CHAPTER 50

5K 187 28
                                    

         Nakita ko si Deanna mula dito sa terrace na may kausap ito sa phone, mukhang may problema siya sa kausap niya, panay kasi ang himas niya sa batok niya at sa mukha nya, ganyan kasi siya kapag tensed.

           Sino kaya ang kausap niya? Kanina pa yan at di pa sila tapos mag-usap.
Dahil na curious ako ay bumaba ako, at baka naman si  Doc Katrina nanaman ang kausap niya, gusto niyang makipag balikan sa akin pero kung sinu-sino naman ang kausap at kalandian niya.

        Sa di kalayuan sa kanya ako pumwesto  para marinig ko kahit pa paano ang sinasagot ni Deanna sa kausap niya.
Ilang beses ko din narinig ang pangalan ko at ng Mommy niya.

      Siguro ang Mommy niya ang tumawag, narinig ko rin ang pangalan ng Tatay at Nanay ko, ganun din ang grandparents niya.

          Alam kung maling makinig  sa usapan nila, pero kasi gusto ko lang naman malaman kung sino ang kalandian niya.
Nang maya-maya'y narinig kung sinabi ni Deanna na sila nalang daw ang kumausap sa akin.
I heard Deanna mentioned my name clearly, kaya nagsalita ako.

       Sa gulat ni Deanna ay napa angat ang pwet niya sa duyan at may sinabi siyang Linti daw, ano kayaang ibig sabihin ng sinabi niyang yun?
Bakit nag so sorry siya sa kausap niya? Siguro bad ang ibig sabihin nun kaya siya nag so sorry sa Mommy niya.

      Here! My Mom wanted to talk to you, abot niya sa akin ng phone niya.
Pinagmasdan ko lang naman siya sabay abot ng phone niya.

Hello po Tita, sabi ko.
Hi! Hija,.na sa tabi mo ba ang anak ko? Kung na sa tabi mo siya pakisabing lumayo-layo muna siya sayo dahil ayokung marinig niya ang isasagot mo sa akin.
Bakit kaya ayaw ni Tita marinig ng anak niya ang mga isasagot ko sa mga tanong niya? Bahala na nga wala naman siguro siyang sabihin na masama sa akin.

        Lumingon naman ako kay Deanna at sininyasan itong lumayo-layo sa akin.
Bakit? Tanong niya.
Ayaw ng Mommy mo na marinig ang mga isasagot ko sa kanya.

      Bakit ikaw? Nakikinig ka naman kanina sa akin ah. Nagpapacute niyang sabi.
Yun kasi ang sabi ng Mommy mo, wala kang magagawa kibit balikat kung sagot sa kanya.
Nakanguso at napakamot sa ulo niya.

     At saka naglakad ito palayo.
Nang makalayo na si Deanna.
Tita ano po yung gusto niyong sabihin sa akin?
Ah kasi hija gusto ko sanang malaman kung bakit aalis si Deanna papuntang Thailand?
And please don't let her know na natanong ko ito sayo, ayaw niya kasing ipaalam.
May Alam ka ba Anak sa Plano niya?

      Nabigla ako sa narinig ko ng sinabi ni Tita na pupunta si Deanna ng Thailand.
Sorry po Tita pero wala po'ng naikwento si Deanna sa akin, and isa pa po kasi Tita, nasabi po ba ni Deanna sa inyo na wala na po kami?

     Huminga ako ng malalim ng hindi agad sumagot ang Mommy ni Deanna.
Yes, I know hija, she told me and her Dad nung umuwi siya dito, nalungkot kami ng Tito mo ng kiwento niya iyon sa amin, we thought kasi na magiging kayo sa huli at mauuwi sa kasalan.
I can't blame you naman, dahil alam naman namin na kasalanan din naman ng anak namin kung bakit kayo nagkahiwalay.

      Jema anak, gusto sana naming makasama ka sa isang family dinner pagdating namin diyan sa Maynila.
Gusto sana namin na kasama ang parents at mga kapatid mo, pero Sabi ni Deanna nasa Davao daw si Jesse at Fe?

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon