Prologue

298 2 0
                                    



"I'm sorry to say this, may taning na ang buhay mo" malungkot nitong sabi na parang naawawa sa akin.

"I'm sorry Herschel I cant do anything to help you. I'm sorry"sabay hawak naman nito sa balikat ko. at dahil doon na pa daing ako sa sakit.

"aray!"

"hey what happened?" sabi nito at itinaas ang manggas ko at tumambad sa amin ang napaka daming pasa na nag kukulay lila na.

"wha- what happened to you iha?, si- sino may gawa nito sayo?" nag aalalang sabi nito sa akin. kahit papaano may taong nag aalala sa akin.

"hanggang kalian nalang po ba ang buhay ko doc?" hindi ko sinagot ang tanong niya bagkos iniba ko ang usapan naming dalawa.

"you have 100 days Herschel" wika nito na nag patigil sa ikot ng mundo ko sa pag tibok ng puso ko , na nag patigil sa oras ko.

Hindi ko alam kung ano ang I rereaact ko sa mga nalaman ko. kung iiyak ba ako o matutuwa sa nalaman ko. hahaha nababaliw na ata ako sino ba namang matutuwa pag nalaman mong may taning na ang buhay mo ? ako lang ata yun. Napayuko ako at hindi ko man lang napansin ang pagtulo ng mga luha ko. hindi ko na kaya.

Ganto nalang ba ang buhay ko, puro sakit, lungkot, hirap at pag dudusa ? hahaha napaka walang kwenta.

Kring kring kring

Nanginig ako sa takot ng makita ko kung sino ang tumatawag sa akin, nangininig ko naman itong sinagot.

"h-hello?"

"NASAAN KANG MALANDI KA HA!!?" sigaw nito sa akin na akala mo hindi niya ako asawa. hahaha kalian ba niya akong tinuring na asawa siguro katulong ok pa pero asawa siguro malabong usapan na yun.

"NASAAN KA SABI?!! SUMAGOT KA!!" nailayo ko yung cellphone ko sa tainga dahil sa sobrang lakas na boses nito.

"hhmmm ahh. pasensya na hindi ako nakapag paalam sayo, nandito ako ngayon sa bahay ni lenny" pag sisinungaling ko dito. Hindi niya alam na may sakit ako dahil itinago ko ito sa kanya. Wala rin naman na siyang magagawa saka asa naman akong mag kakaroon siya pake sa akin baka pag nalaman niya matuwa pa siya. Dahil mag kakatuluyan na sila ng totoong mahal niya na nag pa durog sa puso ko. Kalian niya kaya ako mamahalin? Kung kailan huli na ang lahat?

"ANONG SABI KO SAYO! BAWAL KA LUMABAS NG BAHAY!! HUMANDA KA SA AKIN PAG UWI MO!" at binababa niya na ang tawag. Nanghihina naman akong tumayo at nag lakad palabas ng office ni dr. Martinez.

Siguro dapat na akong matuwa dahil malapit na akong mawala. Ngumiti ako sa sarili ko hahaha dapat masaya ako ngayon pero bakit ganun nag uunahan ang mga luha ko nag uunahan silang makawala na animoy nag kakarerahan.

Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti kailangan ko nang umuwi.




~~~

Plagiarism is a crime!

100 days of happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon