[7] Congratulations

343 6 5
                                    

Chapter 7
Congratulations

Reca's POV

Saturday ngayon at nandito ako sa kwarto at kasalukuyang naggagawa ng mga assignments. Science, check. Araling Panlipunan, check. Last one na lang... ang walang kamatayang Algebra.

Sinubukan ko munang magpahinga bago magAlgeb. Nakakasira din naman ng utak kung sunod-sunod akong mag-aaral. Saglit akong nagpunta ng kama at humiga.

Oh holy noes! 4PM na! Ibig sabihin, one, two, three, four hours akong natulog? Ano ba 'yan, nasobrahan naman ata. Nagpunta ako sa study table ko at muling nag-aral. Wew. 3 items lang naman pala 'to. Yakang-yaka na.

5PM. Natapos ako after one hour. Ang bilis ko 'diba? Napagdesisyunan kong lumabas muna ng bahay at kuhanin yung Hello Kitty kong bike at sumakay dito. Pero bago muna ako lumabas ay nagpaalam muna ako kay Ate Betsy, ang aming kasambahay. Hanggang 6PM lang daw ako. Wala akong kasama sa bahay kundi siya lang, kaya nakakalungkot talaga. Nasa States parehas sila Mimi at Didi. (Yan ang tawag ko sa ama't ina ko.) Umuuwi sila dito pag December, April o anumang importanteng okasyon.

Dating gawi, lilibutin ko na naman ang buong subdivision.

Sarap talaga ng hangin lalo na't magpaPasko. Amihan feels!

Habang nagbibibike ako ay sari-sari ang nasa imagination ko. Ano ba 'tong utak na 'to. Naalala ko na naman yung nangyari nung isang araw. Nagpacheck-up ako sa cardiologist at sabi ni Doc, normal naman daw ang puso ko. Tapos, bigla niya akong inasar na baka daw kaya ganun ay naiinlove na ako. Ganun ba 'yun? Sus. Hindi naman siguro.

Paliko na ako ngayon sa street nila Yvaughn. Naalala ko tuloy yung mga nangyari. Ugh. Ayoko na ulit yung makita! Baka mabwisit lang ako.

(Bakit naman? Wala naman siyang ginawang masama sa'yo?)

Eh basta! Ayoko siyang makita.

"Reca!" Unti-unti akong huminto. "Yvaughn?"

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sakin.

"Nagbabike. Ikaw ba?"

"Wala, magpapahangin lang sana ako tas nakita naman kita. Ang galing noh?"

"Oo nga."

"Yvaughn? Sino 'yang kausap---- Oh Reca, ba't nandito ka?" Napatingin ako sa lalaking lumabas ng gate nila. Yung taong ayokong makita.

"Ano ka ba, Kuya! Dito din sila nakatira!" Sabay hampas ni Yvaughn sa kuya niya. "Oh, talaga?" Tanong sakin ni Kuya Troy.

"Opo." Sagot ko naman.

"Diyan ka na nga, Kuya! Magbabike lang kami! Intayin mo 'ko diyan Reca! Magbabike tayo!" Sabi sakin ni Yvaughn sabay pasok niya sa kanilang bahay. Naiwan naman kami dito ni Kuya Troy sa labas. Uh. Awkward.

Hindi ko alam kung ako lang ba yung naaawkwardan o ano. Tss.

"Reca." Napalingon ako. "Hanggang 6PM lang si Yvaughn." Sabi niya. Ako din kaya.

"Okay." Sagot ko.

"Tara na?!" Yvaughn said excitedly. "Babay Kuya! Ingat kami!" Hay. May sira talaga ang babaeng 'to sa ulo.

"Tara kila Gelo?!" Tanong sakin ni Yvaughn.

"Sige." Sumunod ako sa dinadaanan niya.



"GELOOOOOOO! BUMABA KA DIYAN! TARANG MAGBIKEEEE! YUHOOOO!" Ang harass talaga nitong si Yvaughn.

"Oo na! Saglit lang! Ingay mo naman!" Sabi ni Gelo habang nilalabas niya yung bike niya.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon