[24] Stay with Me

214 7 1
                                    

Chapter 24
Stay with Me

Reca's POV

Nandito kami ngayon ni Yvaughn at nakahiga sa aming kama. Siyempre, magkatabi kami. Tapos si Troy at Gelo naman sa kabilang kama. Tinatamad pa kaming magswimming. Nagpapahinga muna kami ngayon dahil nakakapagod sa byahe. Nakakapagod din kaya yung magdamag nakaupo. Hehe.

"Wala bang dalang babae yung barkada ng Kuya mo?" Bulong ko kay Yvaughn. Ang awkward naman kasi kung meron.

"KOYA! KONG MAY DALA KA DAW BABAASDFGHJKL!" Bago pa matuloy ni Yvaughn ang sasabihin niya ay binusalan ko na ang bibig niya. Ang ingay talaga ng babaeng 'to.

"ANO?!" Tanong ni Troy na halos pagalit na. Kasi naman si Yvaughn, ang lakas kung makasigaw.

"WALA PO." Sabay kindat ni Yvaughn sa Kuya niya. Halatang natakot.

"Huwag kayong mag-alala, wala silang dalang babae. Pero ako, may dala." Sabi naman ni Troy na ikinagulat namin.

"Talaga? Nasaan yung dala mong babae?" Sabay hanap at silip namin ni Yvaughn sa labas

"Yung mga dala kong babae ay yung dalawang babaeng tsismosang nakasilip sa pintuan at may hinahanap na kung sino man."

"HUH?" Nagkatinginan naman kami ni Yvaughn

"KAYO YUN!" Sabi ni Troy sa'min.

Dafudge.

"Ay shunga. Tayo pala." Sabi ko kay Yvaughn sabay kamot ko sa aking ulo.

"Oo, kayo nga. Di ko akalaing mga tsismosa pala kayo ha." Hala. Turn-off na si Troy sa'yo, Reca. Lagooot.

"We're not tsismosas kuya!"

"Whatever, Yvaughn. Magready ka na lang."

"Nga pala Kuya, ano yung pa-activity mo?"

"Secret!" Wushu. Secret-secret ka diyan!

Kinausap naman ni Yvaughn si Gelo. Mukhang lalabas silang dalawa at pupunta ng beach.

Hindi pa nakakalayo si Yvaughn nang bigla siyang bumalik para lang sabihin na.. "Pst! Behave ka lang diyan girl! Hihihi!"

Napatingin ako ngayon kay Troy. Kami na lang dalawa ang nandito sa loob ng cabana. Gusto ko sanang iopen yung topic na yun. Yung sinabi niya sa'kin nung isang araw.

"Troy?"

"Bakit?"

"Nevermind."

I sighed. Hindi ko alam. Parang may pumipigil sa'kin. Mas mabuti nga sigurong tumahimik na muna ako.

Kasalukuyan kaming nasa cabana ngayon at ready na para sa activity na inihanda ni Troy. Ito ay pinamagatang "Meet and Greet with Twist." Spin the bottle kasi. Ang matapatan ng bote ay pipili: One or All. Kapag "One", tatanungin lang siya ng isang tao. "All" naman kapag gusto niya na lahat ay magtatanong sa kanya. Nakadepende yun sa taong matatapatan ng bote. Ang itatanong sa kanya ay kahit ano na tungkol sa buhay niya.

Walang matapang na nagAll sa'min maliban na lang kay Yvaughn. Ang tendency tuloy, tinanong siya nang tinanong. Haha. Ako naman, nagOne lang. At dahil sinuswerte ako, ang nagtanong sa'kin ay si Troy. Halata mo naman sa itsura ni Yvaughn na kinikilig siya para sa'kin. Ano pa kaya ako? Hihi.

"Kung sakaling may manligaw sa'yo, may pag-asa ba siya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong niya. Nagsamid-samidan naman ang mga kabarkada niya.

"Depende." Sagot ko. Tama na siguro 'yan.

"Okay." Sabi niya lang sa'kin.

Totoo ba yung nakita ko? Mukhang nadisappoint siya? Hay. Hallucination lang siguro.

Pagkatapos ng laro ay nagpunta kaming lahat sa dining area. Nakakapanibago dahil puro boys ang kasama namin pero masaya naman. Mababait naman sila at mga masiyahin. Seafoods ang inorder ni Troy para sa gabing ito. Parang Kamayan sa Palaisdaan ang peg namin ngayon.

Nag-umpisa naman sa pagiinterview si Yvaughn. Dinaig mo pang nasa The Buzz ang mga lalaking ito. Kaawa-awang mga nilalang.

Pagkatapos naming kumain ay nagdecide muna kaming magstay dito sa dining area para magkwentuhan.

Base sa aking obserbasyon..

Si Adrian, mukhang siya yung pinakamatanda sa kanila. Maputi siya at matangkad. Siya ang pinakamatangkad sa kanilang lahat. Soccer player. Napanood ko kasi siya noon sa Channel 23. Haha. May itsura siya. Mukhang mabait din.

Sunod, si Dominic, umpisa pa lang, naririndi na ako sa kanya. Paano ba naman, walang ibang ginawa kundi mang-iyamot kay Yvaughn. Kalalaking tao, ang ingay. Pero mabait naman daw sabi ni Troy. Mukha nga lang babaero. Maputi, pero mas maputi yung isa-si Elijah.

Next ay si Drew, basketball player. Spiky ang buhok. Maputi ang ngipin. Grabe, maputi talaga. Nakaka-isang kahon na Colgate ata 'to sa isang araw eh.

Elijah, quiet and shy type. Pero sabi naman ni Troy, sa umpisa lang daw yun. Singkit. Laging may hawak na iPad at naglalaro ng Dumb Ways to Die.

Sunod naman ay si Enzo. Misteryoso siya. Mukhang may tinatago. May hikaw siya sa right ear niya which is bagay sa kanya. Maputi at matangkad din. Messy ang hair. Brown ang eyes. Mukhang tipo ang bff kong si Yvaughn. Hala. Yari ka ngayon, Gelo.

Last, si Jerry, siya talaga yung familiar sa'kin. Feeling ko nakausap ko na siya noon. Half-Brazilian, half-Filipino. Matangos ang ilong. Moreno. May itsura. Pero mas pogi pa rin ang Troy ko, noh.

Pagkatapos nang kwentuhan ay nagkanya-kanya na kami. Yung iba ay mga nanonood ng TV, ang iba naman ay mga nagswimming, yung iba ay naguunggoy-ungguyan (yung laro sa cards ha?!) at yung iba naman ay matutulog na. Parang ako lang. Matutulog na ako ngayon nang hindi siya papansinin kahit nasa kabilang kama lang siya. Kami lang ang tao ngayon sa cabana eh. Mas gusto ko munang tumahimik ngayon, di'ba nga?

"Reca?"

Tutulog na sana ako kaso may tumawag naman ng pangalan ko. At siya yun.

"Oh?"

"Ayos lang bang patayin ang ilaw?"

Huh? Papatayin ang ilaw?! Huwag! Ayoko! Hindi ako nakakatulog ng patay ang ilaw!

"HINDI MAAARI. Lilipat na lang ako ng sofa---" Akmang patayo na ako at dadalhin ko na ang kumot at unan ko kaso pinigilan niya ako.

"No. Stay with me."

-------------------------------------------------------------------
Author's Notes (LOL):
For more info about dun sa nangyari sa laro (Spin the Bottle), read Chapter 18 of "I Never Wanted To Fall, But I Did".
Hello, Alelly Tuyogon! Thanks for the votes! ;)
Feel free to comment, guys! Thanks for reading! xx

PS: Try kong mag-update ng isa pa, para five chapters in one day. Hihi.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon