[17] Surprise Party

229 7 0
                                    

Chapter 17
Surprise Party

Reca's POV

"Goodmorning!" Paakyat ako ngayon sa kwarto ni Yvaughn at handa ko na siyang bulabugin.

"Hoy Yvaughn! Magbihis ka na! May lakad pa tayo. Pupunta pa tayo sa SM at maguunwind." Hindi naman talaga kami mag-uunwind, may iba akong pakay sa pagpunta namin dun.

"Ang usapan, ALA UNA HINDI ALAS DIYES."

"E kase, ano, ahm.. Pano ba 'to.." Nauutal ako. Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya. "Uuwi na daw kasi si Troy. Ah, eh... Gusto ko kasi sanang magpaSurprise Party para sa kanya."

Yes. 2 years had passed. Graduate na kami ngayon ng high school. Ang bilis ng panahon, noh? Kaso, nakakabagot namang maghintay, lalo na sa taong mahal mo na hindi mo alam kung nakalimutan ka na ba niya o ano. Simula kasi nung sinabihan niya ako ng "Miss na kita.", wala na, hindi na siya muling nagparamdam. Si Yvaughn na lang ang tanging nagsasabi sakin sa kung anong mga nangyayari sa kuya niya. Nagtiis ako ng 730 days ng hindi ko siya nakikita. Minsan nga, dumadating pa yung point na naiyak na lang ako sa sobrang pagkamiss sa kanya, tapos, icocomfort na lang ako ni Yvaughn. Buti na lang talaga at may napapagsabihan ako. Tama lang ang naging desisyon ko noon.

"BWAHAHAHAHAHA! Are you damn serious?! Hanggang ngayon ba naman, umaasa ka padin? Malay mo, pagbalik ni Kuya dito, may kasama na siyang jowa niya na galing sa Brazil! Yung mas maganda, mas matangos ang ilong, mas----"

"Yvaughn naman e! Pinapaiyak mo naman ako! Huhuhuhu." Hayan, naiyak na naman ako. Hindi ko alam kung disorder na ba itong meron ako. Sa tuwing aasarin ako na nakalimutan na raw ako ni Kuya Troy, bigla-bigla na lamang ako iiyak.

"Hey! I'm just kidding. Oo na. Tutulungan na kita."

"Talaga? Yehey!" Dahil dun, nagpapalakpak akong parang bata.

"Oo. Paano naman kita matutulungan? Ibig sabihin....Dito ka matutulog mamaya?"

"Yes, ganun na nga? Humingi na ko ng basbas kay tita kanina eh."

"YEHEYYYY!" This time, siya naman ang parang lukang nagsisigaw. Gusto niya kasing palagi akong nasa kanila. Nakakalungkot kaya kapag solo.

"Kaya maligo ka na! Nangangamoy pusit na e." Pagbibiro ko sa kanya.

Pagkatapos nun, may tinanong siya sakin about sa unknown number na nagtetext sa kanya. Ang creepy naman nun. Naalala ko din tuloy si Choco Admirer. Ang huling paramdam niya kasi sakin ay yung letter sa locker.

Pagkatapos ng dalawang oras ay nandito na kami sa SM. Namimili lang naman kami ng mga party poppers, balloons, confettis, at kung anu-ano pang mga kaek-ekang nalalaman ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang sa kanya.

Nagpunta muna ako sa dairy section para bumili ng ingredients ng cake. May katext pa kasi si Yvaughn eh.

Ano kayang flavor ng cake ang gusto niya? Hmm..

"Yvaughn! Anong favorite cake ng Kuya mo?"

Aba. Hindi ako pinansin.

"Yvaughn?"

Strike two.

"Huy!"

Strike three.

"Huy Yvaughn! Kanina pa akong tanong nang tanong dito kung anong favorite flavor ng Kuya mo sa cake? Nandito ka pa ba?" Ano kayang nangyayari sa isang 'to? Mukhang may problema na naman siya.

"Ah, sorry. Katext ko kasi si Gelo. Tas ang nireply lang sakin 'sorry'. Kakabadtrip." Hayun. Tapos. Kaya naman pala.

"HAHA. Hindi pa ba naeexpire feelings mo sa kanya? Since elem pa yan ah!" She's in love with her best friend.

"Hay. Hindi pa. Ay ewan. Change topic na nga. Rainbow cake favorite nun."

Rainbow cake?! Ah, eh, wait, pa-paano?!

"WHAT?! Paano... Yvaughn! Huhuhu. Hindi ako marunong gumawa nun! Huhuhuhu. Paano yun?!" At nagngangalngal na ako na parang bata. Paano yun gawin? Hindi ako maalam gumawa ng rainbow cake! Chocolate, mocha, strawberry at ube lang ang alam ko. Pati yung braso de mercedes at dulce de leche! Leche naman oh.

"Ano ba yan Reca, tumigil ka na nga, para ka namang bata e. Alam mo yung GOOGLE? E di isearch!"

"Ay oo nga noh? Hehehe. Di ko naisip yun."

Oo nga naman. Google Reca, si Pareng Google ang kasagutan sa lahat.

Maya-maya ay natapos na ako sa pagbili ko para sa gagawing surprise party. This time, sinamahan ko naman si Yvaughn sa National Book Store. May bibilhin daw kasi siyang libro.

After nun, nagpunta kami ng SB dahil makikiwifi ako. Hahaha. Sinesearch ko ngayon kung paano maggawa ng rainbow cake. Samantalang tinalupan na ni Yvaughn ang book na binili niya dahil babasahin na niya ito.

After 45 minutes ay umalis na kami ni Yvaughn sa Starbucks at nagpunta sa David's Salon para magpagupit. Nagpatrim lang ako samantalang siya'y nagpa-layers at bangs. Nagpahighlights din kami pareho.

Pagkatapos nun ay dumiretso na agad kami ng bahay ni Yvaughn. 6PM na nang makarating kami sa bahay nila. Pagkadating namin ay inumpisahan ko na agad magbake ng cake. Actually, nagtataka nga si Tita at tinatanong kung para saan daw ang mga 'to. Hindi pa niya kasi alam na may gusto ako sa panganay niyang anak. Nakakatakot kayang umamin. Kayo kaya, try niyo.

Tinawagan namin si Gelo at pinapapunta rito sa bahay nila Yvaughn. Kaso, ayaw naman niya. LQ siguro yung dalawa. Ay hindi, FQ daw pala.

After 3 hours nang paggawa namin ng cake, nilagay namin ito sa ref at nagdecide kaming bukas na lang namin ilagay yung iba ko pang igagayak. Hindi naman kasi namin alam kung kailan talaga yung exact date ng dating ni Kuya eh. Basta this week daw kaso di naman namin alam kung kailan this week.

"Tara nang matulog? Maaga pa tayo bukas."

"Goodnight, Reca!"

"Goodnight, Yvaughn!"

ZZzzz

"Wake up, Yvaughn! I'm hereeeeeee!"

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon