CHAPTER 55

5K 154 23
                                    

       Pagkalapag namin sa NAIA Airport ay nakatanggap agad ako ng text mula kay Ate Bea, she wanted to see me daw ASAP.

     Magkikita kami sa isang restaurant na pagmamay-ari niya.
Pag kalabas namin ni Jema ay tumawag agad ako sa kanya.

     What's up Ate Bei? Bungad kung tanong sa kanya.
Wala bang hi or hello Deanns?
Di mo na ba kami na miss? Sunod-sunod niyang tanong.
Siyempre na mi miss, ang sabi.
Yun naman pala eh, bakit hi at hello diyan?
Hello Ate Bei, malambing kung sabi ,.so okay na ba yun? Natatawa kung tanong.

      Alam mo ikaw, pag ako naka ganti ng banat sayong pikoning bata ka, tiyak iiyak ka, sa sarkastikong boses nito, pero siyempre alam ko namang nagbibiro lang siya, at alam din naman niya na katabi ko si Jema kaya yun lang ang mga sinasabi niya, para di masyadong obvious sa katabi ko ang pag-uusapan namin.
Dahil naman magsasabing ASAP yun kung hindi importante ang sasabihin niya.

      We need to see each other Deanns, may mga imporatante akung sasabihin sayo, and hindi tayo magkakaintindihan theough phone lang and please don't bring Jema with you.
You know the reasons why, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya kung bakit, seryoso ito sa kabilang linya, and si Dori ang susundo sainyo ni Jema diyan antayin mo nalang, mag-iingat kayo bunso, may pag-alala sa boses nitong sabi.

    Ano kayang nangyayari?
Di kaya't nagpakita nanaman ang mag amang Malanjao?
Kailangang maging alerto.

By bakit tumawag si Bea? Tanong ni Jema habang nakapulupot ang mga braso niya sa bewang ko at nakahilig ang ulo niya sa balikat ko

        May importante kasi siyang sasabihin sa akin, and pinasasabi niyang susunduin daw tayo ni Dori.
Nakita ko namang mukhang hindi siya convinced sa sinabi ko.

    Are you sure yun lang ang sinabi ni Bea sayo?
Baka mamaya mag ba bar kayo at te table kayo ng mga babae? May himig pagseselos nanaman ito.

Ano ka ba Pangga, di kami tumitingin kaya ni Ate Bei sa iba, faithful kaya kaming pareho sa mga mahal namin, napapakamot ako sa batok ko dahil naka simangot lang itong nakatingin sa akin.

     Umayos-ayos ka Wong, kung ayaw mong di muna ako makikita pa.
Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Okay, magkikita kami ni Ate Bea sa restau ng Dad niya, pero mag-uusap lang talaga kami doon Pangga.
Tatalikuran na sana ako nito ng biglang may humintong pick-up sa harapan namin.

   Hi besh! Bati ni Dori sa amin, di pa nga ako naka bati kay Dori ay mabilis namang kumilos itong kasama ko at binalibag ang pinto ng pick-up after niyang makapasok.
Sa frontseat  ito naupo.

Langya, nasabi ko habang sapo ko yung noo ko.
Away nanaman to,
   Di pa nga ako nakakapag paalam eh mukhang mahihirapan na ako, gayung parang pinagsakloban ng langit at lupa ang pagmumukha ng Pangga ko.

         Ano nanaman ba ang nagawa kung kasalan at ganyan nanaman yang mukha mo? Tanong ko sa kanya ng naka pasok na ako't naayos kuna yung mga dala namin sa likod.

    Iwan ko sayo! Sigaw nito, umayos ito ng upo at di na ako pinansin pa hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

    Tamang-tama naman ng dumating kami ay  dumating din sila Ate Jovi at Mafe.
Hey! Ate Deanns, kumusta ang Thailand? Di pa nga ako nakababa ng kotse naka dunghay na ang mga palad nito sa pagmumukha ko.
Tanggalin mo nga yang kamay mo muna sa mukha ko Mafs.
Nakangiti naman itong humarap sa Ate niya.
Hi Ate Jema, o bat naka busangot yang pagmumukha mo?
Tanong ni Ate Jovi.
Meron kaba? Padabog nitong binalibag pasara ang pinto ng sasakyan at mabilis na pumasok sa bahay nila, na di manlang sinagot ang tanong ng Ate niya.

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon