[20] Weird

252 5 2
                                    

Chapter 20
Weird

Troy's POV

Paakyat ako ngayon sa kwarto ng kapatid ko. Yayayain ko sana siyang mamili ngayon ng mga gagamitin namin para sa outing.

Pagkabukas ko naman ng pinto ng kwarto niya, nadatnan ko siyang nakangiti. Yung ngiting parang baliw.


"Hey. You're smiling like an idiot!"

"Baket? Masama?" Masungit niyang sabi sa'kin. May dalaw ata ngayon ang kapatid ko.


"Nah."


"So, what are you doin' here?"


"Magyayaya sana ako sa inyo. Mamimili tayo nang gagamitin natin sa outing. What do 'ya think?"


"Hay nako, nakakatamad naman Kuya! At saka, ang init-init oh!" Sinasabi na nga ba. Magrereklamo na naman siya. Pero kapag sinabi ko yung two magic words, alam kong mapapapayag ko 'yan.

"My treat."

"Okay. Your treat pala eh! Bakit di mo pa agad sinabi? Hintayin mo 'ko diyan sa labas Kuya! Magbibihis lang ako!" Sabay taboy niya sa'kin palabas ng kwarto. Sabi na nga ba eh, mapapapayag ko siya, dahil minsan lang ako manlibre. Hehe.

"Haha. Mukha ka talagang libre, baby girl."


"Whatever Kuya! Stop calling me 'baby girl'! So disgusting! Eww." Hahaha. Nakakatawa, may pang-asar na ako sa kanya.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako at nagtungo ng sala. Nga pala, tinext ko din sina Reca at Gelo na sumama. Bakit ko nga ba sila sinama? Si Gelo, sinama ko siya para magkaayos sila ng kapatid ko. Mukhang may gusot sila ngayon. Gusto kong magkaroon sila ng time na makapag-usap. Si Reca naman.. Dahil.. Hindi ko alam kung bakit. Namiss ko lang talaga siguro siya. Para ko na rin siyang nakakabatang kapatid eh.


After one hour ay bumaba na rin si Yvaughn. Nagpaalam naman kami kay Mama na mamimili kami ng mga gagamitin sa outing. Buti na lang, pumayag si Ma. Hindi ko mapagkakailang mabait ang ina namin. Maswerte talaga kami dahil si Mama ang mama namin.


Pagkabukas ni Yvaughn ng pinto ay bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya kasi alam na inimbitahan ko rin ang dalawa.


"Anong meron? Bakit nandito sila?" Tanong niya sa'kin.

"The more, the merrier Yvaughn!" Palusot ko na lamang.


Napatingin naman ako kay Reca. Like Yvaughn, she's also wearing denim shorts and sleeveless top. Pagkatingin ko sa suot niyang sapatos, napangiti ako. Suot niya yung binigay ko sa kanyang Vans.


"Oh, baka manalo ka niyan ha." Biro ko sa kanya. Naalala niya pa kaya yung last time about dun sa lucky charm?


Nakita ko namang napatawa siya. "Naniniwala akong mananalo ako sa wrestling mamaya. May wrewrestlingin kasi ako." Haha. Totoo?

"Kidding." Pahabol niya at sabay kaming napatawa.


"AHAM! Let's go?" Yaya sa'min ni Yvaughn. Ito talagang kapatid ko.

Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon