[29] FIRSTs

306 8 2
                                    

Chapter 29
FIRSTs

Reca's POV

Nandito kami ngayon sa mall at kasalukuyang cinecelebrate ang aming first date. Hehe. Totoo ba talaga 'to?

"Tarang manood ng sine!" Yaya ko sa kanya

"Tara!"

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ayaw mo?" Sabay ngisi niya sa'kin

Hindi ako sanay. First time lang na may humawak ng kamay ko sa public. Oh noes! Gusto ko nang himatayin.

Binitiwan niya ang kamay ko. Napatigil ako sa paglalakad.

"Problema mo?" Masungit kong tanong sa kanya. Nakakatuwa pala kapag may jowa. May mapagtitripan. Hahaha! Joke.

"Wala." Sabi niya sa'kin.

Sus. Heto naman, nagtampo agad. Kinuha ko ang kamay niya at ako ang nakipagholding-hands.

"Gusto ko. Gustong-gusto nga eh."

We both laughed. After nun, nagpunta na kami ng sinehan at pumila para bumili ng ticket.

"Babe, anong papanoorin natin?"

Emergerd. Babe talaga ang tawagan namin? Ano ngang tawag doon? Yung endearment?

"Horror movie. Hayun. Feng Shui 2."

Tinuro ko sa kanya yung horror movie. Bigla namang sumimangot ang mukha niya.

"Ayaw mo?"

"Hindi. Ayos lang."

"Uyyy, aminin. Natatakot siya. Hahahahaha!" Napahawak ako sa tiyan ko kakatawa. Nakakatuwa ang itsura niya ngayon.

"Huy! Anong natatakot? Hindi ah. Asa ka naman."

"Okay, sabi mo eh."

Pagkatapos niyang bumili ng ticket ay nagpunta kami sa bilihan ng popcorn. Bumili siya ng isang extra large bucket at dalawang Coke. Pagkatapos nun, pumasok na kami sa sinehan.

Nag-umpisa na ang movie. Wala, di pa rin ako matakot takot. Gustong gusto ko talagang manood lagi ng mga horror movies kahit halos atakihin na ako sa takot.

Ano ba 'tong katabi ko, walang thrill kasama, hindi man lang naimik.

"Hoy!"

Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay bigla ko siyang nagulat. Huhu.

"Sorry, Troy. Bati tayo ha? Hehe." Nagpeace sign ako sa kanya.

Ngumiti lang siya. Pacute ka pa, ha. Nakakaloka ang ngiti kahit mukhang galit.

Makalipas ang 30 minutes, ramdam kong paubos na ang popcorn namin. Ay, bitin. Ang takaw naman naming dalawa.

Balak ko na sanang kunin ang natitirang popcorn nang bigla akong may nahawakang malambot.

Nahawakan ko ang kamay niya.

Akala ko sa mga books at movies lang 'to nangyayari. Nangyayari rin pala sa totoong buhay. Akalain niyo yun.

Napatingin ako sa kanya. At ganun din siya sa akin.

"Iyo na lang." Sabi niya.

"De, iyo na lang." Sabi ko naman.

"Babe, kainin mo na 'yan. Mas kailangan mo 'yan." Sabay tawa niya ng malakas.

Tsk. Nagawa pang mang-asar.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon