CHAPTER 33

55 1 0
                                    

Annaʻs POV~~

“sigurado ka ba sa sina sabi mo sa akin?”

“yes po maʻam, isa po ako sa dating kasam bahay ni maʻam hanna at sir brent. Nakita ko nung gabing yun ang nangyari. Sinugod po kami ng mga taong naka itim at may hinahanap po silang susi. Buti nalang po naitago nila maʻam at sir si maʻam Hershel nung gabing iyon kung hindi pati po siya nadamay. Pinag bubogbog po si maʻam at sir ng mga lalaking iyon saka po isinakay po sa kanilang kotse. Hanggang doon lang po ang nalalaman ko dahil hindi ko na po sila na sundan nung umalis po sila. At kinabukasan po noon nalaman nalang po namin na nabanga daw po ang kanilang sinasakyan” paliwanag nito.

“pero bakit ngayon mo lang ito sinabi kung ganun?” kunot noong tanong ko dito. Napayuko naman ito dahil sa sinabi ko.

“na takot po kasi ako maʻam anna na kapag nag salita ako, baka pati po ako madamay at ang pamilya ko po” kita ko naman ang takot sa mukha nito ng sabihin niya ito sa akin.

“pero bakit sina sabi mo ito sa akin ito ngayon?”

“na kokonsensiya po kasi ako maʻam, araw araw po na napapanaginipan ko ang kabaitan na ginawa sa akin ng pamilyang park kaya hinanap ko po talaga kayo para sabihin ang totoo, patawarin niyo po sana ako kung ngayon lang po ako nag kalakas ng loob para mag sabi sa inyo ng katotohanan. Nung gabi pong iyon pina tago po kami nila maʻam at sir para hindi po kami mapahamak”

“ kung ganun nasaan na yung mga kasamahan mo ngayon?” nakita ko naman itong umiling.

“hindi ko na po alam maʻam simula po ng nangyaring iyon nag si balikan na po kami sa kaniya kaniya po naming probinsiya sa takot na madamay po kami dahil baka po bumalik ulit ang mga walang  hiyang mga taong iyon!” nakita ko naman ang pag kuyom ng kamao nito. Kita ang galit sa mga mata nito ng tumingin ito sa akin.

Ininom ko yung tea na naka handa sa amin. Kung ganun sinugod pala sila sa kanilang tahanan nung gabing iyon.

“tell me more about it” inilapag ko ang tiyaa sa lamesa at nag cross leg muna ako bago humarap dito.

“narinig ko pong sinabi ng isang sumugod sa amin noon na kung hindi po nila makukuha ang susing iyon baka iyon na daw po ang katapusan ng AXS o AMS? Hindi po ako sigurado kung alin po sa dalawang iyon ang narinig ko. Saka may nakita po akong tattoo sa pala pulsuhan nila na black rose at may naka tusok na ispada at may naka sulat sa ibaba nito ahh! AMS po! May naka sulat sa ibaba na AMS”

FLASHBACK~~

“arrgghh” nagulat ako ng pag pasok na pag pasok ko ay bumungad sa akin si hanna na ginagamot ang balikat ni brent. Napahawak naman ako sa bibig ko ng makita ko ang pag landas ng masasa ganang dugo sa kaniyang kanang balikat.

Patakbo naman ako lumapit dito.

“what happened?!” natataranta kong tanong at tumulong narin sa pag gagamot sa balikat ni brent.

they're moving” ang sabi ni brent.

“whoʻs moving?” tanong ko habang ibinibigay kay hanna yung benda. Isang magaling na doctor si hanna kaya alam nito ang gagawin.

“AMS are moving, gusto nilang mabawi ang lahat na nakuha naming ibidensiya laban sa kanila. Laban sa mga kahayupang ginawa nila!” bakas na bakas ang galit sa mukha nito dahil sa nangyari. Isang magaling na agent si brent. Ang kaso ito ang pinag awayan nila ng kaniyang ama. Ang gusto ng ama nito na siya ang mag mana ng mafia nila ang kaso ayaw nito dahil pagiging agent ang gusto nito. Kaya pumunta siya dito sa pilipinas para isakatuparan ang pangarap nito. At dito nga niya nakilala si Hanna.

“paano nila nalaman na nasa iyo yung ebidensiya?” tanong ko dito.  Napatingin naman ako kay Hanna ng mag salita ito.

“may bumaliktad sa amin. Isa sa agency ang traydor” hanga talaga ako dito kay Hanna. Hanggang ngayong kalmado parin ito kahit na ganito na ang nangyayari.

100 days of happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon