[10] Dinner

274 7 2
                                    

Chapter 10
Dinner

Reca's POV

"Tara na, Yvaughn."

Kakatapos lang ng simbang gabi at on the way na kami ngayon papuntang bahay. MagdiDinner na kami with Carreon family!

Feeling ko tuloy, manhikan namin ni Kuya Troy. (Assumera)

"Pasok kayo!" Masayang bati nila Mi sa bisita. Nagbeso-beso pa sila. Pagkatapos nun, pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso sa sala.


"Thank you sa inyo, ha. Hindi niyo pinabayaan ang Reca ko. Ang laki ng utang na loob namin sa inyo." Sabi ni Mimi sa kanila.

"Ayos lang yun. Ang swerte mo nga kay Reca at ang bait-bait niya." Sabi ni Tita.

"Ako din naman, mabait." Hirit ni Yvaughn. Nagtawanan naman kaming lahat.


"Mi, si Tita, tapos si Yvaughn at si Kuya Troy." Ang manugang niyo. Oops. Buti na lang di ko nasabi talaga.

"Wow. Ang ganda at pogi naman pala ng mga anak mo. Mamaya na tayo magkwentuhan, lalamig na ang mga pagkain. Tara na."

Niyaya namin sila papuntang dining room. Si Mimi naman talaga. Daig pang Noche Buena ang kaganapan. Ang daming niluto. May carbonara, cordon bleu, adobo, lumpiang shanghai, barbecue, bulalo at kung anu-ano pa. Grabe, nakakagutom naman.

"Anong meron? Birthday mo ba?" Bulong sakin ni Yvaughn.

"Hindi noh. Sa October pa ang birthday ko. Ewan ko ba kung bakit ang daming niluto ni Mi. Namiss siguro ang mga pagkaing Pinoy."

"Yvaughn, dito na lang ako titira." Singit samin ni Kuya Troy. Ano raw?! Dito na siya titira? Bakit naman? "Kung ganito ba naman araw-araw ang makikita kong pagkain, heaven." Dagdag niya.

Akala ko naman dahil gusto niya akong makasama. (Assumera, again.)

"Kain na tayo."

Nagstart na kaming kumain. Punong-puno ang aming lamesa ngayon. Nakakatuwa naman. Ngayon lang 'to nabuo ng ganito.


"Reca. Ang sarap naman ng cordon bleu ng Mimi mo." Bulong sakin ni Yvaughn.

"Oo nga, Reca. Magdala ka lagi ng ganito sa bahay ha." Nagkakandabulol na sabi ni Kuya Troy. Paano ba naman, punong-puno ng pagkain ang bunganga.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon