[26] Prince Charming

216 5 1
                                    

Chapter 26
Prince Charming

Reca's POV

Day 3. Pangatlong araw na namin ngayon dito sa Laiya. Nakapagtry na naman akong magswimming kanina. Kaso umahon ulit ako. Bigla akong nagutom eh. Hehe.

Nakain ako ngayon ng Pringles nang biglang dumating si Yvaughn. Hindi kasi kami nag-uusap simula nung nangyari kagabi. Naalala ko tuloy yung tanong niya sa'kin. Kung hanggang kailan ko ba itatago yung feelings ko para kay Troy. Bakit niya yun tinatanong? Alam na ba ng Kuya niya? Nagwalk-out na lang tuloy ako dahil hindi ko masagot yung tinatanong niya.

Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako ng C2 at umalis sa resort na yun. Beach and resort kasi ang meron dun eh. Bale, umalis ako mismo dun sa place at naggala gala. Magkakalapit lang naman yung mga resort dito. Tsaka, gusto ko ring mahanap yung kasagutan sa tanong sa'kin ni Yvaughn.

Troy's POV

5PM. Wala pa rin siya. Kanina ko pa siyang hinahanap. Apat na oras na siyang nawawala. Nasaan kaya yung babaeng yun?

"Hoy, Yvaughn!" Tinawag ko ang kapatid ko. Baka kasi alam niya kung nasaan siya.

"Bakit?"

"Nasaan si Reca?"

"Huh? Bakit? Nawawala ba?"

Hindi niya alam na kanina pang nawawala ang bestfriend niya?

"Oo, kanina pa."

Nag-umpisa na akong kabahan. Hindi ko alam kung bakit ganito akong kaparanoid kanina pa.

"Sus. Baka nagsiswimming lang yun. Tsaka, nakita ko siya kanina, kumuha ng C2 tas lumabas."

"Yvaughn, hindi pa siya nakain ng lunch."

Napaisip siya. Oo, hindi pa siya nakain ng lunch. Hindi namin siya kasabay kanina pagkain. Siya lang ang wala.

Reca's POV

Nasaan na kaya yung daan pabalik? Naliligaw na ako. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Huhu. Naiwan ko pa naman yung cellphone ko sa cabana. Magsisix na, hindi pa rin ako nakain ng tanghalian. Hindi ko rin nadala ang pera ko. Huhuhu. Gutom na ako.

"Miss, do you want?"

"No, thanks."

Kanina pang may nag-aalok ng pagkain sa'kin, mukha ba akong gutom? Paano nila nahulaan? Hindi ko kaagad tinatanggap ang mga pagkaing yun, baka mamaya may lason pa eh. At saka baka mamaya pagkain pala yun sa daga.

Umupo ako saglit sa ilalim ng puno. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiiyak na ako. Pakiramdam ko hindi na ako makakabalik sa kanila. Pakiramdam ko, katapusan ko na. Huhuhu. Yvaughn, nasaan na ba kayo? Tulungan niyo ako. Huhuhu. Ramdam na ramdam ko tuloy na mag-isa lang ako. Huhuhu.

Prince Charming, nasaan ka na ba?

Troy's POV

Hindi na ako makapagpigil pa. Hahanapin ko na siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Elijah

"Hahanapin ko na si Reca."

"Sama ako." Sabi sa'kin ni Jerry

"Guys, nawawala si Reca. Ilang oras na siyang nawawala. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakain ng lunch. NakapagDinner na tayo pero siya breakfast pa lang." Sabi ko sa kanilang lahat. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

"Maghiwa-hiwalay tayong lahat." Sabi ni Dominic

Nagkanya-kanya kami ng direksyon at nagdala kami ng mga cp at flashlight. Magkasama sina Gelo at Yvaughn samantalang naghiwa-hiwalay naman kaming mga lalaki.

30 minutes. 30 minutes na ang nakakalipas pero hanggang ngayon, wala pa ring nakakahanap sa kanya. Hindi kami pwedeng sumuko.

Calling... Yvaughn...

"Hello? Nahanap niyo na ba siya?" Tanong ko kaagad sa kanya

"Kuya, kanina pa kaming naghahanap, hanggang ngayon wala pa rin siya. Huhuhu." Kinig ko sa kabilang linya na umiiyak na ang kapatid ko.

"Yvaughn, huwag kang umiyak, hahanapin natin siya."

"Kasalanan ko 'to. Huhuhu." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak

Inend ko na ang call. Sinubukan kong pumunta sa ibang direksyon, baka sakaling mahanap ko siya.

Isang oras na ang nakakalipas pero wala pa rin. Ano ba, Reca! Nasaan ka na ba?! Bakit umaalis ka na lang ng basta-basta?! Damn!

Napasuntok ako sa isang puno. Bakit ako nagkakaganito? Bakit sobra akong nag-aalala? Ngayon ko lang 'to nararamdaman.

Sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng babaeng umiiyak. Nasa ilalim siya ng puno, nakaupo sa buhanginan at kasalukuyan niyang niyayapos ang tuhod niya.

Hindi ko namalayang malapit na pala ako sa kanya. Nasa likod niya ako ngayon. Kinig na kinig ko ang paghikbi niya.

"Reca?"

Reca's POV

Wala ng pag-asa. Hindi na muli ako makakabalik dun. Huhuhu. Hindi nila ako mahal.

Sinubukan kong yapusin ang tuhod ko. Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno at nakaharap sa dagat. Wala na akong ibang magawa kundi umiyak.

Hinahanap kaya nila ako?

"Reca?"

Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko. Kilala ko yung boses na yun. Hindi ako nagkakamali, siya nga yun.

Bigla akong tumayo at humarap sa kanya.

"Troy?"

Tama. Siya nga. Si Troy nga.

"Bakit basta-basta ka na lang umalis?! Hindi mo ba alam na sobra kaming nag-aalala para sa'yo?" Kita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo. He was damn serious. Napahawak siya sa buhok niya. Dahil dun, napalakas lalo ang iyak ko.

I bit my lower lip. Hindi ako makapaniwala. Siya pa ang nakahanap sa'kin.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa'kin. Ano sa tingin niya?

I bursted into tears. Magkahalong pain at happiness ang nararamdaman ko ngayon. Pain dahil pakiramdam ko, iniwan na nila ako, feeling alone ang peg ko, akala ko hindi na nila ako mahahanap, plus, gutom na gutom na ako.

"Please, don't leave me."

Happiness dahil sa kabila ng lahat ng pain, mahal nila ako. Hinahanap pala nila ako. Nag-aalala pala sila para sa'kin. At higit sa lahat, happiness dahil siya ang nakahanap sa'kin.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinila at ikinulong sa mga bisig niya.

"I'll never leave you." Bulong niya sa tenga ko.

"Promise?"

"Promise."

After that, I hugged him back. Pakiramdam ko ngayon, safe na safe ako in his arms.

Maybe I finally found my Prince Charming.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon