Prologue

939 9 0
                                    

Prologue

Sa buhay, nararanasan nating magkacrush o humanga sa isang tao. Humahanga tayo base sa kanilang physical appearance, yung iba dahil sa talent/s at skills, yung iba naman dahil sa pinapakitang attitude at affection nito sa isang tao.

Sa totoo lang, wala akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay. Hanggang dumating yung punto sa buhay ko na magkacrush ng ganito. Hindi ko nga ba alam kung 'crush' pa ba 'to or yung sinasabi na nilang 'love'? Ano nga ba ang pagkakaiba nung dalawa? Hay. Ask niyo na lang si Pareng Google.

Dahil mapagloko ang tadhana, hindi ko akalaing may ibibigay siya saking ganitong kagwapong nilalang. Bihira lang 'to, noh. Hindi ka makakasimot ng ganito sa palengke, sa mall, o kung saan pa man 'yan.

Aksidente ang una naming pagkikita. Siguro nga, gumawa mismo si Kupido ng paraan para magtagpo kaming dalawa.

Simula noon, naging pangarap ko na siya. Pangarap na alam kong imposibleng mangyari. Pero dahil makulit at dakilang assumera ako, itinuloy ko pa din. Hindi ako sumuko. Dahil alam ko na balang araw, magdidilang-anghel ako.

Pero paano nga kaya kung posible palang mangyari yung imposibleng mangyari? Yung tipong nagustuhan din ako nung pangarap ko? MagmamalaGlobe ba ako na 'Go lang ng Go' o mag-iinarte pa muna?

Eh paano kung dumating yung time na malapit mo nang makamit yung inaasam mong 'dream come true' tapos sa di-inaasahang pangyayari ay bumalik ang nakaraan? At sa isang iglap, naglaho ang inaasam mo..


Naglahong parang bula.


Mapapatunayan ko pa ba sa inyo na mayroong happy ever after?

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon