[34] Euphoria

195 6 2
                                    

Chapter 34
Euphoria

Reca's POV

Four years later..

Nagdidinner kami ngayon sa rooftop nila Yvaughn. Kumpleto kami- si Gelo, Yvaughn, ang mga kasama namin noong nag-outing, also known as The Uto-Uto Gang at siyempre, si Troy.


"Congrats Reca!" Sabay-sabay nilang sigaw sa'kin.


Luka talaga 'tong si Yvaughn. Mapapagdaanan niya rin naman ito. Next week nga lang.


"Salamat guys! Huhuhu. Naiiyak na ako!" Hindi ko mapigilang hindi maluha.


Sino ba namang hindi maluluha? Engineer na ako!


Sa paglipas ng apat na taon, maraming nangyari. Awa ng Diyos ay nakapagtapos ako ng pag-aaral. Industrial engineer na ako ngayon. Katatapos lang ng graduation ko kanina. Pagkatapos ng grad ko ay dumiretso agad kami rito. Dito kasi nila gustong magdinner eh. Nasa baba naman ang mga oldies at nagkukwentuhan.


Naging stable ang relationship namin ni Troy. Natutuwa ako dahil nagtagal kami. Five years na kami ngayon. Pagkatapos nang nangyari noong birthday ko, hindi na ako nagtangka pang magtanong sa kanya. Ayokong magulo ang relationship namin. Besides, hindi na naulit yung ganung klaseng pangyayari. Tsaka, hindi rin naman maiiwasan ang mga miscommunication at misunderstanding sa isang relasyon. Buti na lamang at nalagpasan namin ang lahat ng ito.

Masaya kami nila Mimi at Didi ngayon. Sobrang tuwang-tuwa sila noong nalaman nilang may inspirasyon ako. Naalala ko tuloy yung sinasabing "experience" noon ni Mi. Haha. Pinapagalitan nga nila ako lagi dahil palagi na lang daw akong lumalabas para makipagdate. Hindi naman lagi. Minsan lang. Hehe. Masaya sila para sa'kin. Sa wakas, nakatapos na ako ng pag-aaral.

Tapos na kaming lahat sa pagkain. Napahawak ako sa tiyan ko na sobrang bundat ngayon.

"Ah eh, guys? Bababa muna ako ha? Natatae ako eh!" Lumuwa ang mata ko sa sinabi ni Dominic. Grabe naman 'to, parang gusto ko tuloy maisuka lahat nang nakain ko.


"Yvaughn, Gelo, samahan niyo naman kami. Kukunin lang yung desserts sa baba." Pagyayaya ni Drew kina Yvaughn at Gelo. Kasama din nila si Elijah.

"Wow ha. Gaano ba kabigat yung dessert? Kelangan talaga apat na tao?" Anong klaseng dessert 'yan? Kasing laki ba yun ni Dumbo?

"Madami kasi. Para sating lahat." Sagot sa'kin ni Gelo. Ahhh. So, marami nga.

"Ah. Okay."

"Guys, natawag ang princess ko. Iwan ko muna kayo diyan." Tumayo naman si Adrian at umalis. Wow, princess ko. I envy her for that.

I heard Troy clearing his throat. Napalingon naman ako sa kanya.


"Congrats, babe. I'm so proud of you." Sabi niya sabay halik sa kamay ko. Sakto namang humampas ang malamig na hangin sa mukha ko.


"Thank you." I replied.


"Alam mo ba Reca, sa tingin ko, ito na yung perfect time. Matagal ko nang hinintay ang gabing ito."


"Ang gabing ano?" Napairap ako sa kanya.

"No more cheesy lines. Will you make me the happiest man alive?"


Napanganga ako sa sinabi ni Troy. SERYOSO?!

"Niloloko mo ba ako?! Hindi ka nakakatuwa!" Sabay hampas ko sa kanya ng bag ko.

"Aw! Lokozoned. Hindi. Ako. Nagloloko. I'm serious."


The next thing I knew, nakaluhod na siya ngayon sa harap ko at naghihintay sa aking kasagutan.

"Mrs. Reca Gomez Carreon? Uhmm.. Pwede na! Hahaha. It's a yes!"

Pagtayo ni Troy ay niyakap ko kaagad siya ng sobrang higpit.


Nagulat ako nang may nagputukan na fireworks sa kalangitan. May lumabas pang heart-shaped dito na sobrang ikinatuwa ko. Totoo ba talaga ang mga nangyayari ngayon? Parang kanina, kagagraduate ko lang, tapos ngayon, may mapapangasawa na agad ako.

"I love you, Reca."

"I love you, too, Troy."

Palapit na nang palapit ang mukha niya sa'kin nang biglang nagsigawan ang mga bagong dating. Mga nagtatalunan sila at mga tuwang-tuwa.


"Congrats Reca!" Sabay-sabay ulit nilang sinigaw. Wrong timing kayo, dudes.

"Congrats to my future sister-in-law! Oh hayan na! Official na! Wala ng joke yan!" Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Yvaughn. "Congrats Kuyaaaa!" Aww. Ang sweet naman ni baby girl.


"Thank you baby sis! Thanks guys for making this possible!" Sabi naman ni Troy na halos mangiyak-ngiyak na. Biruin niyo, nababakla rin pala ang isang 'to. Hahaha. Mean.

Napatingin naman kaming lahat sa bagong dating. Si Dominic, hinihingal!

"Oh kamusta? Mukhang madami ka atang naitae ah?" Tanong ko sa kanya. Aba, tikbi tikbi ang mga pawis.

"Huy, huwag ka! Kung di dahil sa kanya, walang fireworks na magaganap sa engagement niyo! Siya ang nagpasabog ng fireworks!" Pagtatanggol ni Yvaughn kay Dominic. Nagtawanan naman kaming lahat.


"Thanks Dominic. Salamat sa dala mong kulay." Sabi ko sa kanya.


"You're welcome, Reca. Congrats dudes!"

"Cheers para sa bagong engaged!"

"Cheeersssss!"


I smiled. This time, kakaiba ang ngiti ko. Hindi 'to ordinaryo. Hindi 'to basta-basta.

Nararamdaman ko na ngayon yung sinasabing euphoria.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon