[28] It's Official

242 6 0
                                    

Chapter 28
It's Official

Reca's POV

First year college na. Sobrang bilis ng araw, hay. Nandito ako sa may waiting shed ng school namin at iyak nang iyak. Ewan ko ba sa sarili ko. Para na nga akong mukhang tanga sa ginagawa ko eh. Bakit ba! Feel ng mata kong umiyak eh, may magagawa ba sila? Anyway, nagtataka siguro kayo kung bakit ako naiyak. Naalala ko lang kasi sila Yvaughn at Gelo. Miss na miss ko na sila. Nagkahiwa-hiwalay kasi kami ng school eh.

Nandito ako sa tapat ng tricycle toda. Pinagtatawanan na nga ako ng mga tricycle drivers dito. Pake ba nila. Huhu.

*Beep-beep!*

Bigla akong napatigil sa pag-iyak nang makita ko ang pamilyar na sasakyan na huminto sa harapan ng waiting shed.

Pinunasan ko ang mga mata ko.

"Tara." Bigla na lang may humaltak ng kamay ko.

"Aba nga naman! Gwapo naman pala ang boyfriend nung batang naiyak na yun eh!"

"Eh bakit naman kaya naiyak?"

"Baka maluwag ang turnilyo sa utak?"

"HAHAHAHAHA!"

Kinig kong bulung-bulungan ng mga tricycle drivers. Tsk. Bahala kayo diyan.

Bumalik ako sa aking katinuan nang makita kong nasa loob ako ng sasakyan ni...

Troy?!

"Troy?!" Hindi niya ako sinasagot. "Huy Troy! Saan tayo pupunta?!"

Biglang huminto ang sasakyan sa tabi ng kalsada.

"Saan ba tayo pupunta?! Sagutin mo nga ang tanong ko! Anong ginagawa ko dito?!" Nagwawala na ako dito sa sasakyan niya. Nakakainis. Nasira yung momentum ko sa pag-iyak kanina! Pinagtawanan pa ako ng mga nandun. Babalikan ko talaga yung mga yun!

"I like you, Reca."

"WHAT?!" Biglang nagkaroon ng malaking O sa bunganga ko nang makinig ko yung sinabi niya.

"I LIKE YOU!"

Oh my gods! Am I dreaming?!

"Damn! Are you freakin' serious?!"

"Of course, I am!"

"Bakit mo sinasabi sakin 'to?!" Tanong ko sa kanya.

"Dahil natatakot ako. Takot ako sa commitment. Nasaktan na ako noon. Pero, mas natatakot ako ngayon dahil baka mas malala pa yung sakit na malamang hindi ko nasabi ang feelings ko para sa taong gusto ko."

What does he mean?

"Please Reca. Make me believe that relationship really exists."

"Huh?!"

"Pwede ba kitang... ligawan?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hanggang ngayon, perfect O pa rin ang itsura ng bibig ko. Yung tipong pangarap mo lang dati, simula pagkabata, tapos ngayon, abot-kamay mo na? Totoo ba talaga?!

Naalala ko yung nangyari nung nawala ako sa outing. Niyapos niya ako. Best feeling ever, yun. Ano pa kaya itong nangyayari sa'kin ngayon?

Sa sobrang mixed-emotions ay napaiyak na naman ako. Una, dahil sa sobrang tuwa. Tuwa dahil baka totoo. At pangalawa, dahil sa pagkalungkot. Lungkot na baka pinapaasa lang ako ng panaginip kong ito.

"In one condition." I said

"What?"

"Pakikurot naman ako, please?"

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon