[8] Puto Bumbong

268 6 2
                                    

Chapter 8
Puto Bumbong

Reca's POV

Nandito kami ngayon sa simbahan at kasalukuyang nagsiSimbang Gabi. Iba talaga ang ambiance kapag Pasko. Masasaya ang mga tao.

"Ama namin.."

"Reca! Ama namin!" Bulong sakin ni Yvaughn. Itinaas ko naman ang mga kamay ko at nagAma Namin.

"Kuya! Kapitan mo naman si Reca! Para mo na rin 'yang kapatid, noh!" Suway ni Yvaughn kay Kuya Troy. Pinaggigitnaan kasi nila akong dalawa. Simula nung nakilala ko si Yvaughn, lagi na niya akong kasama kasi wala nga akong kasama sa bahay. Aw. Forever alone. But! Uuwi na naman sila Mimi bukas kaya masaya ang buhay!

"Sumasalangit ka.."

"Yak. Ano bang klaseng kamay 'to?! Pasmado. Tsk." Kinig kong bulong ni Kuya Troy. Napatingin ako sa kanya. Ako ba yung tinutukoy niya? Lumingon ako sa kaliwa niya. Aba! Ibig sabihin ako nga ang sinasabihan niyang pasmado? Grrr!

"Sambahin ang ngalan mo.."

Bigla akong bumitaw sa kanya. Napatingin naman siya sakin.

"Oh? Kuya! Bakit----"

"De. Ayos lang, Yvaughn. Nakakahiya kasi kay Kuya Troy. Pasmado ang kamay ko. Hayaan mo, iihian ko na lang 'to pagkakagising para matanggal ang pagkapasma." Sabay irap ko sa maarteng lalaking 'yon.

"Yuck." Bulong niya.

"Hoy! Ano ba kayong mga bata kayo?! Nagsisimba ba kayo o nagdadaldalan?!" Sigaw samin nung matandang nasa likuran. Kapatid pa ata 'to ni Ms. Minchin. Hala. Lagot.

"Sorry po." Sabay sabi naman namin ni Yvaughn.

Pagkatapos ng misa ay nagkayayaan kaming bumili ng pagkain sa labas. Kaso, heto namang si dakilang KJ lord, umayaw.

"Dali na Kuya! Para puto bumbong lang eh! Di pa ako nakakatikim nun sa buong buhay ko!" Pagmamakaawa ni Yvaughn sa kuya niya. Sa katunayan, ako din naman. Never pa akong nakakain o nakatikim man lang n puto bumbong.

"Nagmamadali ako. Kailangan ko pang tawagan si Jessie."

"Sus. Dito mo na lang tawagan. Malaki na yun!"

"Nope. Kung gusto niyong bumili, bumili kayo. Heto." Sabay abot niya kay Yvaughn ng pera. "Enjoy your puto bumbongs!" At pagkatapos, tumakbo na siya papaalis.

"Tsk. Bwisit na Jessie na yun. Hay nako, Reca. Tara na nga."

"Bukas ulit ha?"

"Oo naman! Day 5 na tayo bukas!"

Pagkatapos nun, naglakad na kami papuntang bahay. Malapit lang naman ang village sa simbahan kaya nilalakad namin palagi.

"Salamat, Yvaughn! Bukas ulit!" Pagkakaway ko kay Yvaughn ay pumasok na agad ako sa bahay.

"Masarap ba ang puto bumbong?"

"Ay shokoy!" Nagulat ako sa nagsalita. Si Kuya Troy! Anong ginagawa niya rito?! "Ano pong ginagawa niyo rito?"

"Nagdala ako ng puto bumbong."

Bigla akong nagtaka sa sinabi niya. Ano raw? Nagdala siya ng puto bumbong?

"Hindi kasi sumasagot yung tinatawagan ko kaya hayan. May nakita ako sa daan na nagtitinda. Binili ko kayo ni Yvaughn. Alam ko namang hindi niyo binili yung perang binigay ko."

Ahhh. Mabait naman pala.

"Salamat po."

"Sige, bukas na lang ulit."

Pagkaalis ni Kuya Troy ay nilock ko na ang gate at diretso akong tumakbo sa taas.

Pagkalinis ko ng katawan ay sumalampak agad ako sa kama. Hay. Simula nang nangyari yung mosaic making na 'yun, naging abnormal na ako. Lalo na ang pagtibok nitong puso ko.

[Flashback]

I opened the door and unexpectedly...

"HUH?! Anong ginagawa mo?! Sinisilipan mo ba ako?!" Biglang nanlaki ang mga mata ko! Paano ba naman! May bumungad na ganito sa akin! Lalaking nagbibihis! Whatdapak!

"Hindi po Kuya! Hinaha---" Sabi ko sa kanya. Pero mukhang di pa din siya naniniwala. Oh noes!

"Naninilip ka! Sino ka ba?! Paano ka nakapasok sa bahay?!" Nanggagalaiti niyang sabi sakin. Huhu. Lamunin mo na ako, lupa.

"Kuya! Anong ginagawa mo?!" Kinig kong sigaw ni Yvaughn. Buti na lang dumating siya!

"Iyan! Sino ba 'yan?!" Sigaw ng mala-godlike creature na nasa harapan ko. Tsk. Pogi sana, kaso saksakan ng sunget!

"Kaklase ko siya Kuya!" Tama Yvaughn! Ipagtanggol mo ako!

"Anong ginagawa niya dito?!"

"Naggagawa kami ng project Kuya! Ano bang meron?" Inis na sabi ni Yvaughn. Nakakainis nga 'tong lalaking 'to! Nakakairita! Kuya ba 'to ni Yvaughn?!

"Naninilip 'yang kaklase mo!" WHAAAAT?! AKO ANG NANINILIP?!

"Hindi totoo 'yan! Ikaw ang may kasalanan! Hindi mo naman sinasarado yung pinto eh! Tsk." Sa sobrang bwisit ko, pinagtanggol ko na ang sarili ko. Totoo naman ah! Hindi ako maninilip! Ang assuming nito!! Grrr!!

"BWAHAHAHAHAHA!" At hayun, utas na si Yvaughn kakatawa. Waa! Anong nakakatawa?! Meron ba?!

"Tandaan mo ang araw na 'to." Sabi sakin nung Kuya niya.

[End of Flashback]

At, sinundan pa ito nung nagCR ako sa floor nila na kung saan ay unti-unti siyang lumapit sakin, nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at sabay bulong ng...

May gusto ka ba sakin?

Ano ba itong nararamdaman ko? Pakipaliwanag naman oh. Nalilito na talaga ako. Isa pa 'tong si Google na panay ang sabi ng "Congratulations! You're in love!" Ganito ba talaga kapag in love? Ito ba yung sinasabi nila? Sus. Baka naman puppy love lang 'to. Besides, bata pa lang naman ako. Siguro nga masyado lang akong nacacarried-away sa mga nangyayari.

Pero bakit pakiramdam ko kanina para akong nakuryente nung hinawakan ako ni Kuya Troy nung Ama Namin? Anong meron? Heto na ba yung sinasabing 'sparks?'

(Hay nako, Reca. Yumapos ka na lang sa poste ng Meralco para makaramdam ka ng sparks.)

Siguro nga. Poste lang siguro ng Meralco ang katapat ko.

Nga pala, may puto bumbong nga palang naghihintay sakin sa baba. Makain muna ang padala ni Kuya Troyyy.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon