[39] I'm sorry, Reca

278 7 0
                                    

Chapter 39
I'm sorry, Reca

Reca's POV

Lumipas ang ilang linggo na hindi kami nagkikita. Pagkatapos ng mga nangyari ay hindi na ako nagtangka pang kausapin o makita siyang muli. Hindi na muna ako napunta sa bahay nina Yvaughn. Lagi lang akong nakakulong sa kwarto ko. Lalabas lamang ako kapag kakain. Sobrang natatakot sina Mi at Di sa'kin. Hindi nila ako magawang iwan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil lagi silang nandiyan sa tabi ko, lalo na ngayon at kailangan ko sila.

Sinubukan kong palakasin ang loob ko ngayon. Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos noon, hiniram ko muna ang sasakyan ni Di at nagpunta sa hindi ko malilimutang lugar. Ang lugar kung saan ko naramdaman ang tunay na kasiyahan at ang lugar kung saan ko rin napatunayan ang sinasabi ng iba- walang happy ever after.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating agad ako sa lugar na ito. Sobrang peaceful ng kapatagang ito. Para bang malaki siyang garden na punong-puno ng mga bulaklak sa gilid. Sobrang sariwa rito at ang bango ng simoy ng hangin.

Nagpunta ako sa treehouse na malapit lang dito. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapagmuni-muni. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit na nararamdaman ko ngayon.

Ayoko nang umiyak. Pagod na pagod na ako. Pero sabi nga nila, mas magandang iiyak mo na lang nang iiyak kesa naman sa tinatago mo at kinikipkip ito. Mas doble lang ang sakit na mararamdaman mo kapag hindi mo iniyak.

Pagkaakyat ko sa treehouse ay pumwesto agad ako malapit sa bintana. Umupo agad ako pagkalapit ko rito. Napakaganda ng tanawin. Kitang-kita ang bundok na malapit dito. Idagdag niyo pa ang pagkagreen ng mga damo at halaman, pati na rin ang pagka-asul ng ulap. Kahit papaano'y nababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong matanggal ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Tumayo ako at dumungaw sa bintana.

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!" Paulit-ulit akong sumigaw. Tila ba'y parang natakot sa'kin ang mga ibon na nagliliparan.

Gusto kong ilabas ang lahat.

"TROOOO-----"

"Sige lang. Isigaw mo lang. Para kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam mo." Napalingon ako sa nagsalita.

Napatawa ako. Totoo ba 'tong nakikita ko? Yung taong tinalikuran ako sa kasal namin, nandito? Pagkatapos nang ginawa niyang yun, may gana pa siyang magpakita sa'kin?! Oh c'mon!

"Sorry."

Isang salita lamang ang sinabi niya pero pakiramdam ko'y natanggal ang isang tinik sa puso ko. Nakaluhod siya sa harapan ko ngayon at hawak-hawak ang mga kamay ko. Kitang-kita kong tumutulo ang mga luha niya sa sahig. Hindi ordinaryong iyak ang nakikita ko ngayon. Dahil sa ginagawa ngayon ni Troy, hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit.

Binitiwan ko ang kamay niya at pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko. Akmang papaalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso. Yapos yapos niya ako ngayon at nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko mapagkakailang hindi ko namiss ang isang 'to. Naramdaman kong nilapit niya ang ulo niya sa ulo ko. Nakapatong ang ulo niya ngayon sa balikat ko at iyak pa rin nang iyak. Basang basa na ngayon ang kanan ko.

"Please, Reca. Huwag mo akong iiwan. Let me explain."

Napabuntong-hininga ako. Explain? Naalala ko ang mga payo nila sa'kin noon bago kami mag-uwian nung araw dapat ng kasalan.

"Pag-explainin mo si Troy. Baka may rason siya kaya niya nagawa 'to."

Kumalas ako sa yakap niya. This time, tiningnan ko siya sa mga mata niya. Parehas ang itsura namin. Pugtong-pugto ang mga mata, namayat at mukhang mga patay na.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon