CHAPTER 35

5.2K 157 18
                                    

       Pagkapasok namin sa condo ni Deanna ay pinaubaya kuna muna siya sa iba pa naming kaibigan at sinamahan si Ate Mich sa kusina para mag prepare ng kakainin namin mamayang dinner.

         Marami-rami to Te ah? Curious kung tanong dito.
Dadating kasi mamaya ang team nila Thirdy kaya dinamihan ko na, alam mo naman na kahit may mga baong pagkain yun, ay para lang sa pulutan nila yun mamaya.
Mabuti nalang kamo noong isang araw ay nag grocery si Dori, kaya maraming stock dito sa ref, alam mo naman ang mga yan tagakain lang, walang alam sa pag-luluto.
Sa aming lahat kaming tatlo lang ni Jia at Deanna ang marunong magluto dahil yang si Alyssa ay itlog at hotdog lang ang kayang lutuin minsan sunog pa. Si Dori naman nasanay na ang beshie niya ang nagluluto kaya, wala ding alam, maliban sa iba diyan na anak mayaman at lumaking may mga kasamang kasambahay sa bahay.

       Magluluto kaba ng gulay Te? Magiliw kung tanong dito habang iniaabot ko yung patatas para balatan.
Baka di na, yang patatas lang yang ilalagay ko sa menudo.
Alam mo naman yang mga bakulaw na mga yan di kumakain ng gulay, itatabi lang yan nila mamaya sa plato nila. Si Deanna kaya?
Si Ate Deanna, Ate Jema? Kahit ano po kinakain naman nun.
Biglang sumulpot ito at nakisali sa usapan namin ni Ate Mich.
Pero natuwa naman ako dahil marami pa akung gusto itanong dito
tungkol kay Deanna ng nasa pangangalaga nila ito ng Lolo niya.

     Napansin kung napakagandang bata nitong si Yenyen, light brown yung kulay ng mata, may mahahabang pilik mata, mapupulang labi, sa mura niyang edad ay kita muna ang kurba ng katawan nito at matangkad siya compare to others with her age, she's only eleven pero 5'3 na ang height, pang model ang kukay at tindig nang batang ito.

     Halika dito Yen, maupo ka dito sa tabi ko, yaya ko sa kanya, lumapit naman ito at naupo sa tabi ko.
Anong grade mo na? Tanong ko dito.
Yumuko ito at napansin kung bigla itong nalungkot.
May problema ba Yen?
Wala naman Ate Jema, siguro kung nakapag-aral lang ako siguro ngayon nasa grade 8 na ako, kaso malayo kasi ang aming Isla sa kabihasnan kaya hanggang grade five lang po ako.

      Kahit nakangiti siya ay makikita mo ang kalungkotan dito.
Si Ate Deanna ngalang ang nagtuturo sa amin eh, sinasabi namin sa kanya yung mga letra sa mga librong pambatang hinihingi niya kay doktora. Tapos sasabihin niya sa amin kung ano ang tamang pagbasa doon.

       Marami bang tao sa Isla niyo? Tanong ni Ate Mich dito habang naghihiwa ng baboy.
Kunti lang po kasi maliit lang po yung isla namin.
Anim na pamilya lang po ang nakatira doon. Ganoon lang kayo ka dami? Nagtataka kung tanong dito.

    Opo Ate, kami kasi po yung pamilyang pinagtabuyan ng kabihasnan, kaya napadpad kami sa maliit na Isla ng Palawan.

     Ate may tanong ako? Nilibot ng paningin niya yung kabuoan ng kusina bago mag tanong.
Di ba kayo nahihirapan dito sa bahay niyo? Curious niyang tanong.
Bakit naman? Tanong ko,   kasi kunti lang yung bintana niyo at walang bakuran, kanina pag-akyat natin dito panay pinto lang ang nakita ko.

Nagka tinginan kami ni Ate Mich at ngumiti dito.
Tapos wala na mang pumapasok na hangin pero ramdam ko yung lamig.
Nakita ko namang nanayo ang balahibo nito sa braso, kaya napatawa ako ng bahagya, tumayo ako para kunin yung jacket kung ipinatong sa upoan ay iniabot kay Yen.
Ito, isuot mo para mawala yang panginginig mo.

     Saan po ba nang-galing yung lamig? Wala namang hanging pumapasok.

      Di kalang siguro nasanay sa lamig ng aircon, kaya ka nilalamig.
Naka centralized kasi itong condo ng Ate Deanna mo, di kasi makatulog yun pag hindi malamig.
Kapag mainit kasi yung kwarto niya ay aligaga yun at di makatulog ng maayos,    nasanay kasi siya sa malamig na bahay, paliwanag ko dito.

     Aircon?
Oo aircon, para siyang ref na nagbubuga ng malamig na hangin, kaya siya malamig.

Kung di nakakatulog si Ate Deanna na di malamig? Eh wala naman kaming aircon sa Isla kahit electric fan nga wala eh.
Pero me free air kami, sobrang lakas nun mas malakas na di hamak sa ibinubugang hangin ng electric fan.
Kaya pala gusto ni Ate Deanna na malapit sa bintana yung papag niya, di pala siya nakakatulog ng maayos pag mainit, mabuti nalang at sobrang lamig sa amin pagdating ng gabi.

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon