[36] Wedding Gown

209 6 4
                                    

Chapter 36
Wedding Gown

Reca's POV

Nagbibihis ako ngayon para sa graduation ni Yvaughn. This time, siya naman ang gagraduate. Nakasuot ako ngayon ng simple dress at flats. Pagbaba ko ng hagdan ay nagulat ako sa mga nakita ko.

Yung bahay namin...


Umaapaw ng tsokolate!

Saan nanggaling ang mga 'to? Halos lahat ng klase ng tsokolate nandito. Napaluwa ang mga mata ko nang makita ko ang mga nakasulat.

Week 1, 2, 3 hanggang Week 432. Anong kahibangan ito?

Maya-maya'y nakakinig ako ng lalaking tumutugtog ng gitara. Napalingon ako sa direksyon niya.

You look so beautiful in this light
Your silhouette over me
The way it brings out the blue in your eyes
Is the Tenerife Sea

Napatakip ang mga kamay ko sa aking bibig.

And all of the voices surrounding us here
They just fade out when you take a breath
Just say the word and I will disappear
Into the wilderness


Chocolate admirer?

Should this be the last thing I see
I want you to know it's enough for me
'Cause all that you are is all that I'll ever need

Siya si Choco Admirer?

I'm so in love, so in love
So in love, so in love

"Hello, Reca." Sabi niya sabay ayos ng gitara niya.

"Ikaw? Ikaw si Chocolate Admirer?"


Tanging pagkamot niya sa ulo ang sagot sa'kin.

"Sorry." Napatungo siya.

"Bakit? Paano nangyari?"

Nakaupo kami ngayon sa bench na nasa garden namin.

"Isang araw, may nakita akong babae sa foodcourt. Mag-isa lang siya. Gusto ko siyang lapitan kaso hindi ko magawa. Lumipas ang mga araw at lagi ko siyang nakikitang mag-isa. Napag-isip isip ko noon na bigyan siya lagi ng tsokolate para naman kahit papaano, mapasaya ko siya. Yung iba't-ibang klase ng tsokolate kada araw."

Day 1- Kitkat
Day 2- Toblerone
Day 3- Cadbury (Dairy Milk)
Day 4- Crunch
Day 5- Mars
Day 6- Nips


"Pinag-iipunan ko talaga ang pagbili ng mga tsokolate. Lagi akong nagtitira ng pera sa allowance ko. Fourth year high school ako noon at kaklase ko ang fiancé niya ngayon."

Hindi ako makapaniwala sa kinukwento ng lalaking 'to. Halos nine years. Hindi ko akalaing makikita ko pa si Choco Admirer. Nakakakilabot.

"Ikaw ang first love ko, Reca."


"Jerry.."


"Pero, alam kong wala na akong pag-asa. Too late. Ito ang napapala ng mga torpeng katulad ko. Natutuwa ako dahil masaya ka na ngayon sa piling niya. Alam kong masaya na rin ngayon ang kaibigan ko sa piling mo. Masaya ako para sa inyong dalawa."

"Bakit mo sinasabi 'to sa'kin?"

"Gusto ko lang na malaman mo na minahal kita noon." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon