[5] Gusto

308 7 3
                                    

Chapter 5
Gusto

Reca's POV

Matatapos na ang lunch break namin ngayon at nakakapagtakang wala pang nagbibigay sakin ng tsokolate. Hehe. Nasanay na din kasi ako na may nagbibigay eh. (Bad)

"Oh Reca? Anong chocolate of the day?" Pang-aasar sakin ni Gelo

"Flat tops. De joke, wala pa." Sabi ko naman.

"Ibig sabihin, hinihintay mo talaga yung admirer? Ayieee!" Sabi naman ni Yvaughn.

"Uy! Hindi ah! Nahihiya nga din ako sa nagbibigay. Tsaka, tinakot ko pa siya nun. Naguguilty tuloy ako." Sabi ko sabay inom ng C2.

"Aw. Hayaan mo na. By the way, nakilala mo ba siya?"

"Hindi nga eh. Pero ang alam ko, upper class natin siya. Di ko kasi nakikita sa batchmates natin eh. Di man nga lang ako nakapagpasalamat." Nakakahiya ako diba? Ako na nga yung binibigyan tas ako pa yung nagagalit? Kakaguilty talaga.

"Aw. Oo nga. Hayaan mo na. Masaya naman yun siguro ngayon."

"Sana." Sabi ko na lang sabay tayo naming tatlo para sa next class. Tumunog na kasi yung bell.

Hay. Ang tagal naman ng oras. Bakit kaya ang tagal ng oras kapag Algebra?

Makalipas ang isang oras ay nakaramdam ako ng pagtawag ni Father Mars. Nawee-wee-wee na ako.

"Goodbye, class."

"Goodbye, Ma'am!"

Pagkasabing-pagkasabi agad ni Ma'am ng goodbye ay nagtatakbo na ako papuntang CR. Unfortunately, sarado yung CR na nasa floor namin kaya kailangan ko pang umakyat sa fourth floor. Hay, ihing-ihi na talaga ako!

Papasok na sana ako ng CR ng may nabangga ako. Uh oh!

"Sht." Bulong nung lalaki. Napasigaw na lang ako ng "Sorry po!". Nakakahiya naman sa upperclass namin, baka isipin wala kaming galang sa kanila. Huhu. Hayae na, ihing-ihi na talaga ako. Di na keribels ng pantog ko!

Woooo. Sarap sa feeling! Feeling fresh!

Dami ko ding naiihi ah! Isang tabo ata yun.

Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na ako. Lalabas na sana ako kaso bigla akong hinarangan ng mga fourth year students? Huh? Bakit?!

"Excuse me po?" Sabi ko sa kanila habang nakatungo ako.

Pinadaan nila ako, maliban dun sa lalaking nasa hagdan. Pagkatunghay ko ay nagulat ako sa nasa harap ko ngayon.. Siya nga. Hindi ako pwedeng magkamali. Yung Kuya ni Yvaughn!!!

"Woah! Ikaw na naman? Talagang sinusundan mo ako ha?"

Kapal ng mukha nito!

"Kapal muks ka! Isusumbong kita kay Yvaughn!" Malakas na loob kong sabi sa kanya

"Woah dude!" Sabi ng mga kaklase niya.

"Sino siya? Papatulan na ba namin Troy?" Tanong naman nung isang matangkad na fourth year. Nako jusko, gusto ko pa pong makagraduate.

"Nope. Leave it to me." Sabay alisan nung mga kaklase niya.

Nagulat naman ako ng bigla siyang lumalapit sakin. Anong gagawin nito?!

Wala akong magawa kundi umatras. Shiz.

Wala na! Wala na akong maaatrasan pa. Nacorner na ako dito sa sulok ng locker. Anak ng tiyanak!

Unti-unti siyang lumalapit sakin, nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong...

"May gusto ka ba sakin?"

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon