm. Hindi ko nga alam kung bakit doon kami nagpunta. Hayun pala, maghoHorse Back Riding kami.


Tinuruan niya ako kung paano sumakay sa kabayo. Noong una, sobra akong kinakabahan at sigaw ako nang sigaw. Nagalaw kasi yung kabayo eh.

"Ibaba mo na ako dito. Ayoko na." Nagwawala kong sabi. Nangangatog na ang tuhod ko. Pakiramdam ko, malalaglag ako.

"Magtiwala ka lang, babe."

"Paano kung mahulog ako dito?! Sige nga!"


"Nandito naman ako. Sasaluhin kita kahit anong mangyari. Magtiwala ka lang."

Nung sinabi niya yan, pakiramdam ko nasunog ang mga pisngi ko. Parang double meaning. Nag-umpisa na namang magwala ang mga homo erectus sa tiyan ko.

Sa next date namin, tinuruan ko siyang magluto. Nagpunta kami sa supermarket at namili ng mga ingredients ng Cordon Bleu, ang kanyang all-time favorite. Hindi lang yun, bumili rin siya ng couple apron. Hehe. After nun, nagpunta kami ng bahay at nag-umpisa nang magluto. Tinuruan ko siya kung paano maghiwa ng mga ingredients. Kitang-kita ko naman sa mga mata niya na tuwang-tuwa siya.


"Ako ba talaga ang nagluto nito?" Tanong niya sa'kin pagkatapos niyang tikman ang ginawa naming cordon bleu.


"Uy ha, ang kapal ng mukha mo babe. Pinagtulungan natin 'yan." I chuckled.

Sumubo pa ulit siya.

"Thank you, babe. Hindi ko 'to malilimutan." He said as he wraps his arms around my waist and resting his head against mine. He's hugging me from behind.

Pakiramdam ko hindi ako makagalaw. Nashock ako noong una. Pero nung unti-unti kong narerealize, napapangiti ako. Gusto kong mafeel yung moment. Ayoko munang umalis sa ganitong posisyon. I want to savor this moment.

Ang latest date naman namin ay sa playground. Sa playground na kung saan ako nagdapa noong nanliligaw siya sa'kin. Oo nga pala, hindi nga pala siya nanligaw. Sinagot ko na kaagad.

Nagslide kami dun. Nagmonkey bars. Sumakay sa swing. Nagkaroon pa kami ng contest. Pataasan dapat. Hulaan niyo kung sinong nanalo.


"Nanalo akooo! Yehey!" Sinigaw ko ito nang malakas sa sobrang saya


"Wala. Dinaya mo ako eh." Sabi niya.

"Hindi. Sabi kasi dun sa isang article na nabasa ko, kapag matanda ka na, nagkakamotion sick daw sa mga swings." Pinipigilan kong tumawa.


"Ha? Sinong may sabi sa'yong matanda na ako?!"

"Ako." At mapang-asar naman akong ngumiti sa kanya

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon