CHAPTER 9

4.9K 130 11
                                    

Nag suggest ako sa mga Ate ni Dianne na dalhin nalang namin ito sa hospital.
Pero tumutol si ate Mich, wala daw silang perang pambayad sa hospital at doctor, at tiyak daw na ayaw din nito na dalhin  siya sa hospital.

Wala naman pong problema sa bayarin, kahit ako na po ang mag babayad, responsibility ko naman din siya dahil boss niya ako.
Lumingon sa akin si Ate Pau na mukhang nainsulto sa sinabi ko.
Okay lang si Dianne, mas magiging okay siya kung dito lang siya sa bahay.
Pinagdiinan talaga na okay ito at mas mabuting sa bahay lang ito.

Kung responsibilidad mo siya mas reponsibilidad namin siya, and we know more what's better for her than you. Mukhang galit ito ng sinabi niya.
Bea!
Ate Pau?
Hatid mo na sila sa mga bahay nila, Chris paki gising nalang yung mga kasama nila para sabay sabay na silang mahatid ni Bea.
And one more thing,
please dont talk about this over sa school, sa nangyari kay Dianne,
Yun lang at salamat. Wika ni Pau.
Tumango naman si Jema at Airy bilang sagot sa paki-usap ni Pau sa kanila.

How is she Mich? Aly asked.
Getting better, normal narin yung hearbeat and pulse rate niya.
Paki bantayan mo muna siya Ly,
baba muna ako to cook her food.

Nasa baba ako nagnprepare ng food for Deanna, ng maalala ko ang pag tawag ni Bea kanina.
Nang tumawag si Bea at sinabing may mga sugat si Deanna at nilalagnat ito ay kinabahan kami ni Pau at Marck, gusto din sanang sumama ni Marck kaso wala ng tao sa HQ kung sasama pa ito sa amin.

Pau paki abot ng mga gamot na nandiyan sa tabi mo sa red na box, dadalhin natin yan just to make sure namalalapatan niyan siya ng gamot, sa taas ng lagnat niya seguro na infect nayon dahil sa mga sugat niya.
Di naman natin maaring dalhin siya sa hospital baka matuntun siya ng Tatay niya. Sabi ni Michelle kay Pauline

Kakayanin ba ng mga supplies natin?
I think so Pau.
Bakit di nalang natin siya dalhin dito sa HQ?
Gusto mo bang malintikan kay  Director?
Alam mo naman na kabilin bilinan nun na wag nating hahayaang masaktan si Deanna at alam kung alam mo rin na anak na ang turing niya sa batang yun.

Lahat kami dito sa HQ ay mahal si Deanna, for us she is so special, pero di nakita yun ng sarili niyang mga  magulang lalo na ng Tatay niya.
Kwenento saamin ni Deanna ang lahat ng pagmamaltrato sa kanya ng Tatay niya dahil napag alaman nito that his daughter is into girls.

Anong klasing ama siya sasaktan niya ang sarili niyang anak dahil nakipag relasyon ito sa isang  babae.
Dahil gustong mawala ng ama niya ang babaeng yun ay binigyan nito ng  pera ang babae.
At ang walang kunsensyang babae ay tinanggap nito at iniwan si Deanna.
Kapag sinasaktan siya ng Tatay niya tatawagan kami nun, just to ease the pain she felt inside.

Si director mismo ang nag-uutos sa amin na sunduin ng chopper si Deanna sa Cebu, kapag sinasaktan ito.
Napaka sweet at mapagmahal na bata si Deanna, sobrang bait at matulungin din ito.
Naalala ko noong may may mahalagang mission kami nagmamadali kami, si Deanna ang nag ddrive ng sasakyan ng bigla niyang inihinto ang sasakyan at lumabas para lang tulungan yung matandang babae maitulak sa kabilang lane ang kariton nito, imbis na magalit kami ay natuwa kami dito, at binigyan pa niya ng pera yung matanda para di na mangalakal.

At alam niyo ba, ng matapos yung mission namin ng gabing din yun ay hinanap niya yung matandang babae sa ilalim ng fly over na sinabi ng matanda pagod na pagod pa kami nun pero niyaya niya yung matandang sumama sa amin at pinag grocery yung matanda, hindi lang yan ang ginawa niya kahit sa mga batang lansangan kapag sahod na lahat ng pera niya ginagastos niya sa mga batang kalye dinadala niya sa Jollibee at papakain yan dun ang mga batang yun.

Kaya ganun nalang namin siya kamahal, at ni ayaw naming may taong mananakit sa kanya, dahil saksi kaming lahat sa mga nangyari sa buhay nito.

As i can still remember, its her first day sa training nun, nahihiya pa siya noon.
Grabe ang pagsubok at hard training ang naranasan niya, but never mong mababakas sa mukha nito ang pagod naka smile lang ito pagkatapos, siya pa ang mag prepresentang magluluto ng pagkain namin, kaya seguro nasanay kami lagi na siya ang nagluluto para sa amin.
Sa mura niyang edad, she's only sixteen ng ipakilala siya sa amin ni director.
Batang patpatin, kapag malungkot siya nilalambing kami nun, para maibsan ang lungkot niya, laging nag papa baby saamin yun.

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon