[11] Kill me Now

250 5 2
                                    

Chapter 11
Kill me Now

Reca's POV


It's Christmas Eve! Narito kami ngayong tatlo nila Mimi at Didi sa bahay ng mga Carreon. Napagpasyahan kasi nila na sa bahay naman daw nila Tita ganapin ang dinner.


Pagpasok namin sa dining room, puro seafoods ang natagpuan namin. Pinagtulungan 'tong lutuin nila Mimi at Tita. May alimasag, buttered sugpo, tahong, at kung anu-ano pa.


"Oh Kuya. Bakit ka nakasimangot diyan?" Tanong ni Yvaughn sa Kuya niya. Oo nga naman. Bakit kaya?

Nga pala, naalala ko nung isang gabi, nung nalaman kong siya ang nabunot ko, sobra akong nataranta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tinext ko pa nun si Yvaughn para itanong kung anong pwedeng iregalo sa Kuya niya.

To: Yvaughn
Ahm, Yvaughn. Pwedeng magtanong? :)

From: Yvaughn
Sure. Ano yun? :)

To: Yvaughn
Anong gusto ng Kuya mo? :)

From: Yvaughn
HA?! BAKIT?!

Naku! Baka kung anong isipin ni Yvaughn. Lagot. Mapapaamin tuloy ako na si Kuya Troy ang nabunot ko. Wala ng thrill.


To: Yvaughn
Sssshhh. Huwag kang maingay. Siya kasi yung nabunot ko sa exchange gift nating tatlo. Hindi ko naman alam ang ireregalo ko sa kanya. :(

From: Yvaughn
Ahhh. Gusto ko sanang itanong sa kanya kaso baka mahalata niya ako. Pero, I'll try! Wait for my reply ha?


To: Yvaughn
Sige. :)


After 15 minutes...

From: Yvaughn
Alam mo ba kung anong gusto ni Kuya?

To: Yvaughn
Ano raw?

From: Yvaughn
Ang cordon bleu ng Mimi mo. Grabe, mukha siyang adik kanina nung tinatanong ko. Kitang-kita ko kung paano siya magcrave.

Cordon bleu?

Alam ko na!


To: Yvaughn
Sige, salamat Yvaughn. See you soon! xx

"Gusto ko kasi ng Cordon Bleu."


"Huy Reca!" Natauhan ako nang bigla akong niyugyog sa balikat ni Yvaughn. Oo nga pala, nandito kami sa bahay nila. Lumilipad na naman ang utak ko, ano ba 'to.


"Gusto raw ni Kuya ng Cordon Bleu. Sobra-sobra siyang nalulungkot." Sabi ni Yvaughn sakin.

"Aw." Yan na lang ang tangi kong nasabi.


"Kids, let's eat na!"

Sabay-sabay kaming nagpunta sa hapag-kainan. Habang nakain, napapansin naming may kakaiba kay Kuya Troy.


"Troy? Anong problema mo?" Tanong ni Tita sa kanya. Paano ba naman, nakapangalumbaba sa harap ng lamesa.


"Paano, Ma, gusto niyan ng Cordon Bleu." Sagot ni Yvaughn.

Napatingin naman sakin sila Mimi at Didi. Parehas silang mga nakangiti. Binigyan ko naman sila ng 'huwag-po-muna-ngayon-look'.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon