CHAPTER 10

69 0 0
                                    


Hershel Flame POV~~~


Tumayo na ako sa kama at pumunta na nang banyo para mag hilamos. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo nang nandito sa bahay si mama.

Gusto ko nang tumakbo sa takot na baka malaman niya ang lahat at ilayo ako kay ash. Martir man kung itawag niyo sa akin, wala akong magawa kasi mahal ko siya.

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kapag nag tagal pa ito baka sa susunod hindi na kayanin ng puso ko at sumuko nalang ito ng kusa. At kung mangyari man iyon sisiguraduhin kong masaya ako at bukal sa puso kong pakawalan siya. For now I wont let go his hand. Okay lang sa akin kahit ako lang ang mahigpit na kumakapit sa aming dalawa.

I don't want to regret everything in the end. I want to fight this one sided love. I want to fight for him. Gusto ko kapag sumuko na ako bukal sa puso ko at may ngiti sa labi ko. Yung kaya ko na siyang makitang maging masaya sa taong mahal niya.

"Hon! Get down here, lets have breakfast!" Naputol nalang ang pag mumuni muni ko nang sumigaw si mama.

Pag karinig ko palang ng salitang breakfast tumunog na ang tiyan ko. Oh my !

Kahapon pa pala akong walang kain. Nako kawawa naman ang mga babaies ko. Dali dali akong naghilamos para hindi nila mapansin ang pag iyak ko. At bumaba na para makapag breakfast.

Nagulat nalang ako ng bumungad sa akin si ash ng buksan ko ang pinto. At mas lalo akong nagulat ng lumapit ito sa akin para buhatin ako.

Nanlalaking matang tumingin ako dito ng may pag tataka.

"A- Ash?"

"Hey kaya ko naman mag lakad" namumula kong sabi dito. Hindi naman ako nito pinansin at tiningnan lang ako nito saka nag lakad pababa ng hagdan.

Nakita ko nalang sa ibaba ng hagdan si mama at may panunuksong matang nakatingin sa amin.


"Yeeeiiii, your so sweet naman anak" naka ngiti nitong sabi kay ash.

Hay, kung alam mo lang sana mama, malayo ang sweet sa kanya, tinatakbuhan siya ng mga langgam. Mapakla kasi siya.

Sighed.

Just enjoy Hershel!


Napa ngiwi nalang ako ng humigpit ang hawak nito sa akin at bumulong.

"Don't assume to much, and fix your face, just pretend" malamig na bulong nito at ngumiti kay mama.

"Syenpre naman ma, mahal ko ang babaing ito eh" nagulat nalang ako ng may dumamping malambot at mamasa masa sa aking pisngi. Dahil sa gulat napalingon ako dito at sa hindi inaasahan.

Tsup.


"Kyaaaaahhhhhh!" Rinig ko nalang na tili ni mama.


At saka lang nag sink in sa utak ko ang nangyari. Kaya nanlalaking matang tumingin ako dito. Nakita ko din sa mga mata nito ang pagkagulat.


Kyaaahhh!


Dahil sa kahihiyan, itinago ko nalang ang mukha ko sa leeg nito.

"I'm sorry" bulong ko dito

"I didn't mean it" dagdag ko pa.

Nag kiss kami!!

Kyyahhhhh!

Hindi na ito sumagot at nag patuloy nalang ito sa pag baba ng hagdan habang buhat buhat ako.

Naramdaman ko nalang na umupo ito at inupo ako nito sa lap niya.

Dug~ dug~ dug ~dug ~dug ~dug ~dug

This is bad heart. Wag ka munang umasa heart. Alam kong mahal mo siya pero dapat mag tira Karin para sa sarili mo.

Dug~ dug~ dug ~dug ~dug ~dug ~dug


Waahh heart wag muna ngayon baka marinig ka niya!

Feeling ko yung mukha ko kamatis na dahil sa sobrang pula. Idagdag mo pa si mama na hanggang ngayon may nakakalokong ngiti sa mukha niya.

Hanggang ngayon hindi ko parin inaalis yung mukha ko sa leeg niya.

Please lupa lamunin mo na ako. Nang lingunin ko ito seryoso lang itong naka tingin sa akin at bigla nalang ngumiti.

Ngumiti ?

Teka baka imagination ko lang yun. Ng tingnan ko ulit ito, hindi na siya naka ngiti kaya baka nga nag i imagine lang ako.

Kinikilig ako sa mga pinag gagawa niya. Napahawak nalang ako sa labi ng hindi sinasadyang mag dampi ang mga labi namin. Naramdaman ko nalang ang pamumula ulit ng mukha ko ng maalala ko yung sinabi niya kanina.


"Uhmm, tsk , we will talk some other time about this, just pretend that were lovey dovey thingy"

Bigla nalang nawala yung kilig at mga ngiti ko sa labi ng maalala ko yung sinabi niya. Oo nga pala. Hershel ang tanga tanga mo talaga, bakit mo ba yun nakalimutan. Nag papanggap nga lang pala siya.

"love"

Naputol ang aking pag iisip ng mag salita si ash. Kaya napatingin ako dito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kasi first time niya akong tawagin ng LOVE ehh ako lang naman ang tumatawag nun sakanya.

Sa hindi inaasan namula nanaman ang mukha ko.

Geezzz Hershel flame park-Johnson alalahanin mo nag papanggap lang kayo. Hindi totoo ito. I mentally said to my self.

Pero hindi ko parin maiwasan na kiligin kaya napakagat nalang ako sa labi para pigilan ang ngiti kong nabubuhay sa aking mga labi.

"Ouch!" Ay tanga! Napatampal nalang ako sa aking noo ng maalalang may sugat nga pala ang labi ko.

"Hey! Love, what happened?" Hinawakan nito ang baba ko upang ingat at mag pantay ang aming mukha at sumalubong sa akin nag aalalang mukha nito.

"Uhmm, tsk , we will talk some other time about this, just pretend that were lovey dovey thingy"

Wag kang mag papadala hershel. Alam kong mahal mo siya, please wag kang bibigay. Wag mo nang dagdagan ang pag asa mo dahil sa bandang huli ikaw parin ang masasaktan.

Pero oo nga pala matagal na akong nasasaktan kaya lulubos lubosin ko na ito para isang bagsakan nalang. At baka sakaling sumuko na ang puso ko.

Ngumiti nalang ako dito at umiling.

"I'm okay love, were just hungry" ani ko sabay himas sa aking tiyan.

Kung nag papanggap man siya, ako hindi ko gagawin yun. Dahil mahal ko siya. Martir man. Pero wala akong pake!

Hindi ko inaasahang nag dali dali itong kumuha ng makakain ko at sinubuan ako. Kaya namula nanaman ang aking mukha.

"Hey, love kaya ko na" aagawin ko na sana sa kamay niya yung kutsara, kaso ayaw naman nito ibigay at nag patuloy nalang sa pag subo sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng sumubo din ito sa kutsarang ginamit nito sa akin. Magsasalita na sana ako ng may biglang tumikhim.

"Hrrmmm" at doon ko lang naalala si mama na nakatingin sa amin ng naka ngiti.

Waahhh nakakahiya! Masyado kang malandi Hershel!

Namumulang mukhang umiwas ako dito. Dahil sa kanya nakalimutan kong nandito pala si mama.

"Here love kumain kapa" ani nitong may kalong sa akin. Kasi hanggang ngayon na kaupo padin ako sa lap nito. Pinipilit kong tumayo kanina kaso ayaw naman ako nitong bitawan nakayakap parin yung isang braso niya sa akin, at isang kamay nito may hawak ng kutsara at sinusubuan ako.

Nahihiya man, sinubo ko nalang ito at umiwas ng tingin sa kanila.

Umupo naman si mama sa harap namin, at naka paskil nanaman sa kanya ang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

I'm doomed.


~~~~~


100 days of happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon