CHAPTER 32

4.1K 137 18
                                    


Hija? Sino kayo? Nasaan ako? Sunod-sunod nitong tanong, nanginginig ang katawan nito habang umiiyak.

Nasaan po ang dalawa kung
kasamang lalaki?
Huminahon ka apo, nang makita kita sa dagat ay ikaw lang mag-isa, mabuti nalang at di ka nalunod dahil sa suot mong life vest.
Tamang-tama naman habang nangingisda ako ay nakita kita na palutang lutang sa tubig, paliwanag ng matanda dito.
Bakit wala po akung makita? Bakit ang dilim-dilim? Umiiyak nitong tanong.
Akma itong tatayo ng pinigilan siya ng isang batang babae.
Ate wag ka munang tumayo baka matumba ka, pigil niya sa dalaga. Kaya inilalayan siya ng batang babae na maupo ulit sa papag.
Baka sanhi yan ng sugat mo sa ulo apo, kaya naapektohan ang paningin mo, lalo na at mahigit isang taon kang nakatulog,.hindi ka naman madala namin ng apo ko sa hospital, kasi malayo tayo sa kabihasnan at nandito tayo sa isang maliit na Isla dito sa palawan.

Tanging mga halamang gamot lang ang ibinibigay ko sayo, at wala din kasi kaming pera apo, pasensiya na, hinging paumanhin ng matanda kay Deanna.
Hindi niyo po kailangang humingi ng tawad sa akin Lolo, sa katunayan utang ko po sa inyo ang buhay ko.
Ako nga po ang dapat humingi ng pasensiya sainyo dahil naging pabigat po ako sa inyo, naku wag mong sabihin yan bata ka, dahil reaponsibilidad ng bawat tao ang tumulong sa kapwa niya, lalo nat sa mga panahong yon ay kailangan mo ng tulong, at nakita ko naman na mabuti kang tao kaya di ako nagdawang isip na dalhin ka dito sa kubo namin ng apo ko. Paliwanag ng matanda kay Deanna, at nilahad naman ni Deanna.ang kamay niya at iniabot naman yun ng matanda at niyakap siya ni Deanna na may luha sa mga mata.

Ate, ano po ang pangalan niyo?
Tanong ng bata habang papalapit itong umupo sa tabi ni Deanna.
Alam mo ba Te na ang ganda-ganda mo? Namula naman si Deanna sa sinabi ng bata.

Salamat, Deanna ang pangalan ko, ikaw ano ang pangalan niyo ni Lolo?
Kinuha ng bata ang kamay ni Deanna at nilagay ito sa mukha niya.
Para ma memorize mo Ate ang mukha ko, nakangito pang wika nito.

Ikaw talagang bata ka napaka palabiro mo, saway sa kanya ng Lolo niya. Pag pasensyahan mo na Deanna yang si Yenyen mapagbiro talaga ang batang yan.
Tawagin mo nalang akung Lolo Damian. At ipapakilala din kita Ate sa mga kapitbahay natin dito, aanim lang kasi ang bahay na meron dito sa Isla, pero wag kang mag alala Ate kasi marami kaming mga bata dito.
Makulit nitong wika kay Deanna.

Ilang taon kanaba Te? Tanong niya ulit. Nag-isip muna si Deanna bago sumagot. Anong buwan na ba? Tanong ni Deanna dito.
September 5,2020, sagot ni Yenyen.
Kung September na ngayon.ibig sabihin, tapos nayong birthday ko, sabi ni Deanna sa sarili.
22 years old, wika ni Deanna dito.
Ikaw ilang taon kana? 10 years old po, mag eeleven po ako sa darating na pasko, tuwing pasko po ksi ang birthday ko, magiliw nitong wika kay Deanna.

Itigil mo na muna yang kakuliran mo Yen sa Ate Deanna mo, ipaghanda mo muna siya ng makakain.
Mabilis namang tumayo si Yenyen at ipinaghanda si Deanna ng makakain.

Ate kumakain kaba ng isda? Nag-aalala nitong tanong.
Mukha ka kasing mayaman at baka hindi ka kumakain ng isda.
Tanong nito habang ipinaghihimay ng isda si Deanna.

Oo naman, di naman ako mapili sa pagkain.
Mabuti naman hija, kasi minsan lang tayo nakakatikim ng masarap na pagkain dito, minsan isda at saging lang. Di kayay kamote, paliwanag ng matanda.

Okay lang po Lolo.
Alam mo ba hija ng nakaratay ka diyan, kaya ka may dextrose ay dahil may nakarating ditong mga Doctor at tinulongan ka ni doctora Racelis, kaso minsan lang dito kung makapunta kaya, nag bilin siya ng mga gamot at dextrose mo mabuti na ngalang at tinuruan niya si Sheila kapitbahay natin yun kung paano mag kabit niyang dextrose mo.
Sa sususnod na linggo pa ang balik kasi ni doc Racelis. Mahabang paliwanag ni Lolo Damian.

      Alam mo ba Ate Deanna mabait si Doc Katrina, noong hindi kapa nagigising at nandito siya sa Isla, siya ang nag-aalaga sayo, pinupunasan ka niya at siya rin ang nagpapalit ng damit mo silang dalaqa ni Ate Sheila, mamaya Ate ipapakilala kita kay Ate Sheila wala pa kasi yun,.mamayang alasais pa ng gabi uuwi yun kasama niya ang ibang mga may edad na, nagtatrabaho kasi sila sa kabilang Isla,.medyo malayo-layo din yun dito mula sa Isla natin.

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon