[9] Confirm

293 6 2
                                    

Chapter 9
Confirm

Reca's POV

"Goodmorning, my princess!" Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita.

"MIMI?! MIMIIIII!" Napabalikwas agad ako sa aking kama at nagtatakbo para yapusin si Mimi! Waaaa! Sa wakas! Nandito na sila!

"Namiss mo ba ako, anak?"

"Yes naman, Mimi! Sobrang miss!"

At patuloy pa din ako sa pagyakap. Sobra ko siyang namiss. After seven months, ngayon ko lang ulit siya nakita. Oo nga pala, bakit parang may kulang?

"Nasaan si Di?"

"Nasa baba. Tara?"

Pagkatapos nun, bumaba kami at nagpunta kami ni Mi sa sala. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit Mimi at Didi ang tawag ko sa ama't-ina ko. Alam niyo ba kung bakit?


Wala lang. Trip ko lang. Hehe. Ang ganda kasi pakinggan. Nakakatuwa. Mimi. Didi.

"Di!!!" At nagtatakbo naman ako papunta sa Didi ko. Niyapos ko siya ng mahigpit.

"Unica hija! Namiss kita ng sobra!"

Thank God at nakauwi sila ng ligtas. Pagkatapos ng madramang eksenang yun ay naligo ako at nagbihis. Paalis kasi kami. Niyaya nila akong pumunta sa isang restaurant at dun kami kumain ng lunch. Halos nakakaiyak talaga yung ganitong feeling.

"Ahm, anak, may nanliligaw na ba sa'yo?"


Sa di-inaasahang pagkakataon ay nasamid ako. Patuloy ako sa pagsuntok sa dibdib ko.

Meron nga ba?

"Anak? Anong meron? Buntis ka na ba?! Tinakasan ka ba nung ama?! Nasaan siya?!" Paghihisterikal ng aking ina. Si Mi talaga oh.


"Hindi po. Nasamid lang." Pinunasan ko naman ng tissue ang bibig ko. "Wala po. Wala pong nanliligaw sakin."


"Parang imposible naman yung mangyari? Bakit naman?"

"Wala po talaga. Tsaka, saka na yun." Sabi ko sabay inom ng tubig.

"Pero, crush, meron ka ba?" Pag-uusyoso sakin ni Didi.

Talaga naman oh. Bakit ba hindi ako makalusot-lusot sa mga magulang ko?

Crush? Meron. Siguro.

"Hoy Reca. Ano 'yang nasa isip mo?" Si Mama naman. "Wala po."

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon