CHAPTER 42

4.7K 136 5
                                    

     

           Noong gabi ding mismo ay sa condo na ako ni Deanna tumuloy.
Dahil sa natakot si Yenyen mag isang matulog sa kwarto dahil nga wala kasi si Dori, ay napilitan si Deanna na sa amin ito matutulog na pagitnaan naming dalawa si Yen.

     Kita ko naman sa mukha nito ang disappoinment, dahil pagkatapos naming mag dinner kanina ay may ibinulong ito sa akin may  binabalak kasi  itong gawin.
Kaya tawang-tawa ako sa itsura niya ngayon.

       Anong tinatawa-tawa mo diyan Galanza? Masungit niyang tanong..
Hahaha....... Natatawa talaga ako sa  mukha niya, gulong-gulo kaya Ang buhok niya sa kakamot ng ulo niya, napansin naman ni Yen ang ginagawa nito.
  
      Ate Deanna sa tingin ko marami kang kuto, Kung ganyan ka kati ang ulo mo.
Napalakas naman ang tawa ko, hawak-hawak ko ang tiyan ko sa sakit sa kakatawa.
Baby, ( in between my laughter) sa tingin ko tama si Yen.(tawa parin ako ng tawa dito).
Marami ka ngang kuto, tumawa na naman ako bigla, di matapos-tapos ang tawa ko dito.

   Sobrang saya lang ha? Masungit nitong sabi, sabay bato sa akin ng unan at sapol ako sa mukha.
Pero tawa parin ako ng tawa.

Ano nga sabi mo kanina By? Di mo ako papatulugin? 🤣🤣🤣🤣🤣
Tama na ngayan Jessica di ka nakakatuwa! Saway nito sa akin, binelatan ko lang ito at tumawa ulit.
Sa inis niya ay nag walkout ito bitbit ang unan niya.

      By saan ang punta mo? Naluluha ako sa kakatawa dito.
Maghahanap ng ibang sasama sa akin hanggang bukas, pasigaw nito at binalibag bigla ang pintuan ng kwarto.

     Nagulat naman si Yen sa inasta Ng Ate niya.
Ate Jema galit ba si Ate Deanna dahil sa sinabi kung marami siyang kuto?
Nakita kung nalungkot naman ito, dahil sa inasta ni Deanna.
Naku Yen, wag mong pansinin yung Wong nayon, may pinagdadaanan lang yun, napikon lang sa akin yun dahil pinagtawanan ko.
Mabuti pa mauna ka nang matulog at susundan ko lang ang babaeng tampururot nayon.

 

         Lumabas ako ng kwarto para sundan si Deanna, napahinto ako ng makita kung may kausap ito sa telepono dahil sa medyo malayo ako sa kanya ay hindi ko masyado narinig yung pinag-uusapan nila ng kausap niya sa kabilang linya.
Narinig ko lang yung na miss niya na....
Lang ya ka Wong, pag nalaman ko lang na may iba kang babae lagot ka talaga sa akin.
May narinig pa akung mission at biglang nalungkot ang mukha nito, minamasahe niya ang sentido niya at pabalik-balik sa kakalakad.

         Ano nanaman kaya ang problema nito? Di ko na siya matiis dahil naupo ito sa sofa, at nakatutop ang mga palad nito sa kanyang mukha.
Something's bothering you Baby? Bungad ko dito ng makalapit na ako at naka tayo sa harapan niya.
Iniangat niya ng dahan-dahan ang ulo niya saka niya ako tinignan.

   Hinila niya ako at pinaupo sa lap niya.
She hug me tight and kiss my cheek.
May problema ba Baby? Tanong ko habang inayos yung buhok niyang nakatakip sa mukha niya.
Napabuntong hininga ito ng malalim.
Hmmmm.........
Matagal na kasing hindi pa nakakabalik sila Ate Mich and Ate Ly,
we don't know kung saan silang lugar napunta, it's been a month narin kasi Pangga na hindi sila nakauwi, and worried na ako sa kanilang dalawa.

       Bakit saan ba sila nagpunta?
I asked Deanna.
May nag hire kasi sa kanila, as a security staff, para sa importanteng taong nandito ngayon sa Pilipinas.
Sabi ni Ate Bea masyado daw kasing istrikto yung head ng security bawal daw ang phone sa field.
Kaya baka yun ang dahilan kung bakit hindi nila kami kinu contact, at di rin sila namin ma contact.

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon