Hershel Flame POV~~
Nakaalis na si ash kanina pa. kaming dalawa nalang ngayon ni mama dito sa salas.
"ma saan kayo galing kagabi?" kanina ko pa yan gustong itanong kay mama. Wala lang akong mahanap na tyempo kasi nan dito pa si ash.
At ang loko hindi nga umalis hanggat hindi ko nabibigyan ng goodbye kiss. Tss baliw talaga, pero kyyaahhh ! kinikilig ako mga bes!!
Napailing nalang ako at lumingn na ulit kay mama. Baka pag kamalan niya pa akon baliw dito dahil sa pabago bago ng mood mo.
Akala ko panaginip lang yung kagabi pero kasi napansin ko na ibinababa niya ang kaniyang labahin kanina at nakita ko yung suot niya kagabi.
"ahh may pinuntahan lang akong importante. Wag mo nang isipin iyon" ewan ko ba parang may mali kay mama ngayon. Simula ng dumating siya dito napapansin ko na may lagi itong kausap sa telepono tuwing gabi at kagabi nga umalis siya ng ala una ng umaga. Diba parang nakakapag taka?
"oh okay ma. Kapag may kailangan po kayo sabihin niyo lang sa akin" hindi ko na ito pinilit at nanood nalang ulit ako. Baka nga masyadong importante yun at bawal sabihin sa iba.
"ahh Hershel may iniwan ba sayo yung mga magulang mo bago sila ma aksidente?" gulat akong napa baling dito ng tingin. Paano niyang nalaman na may iniwan sa akin sila mom and dad?
"yes ma meron silang iniwan sa akin. Paano niyo iyon nalaman?" nakakapag taka naman? My mom and dad left a key with me bago sila maaksidente. Pero hindi ko naman alam kung paraan saan yun kaya itinago ko nalang.
Wait.
Parang may iba pang sinabi sila mom nun ehh ? what was that again?
FLASHBACK~~
Nakarinig ako ng malalakas na kalabog sa ibaba kaya nagising ako.
What happened ?
Patayo na sana ako ng bumukas ang pinto at inuluwa nito si mom and dad na nag mamadali.
"Hershel quick go to the secret door mag tago ka doon at wag na wag kang lalabas. Keep this" inibot nito sa akin ang susi.
Susi?
Susi para saan ito?
"promise us na kahit anong mangyari wag kang babalik dito sa taas"
"please princess" nakita ko ang pag aalala sa mga mata nila kaya tumango nalang ako sa mga ito.
"I promise, but tell me what's happening?"
"mom, dad what's happening?!" hindi sila sumagot bagkos itinutulak nila ako sa secret door dito sa kwarto ko. Ang pintong ito parang elevator dadalhin ka nito sa basement namin. Ewan ko ba sa mga magulang ko mahilig sila sa mga secret door. Marami nito sa loob ng bahay namin.
"there's no time princess you have to go. We love you so much" nakita ko ang pag patak ng luha ng mga ito.
Pag kakita ko palang sa mga luhang yun at pag karinig ko palang sa salitang iyon pakiramdam ko hindi ko na sila makikita pa.
"mom, dad please tell me, what's happening?"
Blag~
Blag~
Narinig ko ang malalakas na kalabog sa pinto ko kaya mas lalalong nataranta ang aking magulang. Niyakap ko sila ng mahigpit at hindi sila binibitawan.
"please remember this princess we love you so much. AMS" bulong nito sa huling salita. At itinulak nila ako ng malakas saka nila isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
100 days of happiness
RomanceSana maging masaya ka na mahal ko. Hindi mali alam kong magiging masaya ka kapag nawala na ako. Napangiti nalang ako ng mapait sa sarili ko. Hahaha ako lang yata yung taong nag papaubaya ng taong mahal niya sa mahal niyang iba. Nandito ako ngayon na...