CHAPTER 56

4K 139 16
                                    


Kanina pa kami naghihintay ni Dori kay Deanna at Bea.
Ilang beses ko na siyang tinatawagan at naka 50 na ata akung text ay wala paring reply ito.

After 10 minutes niyang nag paalam na mag ccr daw siya ay sinundan ko ito, pero walang Deanna Wong sa loob ng CR, naiinis na ako ngayon sa kanya lalo pa akung nainis I mean hindi lang inis kundi galait na galit na ako sa kanya dahil oinatayan ako ng telepono.

I guess kailangan mo ng umuwi Jem, sorry wala kasi akung karapatang pangunahan ang kaibigan ko.
Ang tangi ko lang masasabi sayo ay tulungan mo akung ipagdasal nating dalawa hindi lamang si Deanna kundi pati ang mga kasama niya.

At hinihingi ko rin sayo na sana wag kang magalit sa bestfriend ko, lawakan mo sana ang pang-unawa mo para sa kanya.
Wag ka sanang magduda sa pagmamahal niya sayo, dahil kahit buhay niya ay kaya niyang ibigay sayo.
If the right time will come, sana di ka magbabago sa pagmamahal mo sa kanya.

Nakita kung may luha sa mga mata ni Dori.
Baka gusto mong magkwento sa akin Dors?
Iniangat niya ang ulo niya at tinignan ako sa aking mga mata.
Gugustohin ko man Jema, pero di pepwede, may mga bagay na hindi ko pwedeng ekwento sayo.

Tanging ang Ninong Fred mo lang ang na ka kaalam.
Ni isa man sa amin ay walang karapatang magsalita laban sa mga kaibigan namin.

Noong may humahabol noon sa amin ni Deanna ay nag dududa na ako sa mga trabaho nilang magkakaibigan.
Hindi sila mga simpleng bodyguards lang na nandiyan kapag kailangan ng mga taong na ngangailangan ng security.

Di kaya isa siyang Police or Army?
Maraming sekretong tinatago sa akin si Deanna, una yung katayuan niya sa buhay at ang pamilya niya, lalo na ang mga kabataang lagi kung nakikitang lumalapit sa kanya kapag nakikita kami at kung anu-anong mga papel ang mga iniabot sa kanya.
Minsan may nakita ako at nabasa ako noon na naiwan niyang nakapatong sa ibabaw ng mesita, ay may sketch lang naman ng isang lugar at mga direksyon yun lang, pero may kutob na ako ng mga panahong yun.
Pero sa huli ay binalewala ko na lamang.
At tinanong ko naman siya about it, but she just told me na nagtatanong lang siya ng mga shortcuts sa mga lugar na ganun.
Dahil mahilig daw siyang maglakad at para din daw hindi siya maligaw at mapapabilis daw siya sa lugar napupuntahan niya kapag alam niya ang mga shortcuts.

Naiinis na talaga ako sa kanya dahil hindi nanaman siya nagpaparamdam, ilang oras ng naka patay ang telepono niya, at kinakabahan na ako.

Sa kabilang banda.
Deanns mabuti pa magtanung-tanong nalang tayo sa mga tao dito, sabi ni Ate Bea, na sinang-ayunan ko naman.

Manong pwede po'ng magtanong?
Pwede naman po, sagot ng lalaki kay Ate Bea.
May napansin po ba kayo'ng tao dito? Ito po ang itsura niya, sabay pakita ng picture na hawak niya.
Naku pasensya na kayo mga miss pero wala eh, sagot naman ng lalaki.
Salamat po Kuya, sabi ko naman dun sa lalaki, at umalis na kami at lumipat sa palengke

Hapon na at pagod na pagod narin kaming dalawa ni Ate Bea,nilakad lang kasi namin kesa gumamit ng sasakyan.
Nagpapahinga kaming dalawa sa lilim ng isang punong kahoy ng may dumaang isang matandang lalaki na may bitbit ng isang malaking bungkos ng maliit na sangga ng mga kahoy.

Tumayo si Ate Bea para magtanong kay Tatay, excuse me po.
May nakita po ba kayong tao? Ito po ang itsura niya.
Tinignan namang mabuti ng matanda ang picture na iniabot sa kanya ni Ate Bea, staka sinabi niyang napansin daw niya ito kanina sa loob ng kagubatan nangunguha din daw ito ng kahoy at ng mga ligaw na prutas.
Oo siya ito tinanong ko pa nga siya kung tagasaan siya kasi ngayon ko lang siyang nakita sa loob ng gubat.
Sa halos araw-araw akung pumupunta doon para tignan ang mga pananim kung mga mani.
At ngayon ko lang talaga siyang nakita doon.
Bakit masama ba siyang tao mga anak?
Medyo nakataas ang noong tanong niya sa amin.

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon