[19] Movie Date

250 6 0
                                    

Chapter 19
Movie Date

Reca's POV

Nandito kami ngayon sa MissCandyholic's coffee shop at kasalukuyang nagsusummer-job. Cashier ang napaassign na trabaho sa akin. Samantalang barista at tagabake si Yvaughn at waiter naman si Gelo.

"Break!" Biglang sumigaw ang supervisor namin. Oras na para sa break at oras na rin para mag-usap sina Yvaughn at Gelo.

Kinausap ako kanina ni Yvaughn na kung pwede ay iwanan ko muna sila ni Gelo dahil mag-uusap daw sila. Pumayag naman ako at sinabing magrereminisce na lamang ako ng mga nangyari sa amin ni Kuya Troy kahapon. Odiba, landi. Haha.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ulit ako sa shop. Napansin ko namang pababa si Yvaughn galing sa veranda. Halata mong may problema silang dalawa ni Gelo. Kita kong halos mangiyak-ngiyak na siya.

Kinamusta ko siya sa kung anong nangyari sa kanila ni Gelo. Nagulat ako sa mga sinabi ni Yvaughn. Ano ba 'tong si Gelo. Sinabihan ba naman si Yvaughn ng 'flirt'! Ang shunga nun! Ah, kapag may nagsabi ng ganun sa akin, makakatikim sila ng sampiga. Bwahaha!

Sinabihan ko naman siyang kakausapin ko si Gelo. Kailangan kong maging peacemaker sa pagitan nilang dalawa.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Gelo ay sinabihan ko si Yvaughn. Sinabi ko sa kanya na kailangan muna ng time ni Gelo para marealize ang mga pinagsasasabi niya. Feeling ko talaga nagseselos itong si Gelo sa mga lalaki naming customers. Paano ba naman kasi, may isang kumpol ng mga lalaki na dumayo dito sa shop at halos lahat sila ay para bang interesado kay Yvaughn. Nararamdaman kong nagseselos na 'tong bestfriend niya. Ayaw pa naman kasing umamin. Hay. Ang hirap talagang mainlove.

3AM. Naglalakad na kami ngayon papunta sa aming mga bahay. Sinubukan kong pumagitna sa kanila at kausapin sila about sa outing. Ang awkward kasi ng atmosphere eh.

Maya-maya ay nakarating na kami sa harap ng bahay nila Yvaughn. Siya muna kasi ang una naming hinahatid.

"Ahhh. Hehehe. So, andito ka na Yvaughn. Goodnight! Igoodnight mo na din ako sa Ku----" Nagulat ako ng biglang nagbukas ang gate nila.

Ohmy! Si Kuya Troy! Nakasuot lang siya ng boxer shorts at plain white shirt at nagkakamot pa ng buhok. Mukhang babagong gising lang. Aksidente naman akong napatingin sa shirt niya. Shet. Bakat na bakat yung abs niya. Hindi ako makahingaaaaa. Help!

"Ahm, ano nga pala yun Reca? Kanino nga pala ulit kita igoo-Goodnight?" Naman Yvaughn! Huwag ka namang mang-asar. Mahahalata na talaga ako ng Kuya mo!

"Ah eh.. Ah..." Sa sobrang asar ko ay nahampas ko si Yvaughn ng hindi ko ipinapakita sa kuya niya.

"Ahh...eh...Goo-goodnight po Ku-Kuya Troy." Sabay kamot ko sa aking ulo. Hagikhik naman nang kakatawa ang dalawa kong kasama. Ugh. Nakakaasar talaga! Feeling ko napagkaisahan ako.

Bigla namang napatingin si Kuya Troy sa'kin. "Goodnight din. Sleep tight." Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at lumitaw ang kanyang itinatagong dimples. Gaaaahd. Dinaig ko pang nasa freezer.

"Tama na Reca, nakakarami ka na! Bukas na lang ulit! Sige, goodnight!" Pagtataboy ni Yvaughn sa akin. Ang ingay talaga nito! Bago kami umalis ay nagpahabol pa siya ng masasakit na salita kay Gelo tulad ng "Konsensyahin ka sana.". Grabe 'tong si Yvaughn, napairap tuloy ako ng wala sa oras. Pagkatapos nun ay tuluyan na kaming umalis ni Gelo.

Pagkahatid sa akin ni Gelo sa bahay ay nagpasalamat ako at dumiretso agad sa kwarto ko. Nagshower ako at pagkatapos ay humiga ako sa aking kama. Natulog ako ng may ngiti sa aking mga labi. Hehe.

Kinabukasan ay ang aming rest day. Ang araw ng Tuesday! Tuwang-tuwa kami lagi kapag Tuesday dahil nakakapagpahinga kami ng bongga. Pagkatapos kong maligo ay umupo ako sa kama at binuksan ang TV. Kasalukuyan akong nanonood ng Princess Sarah. Paborito ko kaya 'to since bata. Haha.

Binuksan ko ang aking cp at chineck ang aking Twitter account. Kakatweet lang ni Yvaughn ng "Fresh from bath. :">". Nagtweet naman ako ng "I'm so happy! #Inspired". Maya-maya ay pinatulan na nila Yvaughn at Gelo ang tweet ko. Pansin ko namang nagkakainitan din ang dalawang yun sa pagtitweet. Naisipan ni Gelo na pagkaisahan namin si Yvaughn. Parang may sapi si Gelo. Hay, parehas na sila ni Yvaughn na may sapi. Buti na lang matagal na akong meron nun. Haha! Alam kong umuusok na ngayon sa galit si Yvaughn. Lagot ako dun.

Maya-maya ay chineck ko ang cellphone ko. May nagtext. Si Kuya Troy! Totoo ba ito? Bakit siya magtetext? Anong meron?

From: Kuya Troy
Hi! Tarang manood ng movie? My treat?

OMG! Totoo ba ito?!

To: Kuya Troy
Talaga po? Sure! :)

Ako namang si gaga ay napa-sure agad. Ano ba 'yan, Reca.

From: Kuya Troy
Hahahahahahaha!

Huh? Hahahahaha? Ano 'yun? Ba't may ganun? Si Kuya Troy ba 'tong katext ko?!


To: Kuya Troy
Huh?

From: Kuya Troy
Hoy, luka! Si Yvaughn 'to. Bwahahaha! Screenshot na ituuuuu tas sabay tag kay Kuya sa FB, Twitter at IG. Bleh! HAHAHAHA!

Grrrrr! Inaasar talaga ako ni Yvaughn. Gumaganti 'to sa'kin ngayon palibhasa pinagkaisahan namin siya ni Gelo. Grabe ha! Ginamit pa ang number ni Kuya Troy.


Oh crap!

To: Kuya Troy
HOY! DELETE MO 'YAN! BAKA MAKITA NG KUYA MOOO!!!

Alam kong pagulong-gulong na 'to ngayon sa kama niya sa kakatawa. Gaaaa, nakakakaasar!

From: Kuya Troy
Sure, I'll delete these. Don't worry. :)

I heaved a sigh. Ito talagang si Yvaughn. Dinaig mo pang may kayat sa ulo.


Pero sayang din yun. Movie date rin. Hehe.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon