[16] Secret

247 7 2
                                    

Chapter 16
Secret

Reca's POV

"Di kaya si Kuya Troy yun?"

"Huy Reca! Hahaha! Heto naman, biro lang yun! Masyado mo naman atang sineryoso."

Oo. Sineryoso ko yun.

"Hay. Huwag na muna nga natin 'yang pag-usapan." Suko na ako.

"Sige, uuwi na muna ako. Baka tumawag na naman ulit si Kuya eh. Babay!"

"Sige, thank you! Ingat ka!"

Pagkatapos nun, umalis na si Yvaughn. Hay. Naiwan na naman akong mag-isa rito. Makahiga na nga lang.

"Goodbye, Reca. Alagaan mong mabuti si Yvaughn ha? Mamimiss kita."

"Miss na kita. Hehe."

Naiinis na ako. Napakaabnormal na ng utak at puso ko. Sobra-sobra na 'tong nararamdaman ko. Feeling ko ano mang oras, sasabog na ako. Kailangan ko nang mapapagsabihan. Hindi na ako mapakali. Kailangan ko nang mashasharean nitong mga kilig moments ko para naman may mahampas din ako kahit papaano. Kaso, sino?

Si Yvaughn?

Nako, nako! Hindi pwede si Yvaughn! Kuya niya yung crush ko! Tsaka, baka kung anong gawin nun sakin! Baka layuan niya ako o kung anong isipin niya. Ayoko naman ng ganun.

Kaso..

Ang hirap naman nito! Ugh. Sasabihin ko ba o hindi?

Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin
Para lamang sa yo

Hayan. Nagpatugtog na naman si Ate Betsy ng bonggang-bongga. Kinig na kinig dito sa taas.

Wait.

Sabihin mo na
Kung paano mo mapapatawad

Sabihin ko na. Di kaya sign na 'to? Haaay. Fine fine. Sasabihin ko na. Kaso, papaano?

To: Yvaughn
Yvaughn. May sasabihin ako sa'yo.

Huwag na kaya? Kinakabahan ako eh. Cancel cancel!

Too late! Message sent!

From: Yvaughn
Ano yun? Ikaw naman pumunta rito sa bahay!

To: Yvaughn
Okay. I'm on my way!

After five minutes, nandito na ako sa loob ng kwarto niya at ready to confess na.

"Ano yun? Ito naman. Di pa sinabi kanina nung nasa bahay nila ako. Di dapat hindi ka na lumabas ng bahay."

"Ayos lang yun."

"Ano ba 'yun? Ba't ganyan ang itsura mo? Para kang tanga."

"Aww. Ang sakit naman nitong magsalita. May sasabihin ako sa'yo. Huwag mong sasabihin kahit kanino ha?"

"Hahahaha! Joke lang naman yun! Tingnan mo nga itsura mo. Daig mo pang nanigas diyan! Ano ba 'yun?"

"May crush kasi ako."

"Oh talaga? Sino yun?!!" Halatang-halata mo sa mukha niyang excited siya.

"Secret lang natin 'to, please!! Hindi ko nga alam kung tama bang sabihin ko 'to sa'yo..pero, ang hirap hirap na kasi kapag tinatago. Feeling ko kasi sasabog na ako."

"Sino ba 'yan? Si Kuya?" Binigyan niya ako ng teasing look habang tinataas-taas pa niya ang mga kilay niya na halata mong nag-aasar.

WAAAAHHHH. Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya. PAANO NIYA NALAMAN?!

"Galing ko noh? HAHAHAHA!" Dahil dun, nagpagilong-gilong siya sa kama niya. Tamo itong si Yvaughn. Parang sira. Dinaig pa ako sa irereact ko.

"Huy! Tumigil ka nga diyan! Para ka ring tanga!" Hahahaha!

"Ay, gumanti. Pero di nga, si Kuya nga?" She gave me another teasing look.

"Oo."

"WAAAAAAHHHHHH!!!" Pinagsasakal niya ang sarili niya gamit ang mga unan.

Akala ko pa naman, sasampalin niya ako at palalayasin niya ako sa bahay nila. Pero hindi. Nagkamali ako nang inakala. Tuwang-tuwa pa siya.

"Huy! Magpromise ka ha! Huwag mong sasabihin kahit kanino? Kundi, break na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Wow. Tayo? In a relationship? Hahahaha." Biglang nagbago ang mood niya. "Nako! Hala!"

"Bakit?! Anong problema?"

"May CCTV nga pala rito! Patay! Nakarecord yun!"

ANOOOOOO! SHEEEET.

Para akong naparanoid. Tiningnan ko kaagad lahat ng sulok ng bahay nila. Nasaan?! Nasaan ang CCTV?!

"Joke langggg! BWAHAHAHA! Para ka talagang tanga!" Sabay hampas pa niya sakin. Aba. Talaga naman. Nakaganti na naman ang luka.

"Wala pa ring magbabago... sating dalawa?"

"Oo naman. Hindi naman mortal sin ang ginawa mo eh. Nagmamahal ka. Ayos lang yun. Nakakatuwa nga eh at si Kuya pa yun. Boto ako para sa'yo." Sabay kindat pa niya sakin. Aw. Nakakatouch naman.

"Ayos lang sa'yo kahit mas bata ako sa Kuya mo?"

"Sus. Age doesn't matter. Tingnan mo nga si Ka Freddie, senior citizen na pero nakadali pa rin ng menor de edad. Ay, ewan ko. Basta, ang laki ng agwat ng age nila. Wala sa age/height o kung anuman ang love. Wala kang magagawa once na mainlove ka. Babaliwin at babaliwin ka niyan."

"Wow. Whogoat! Thanks, Yvaughn!"

"Yvaughn! Tawag ka ng Kuya mo!" Kinig kong sabi ni Tita galing sa baba. Katawagan ni Tita si Kuya!

Napatingin naman sakin si Yvaughn. Yung tingin na para na namang nang-aasar.

"A secret is a secret, my dear friend."

Wew. Buti na lang. I labyu na talaga, Yvaughn.

"Brb!"

Bumaba siya saglit at pagkatapos ay umakyat ulit.

"Huy! May mixed news ako sa'yo!"

"Ano 'yun?" Bigla akong napabangon sa kama niya. Mixed news? Bago yun ah.

"Good: Babalik na si Kuya Trooyyyyyy!"

"Talaga?! Kailan?"

"Bale, 365 plus 365. Bilang ka ng 730 days, darating na si Kuya! Yun ang bad."

ANO RAW?! Dalawang 365?! Bale, 2 years?!

Nagkatinginan kami ni Yvaughn at parehas na parehas kami ng reaksyon.

Niyapos ko siya at niyapos niya din ako. Pagkatapos nun, sabay kaming umiyak. Huhuhu. 2 years?! 2 years, pa?!

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon