[40] Chance

279 6 2
                                    

Chapter 40
Chance

Reca's POV

A year later..

Nakasakay ako ngayon sa bike at nililibot ko ang subdivision namin. Nakakatawang tingnan dahil 25 years old na ako pero ginagawa ko pa rin ito. Feeling bata lang. Naalala ko tuloy noong mga high school pa kami nina Yvaughn at Gelo. Lagi kaming nagbabike noon at pagkatapos ay mag-oovernight sila sa'min.

"Reca!"

Napalingon ako sa sumigaw. Si Yvaughn. Kasalukuyan din siyang nagbabike ngayon. Parehas kaming napatawa sa mga sarili namin. Coincidence naman na magkasabay kami ngayon sa pagbabike.

Tumigil kaming dalawa sa ilalim ng isang puno.

"Kumusta ka na?" Tanong niya sa'kin.

Sobra kong namiss si Yvaughn. Si Yvaughn na bestfriend ko at ang naging pangalawa ko na ring kapatid. Simula noong nangyari yung pangyayaring yun, maraming nagbago sa'ming dalawa. Hindi na kami ganoong kaclose tulad ng dati. Para bang nagkalamat ang pagsasamahan naming dalawa nung nangyari yun.

"Mabuti naman ako, Yvaughn. Ikaw?" Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya.

Pagkalipas ng isang taon ay maraming nangyari. Lumipat na ako ng kumpanya. Sinubukan kong lumayo muna sa mga Carreon. Bihira na lang kaming magkita ni Yvaughn. Naiintindihan niya naman ako. Napapahiya rin siya siguro sa'kin pagkatapos ng mga nangyari.

"I'm sorry, Reca."

Yan ang huling tatlong salitang nakinig ko mula sa kanya. Simula noong araw na sinabi niya 'yan sa'kin ay umalis na ako at hindi na muling nagpakita pa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos ng mga sinabi niya sa'kin. Gusto ko munang magpahinga pagkatapos ng mga araw na iyon dahil pakiramdam ko'y pagod na pagod na ako.

Maraming nagbago sa'kin. Yung dati kong mahabang buhok ay pinaiklian ko. Mas tumigas na rin ngayon ang puso ko. Hindi na ako yung tulad ng dating Reca na lalambot lambot. Mas matibay na ako ngayon. Hard to get na ako di tulad ng dati. Marami akong manliligaw pero nirereject ko silang lahat. I was like "GGSS". Gandang Ganda Sila Sa'kin! Pwera biro, ayoko na ulit maranasan ang sakit. Tama na siguro ang mga natamo kong 'to.

"Ayos lang din." She paused. "Alam mo ba, Reca, miss na miss na miss ko na yung bestfriend ko."

Napalingon ako sa kanya. Pakiramdam ko'y babagsak na ang mga luha niya anumang oras.. at miski ako'y ganun rin.

"Miss na miss na kita, Reca."

Napahagulgol ako sa pag-iyak nang bigla niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya nang mahigpit. Hindi ko mapagkakailang hindi ko siya namiss. Namiss ko nang sobra si Yvaughn. Namiss ko nang sobra ang bestfriend ko.

"Reca... Tara nang bumalik sa dati. Yung dating parehas tayong mga luka?" Bigla akong napatawa. "Natatandaan mo pa ba ang mga yun?" This time, sumeryoso na yung mukha niya. "Pasensya na sa idinulot ng Kuya ko sa'yo." Napatungo siya.

"Hindi mo naman kasalanan yun, Yvaughn. Salamat dahil hinayaan mo muna akong mapag-isa."

Parehas naming pinunasan ang mga luha namin.

"Friends?" Nilahad niya ang kamay niya sa'kin.

"Anong friends friends?! Ano ka ba. Friends naman talaga tayo! Bestfriends pa nga eh! Tanga talaga 'to." Napatigil kaming dalawa. Kung kanina'y iyak kami nang iyak, ngayon nama'y tawa kami nang tawa. Naalala ko tuloy yung mga 'tangahan moments' namin dati. Isa rin yun sa mga namiss ko!

"Reca?"

"Oh?"

"May ipapanood ako sa'yo. Faith! Yung kay Lee Min Ho?"

"Talaga? Pahinging copy!" Excited kong sabi. Actually, matagal ko ng gustong panoorin 'to kaso hindi naman ako makahanap ng perfect timing.

"Ito oh. Sa'yo na lang. Nagcopy ako niyan eh. Baka sakaling gusto mo. Alam mo na, parehas nating gusto si Lee Min Ho." Kinuha ko kaagad ang USB flash drive niya.

"Salamat! Sige, uuwi na ako. Papanoorin ko kaagad 'to. Hehe. Thank you ng marami! Bye luka!" Pagkabelat ko sa kanya ay sumakay agad ako sa bike at nagpunta ng bahay.

Pumunta ako sa kwarto ko at sinaksak yung flash drive. Pagkatapos noon ay umupo ako sa kama.

Napapalakpak ako nang makita ko si Lee Min Ho. Hinubad ko ang medyas ko at sumampa ako sa kama.

Nakakatuwa talaga si Lee Min Ho pati yung leading lady niya. Bagay na bagay talaga silang dalawa.

"Iyo na lang."

"De, iyo na lang."

"Babe, kainin mo na 'yan. Mas kailangan mo 'yan."

Napakurap ang mga mata ko. Totoo ba 'tong napapanood ko?

I blinked again and again and again.

Bakit nandito ako?! Pati siya?! Diba nung first date namin 'to?!

Kita ko sa video na inaayos niya yung hawak niya sa camera.

"Hi babe. Nagvivideo ako ngayon sa loob ng sinehan. Masyado ka kasing nakafocus kay Lotus Feet eh. Nagseselos tuloy ako." Sabay nguso niya.

Oh my god. Anong kahibangan ito?! Nagwawala na ang puso ko. Gusto ko nang hugutin ang flash drive pero para akong nagyelo sa posisyon ko ngayon.

Sumunod dito ay ang iba't-ibang episode. Nakalagay rito ang episode 2 na horseback riding, next ay 3- ang playground, 4-ang despedida party niya, 5-ang pagpapalipad ng saranggola, pati yung 6-surprise niya sa'kin nung birthday ko. Pati yung 7-engagement namin, vinideohan niya lahat ng 'yun. Bwisit. Nasayang yung isang taon ko. Nasira ang record. Napaiyak tuloy ako sa sobrang inis.

Tumigil na ang video. Letse naman si Yvaughn, Faith daw eh!

Sa sobrang inis ko ay naibato ko ang aking unan sa TV. Napahiga ako sa kama.

Bakit ganun? Kahit anong gawin ko, nandito pa rin yung sakit. Kinalimutan ko na siya't lahat pero nandito pa rin. Hindi matanggal-tanggal lahat ng pait at galit ko sa kanya.

Nakaramdam ako ng vibration. Si Yvaughn, nagtext.

From: Yvaughn
Kumusta ang Faith? Maganda ba?

To: Yvaughn
Letse ka. I hate you.

From: Yvaughn
Sorry na. :(
Kung sakaling magbago ang isip mo, punta ka lang ulit sa lugar na yun.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung handa ko na ba siyang makita ulit.

Tumayo ako sa aking kama at nagpunta sa terrace. Napaisip ako. Papatawarin ko ba siya, pagkatapos nang lahat ng 'to? Bibigyan ko ba siya ng second chance?

After two hours..

Narealize ko na sa kabila nang lahat nang 'to, mabait pa rin si Troy. Mas pinili niya si Jessie. Mas kailangan siya ni Jessie kaya niya nagawa 'yun. Siguro naging selfish ako noon, pero ngayon ko lang narealize ang lahat.

Hindi naman masamang magpatawad di'ba?

I'll give him another chance.

-------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Sorry na. Haha. Dapat Epilogue na eh. Pero dahil mahal ko kayo, may Chapter 40 pa. Lol

Papalitan ko na rin po ang title:
I Won't Let You Go to Let You Go

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon