[27] Reject

225 6 3
                                    

Chapter 27
Reject

Troy's POV

Tapos na ang outing. Hindi mawala-wala sa utak ko yung mga nangyari nung nawala siya.

"Reca?"

Nagulat siya nang tinawag ko ang pangalan niya. Mukhang hindi siya makapaniwala na nandoon ako sa harap niya.

Bigla siyang tumayo at humarap sa sa'kin.

"Troy?"

"Bakit basta-basta ka na lang umalis?! Hindi mo ba alam na sobra kaming nag-aalala para sa'yo?" Bakas sa mukha ko ang pag-aalala. Sobrang bilis ng takbo ng puso ko. Gustong-gusto ko siyang pagalitan ngunit hindi ko magawa. Napahawak ako sa buhok ko sa sobrang galit.

Bigla akong nakonsensya nang umiyak siya. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng umiiyak sa harapan ko, maliban kina Mama at Yvaughn.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Gustong-gusto ko siyang yapusin pero hindi ko alam kung magagawa ko. Wala akong sapat na lakas ng loob.

She bursted into tears. Dahil dun, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra na akong kinakabahan. Ayoko nang maulit 'to.

"Please, don't leave me."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko sa kanya ang takot. Wala na akong magawa. Hindi ako marunong magbigay ng mga comforting words pero sana nama'y gumaan ang pakiramdam niya sa gagawin ko.

I gently pulled her into my arms, hugging her tightly.

"I'll never leave you." I whispered into her ears.

"Promise?"

"Promise."

After that, she hugged me back. I've never felt this way before.

Kahit na kay Jessie. Hindi ko 'to naramdaman noon.

Kararating lang namin ngayon ni Yvaughn sa bahay. Sinundo ko kasi siya dahil first day niya as a college student. Nakaupo kami ngayon dito sa couch.

"Kuya?"

"Yes, baby girl?"

Napangisi ako nang makita kong naasar siya.

"Paano mo nakilala si Enzo?" Tanong niya sa'kin. Hay, bwisit na bwisit talaga 'to kay Enzo. Kung alam lang niya.

"Ah-eh, nagkita kami sa Brazil. Tapos natuklasan kong Filipino din siya." Tsk. I lied.

"Ahh. Coincidence noh?"

"Oo nga eh."

I heaved a sigh.

"Nga pala Kuya, may itatanong ako." Binigyan niya ako ng meaningful smile. "Anong relationship stat niyo ni Reca ngayon?"

Bigla akong nagulat sa tinanong niya.

"Baby sis, wala. Alam mo namang ayoko ng commitment."

Ayoko na. Natatakot na muli akong masaktan.

"Ha?! Ibig sabihin...niloloko mo lang siya?!"

Alam ni Yvaughn na may nararamdaman na ako para sa bestfriend niya. Sinabi ko 'to sa kanya nung gabing namili kami ng mga gagamitin para sa outing. The moment na hinawakan ko yung kamay niya, pati na yung pagtingin ko sa mga mata niya, doon ko naconfirm ang lahat. Kaya rin siguro pinatanggal ko na sa kanya yung 'po' at 'opo'. Natuwa rin ako nang pinatanggal niya ang 'Kuya'. Nag-umpisa 'tong weird kong pakiramdam nung nagexchange-gift kami, two years ago. As days passed by, doon ko narerealize ang lahat.

"Hindi ko siya niloloko. I'm just saying the truth."

Never ko siyang niloko. Sa tuwing kasama ko siya, pinapakita ko ang totoong ako.

"Damn you Kuya! I can't believe it. Nakakainis talaga kayong mga lalaki! Pare-parehas kayo!!!" Nagwalk-out siya at nagpunta ng kwarto. Hindi ko alam kung anong maling nagawa ko.

"Hey, Yvaughn! Buksan mo 'to!" Kinakatok ko ang kwarto niya kaso mukhang ayaw niya akong papasukin. "Please? May sasabihin ako sayo. Importante."

Binuksan niya ang pinto at umupo ako sa kama niya.

"Yvaughn? Sorry. Huwag ka nang umiyak." I hate it when I saw a girl crying.

"I hate you Kuya. Sinasaktan mo lang ang bestfriend ko." Iyak pa rin siya nang iyak.

"Ssshhh.. Di ba sabi ko pa lang sayo dati? Duwag ako sa commitment. Hindi na ako naniniwala." Bigla akong napatigil. "Takot ako Yvaughn. Kaya hangga't maaari, fling lang ako lagi."

Simula nang niloko ako ni Jessie, naduwag na ako. Hindi na ako sumubok pang muli. Hindi na muli ako nagmahal. Natakot na ako.

"Kuya, walang masama kung susubukan mo."

"Huli na ang lahat Yvaughn. Pabalik na ulit ako ng Brazil."

Babalik na ulit ako. Kailangan ko namang harapin ang trabaho ko dun.

"Kaya pa 'yan Kuya. Babalik ka naman diba?"

"Oo. Pero hindi ko alam kung magwowork-out ang long distance relationship. Natatakot pa din ako. Pagkabalik ko, saka ko itatry. I promise, baby sis."

Long distance relationship? With Reca?

"Thank you Kuya. Magconfess ka kay Reca, please?"

"I'll try."

Nangunguna pa rin ang pagkaduwag at takot ko.

"Thank you." Niyapos ako ng aking nakababatang kapatid, kaso, hi-hindi ako ma-makahinga!

"Ouch! Nananadya ka ba? Hahaha!"

Then, we laughed together.

Ito na nga ba ang perfect time para sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman? Kaso, natatakot ulit akong mareject.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon