CHAPTER 47

4.3K 174 22
                                    


         Pagkatapos ng mga nangyari sa amin ni Deanna ay napagod din ako sa kakaintindi sa kanya, sa lahat ng mga pantataboy niya sa akin palayo sa kanya ay nakakawala rin pala ng respeto sa sarili.

          Pilit kung isinisiksik ang sarili ko sa kanya dahil alam kung kailangan niya ako sa mga oras nayon.
Pero kapag araw-araw ka palang binabalewala ng taong mahal mo ay nakakapagod din, nakaka drained ng pagkatao, nanliliit ang tingin ko sa sarili ko, habang siya walang ginawa kundi ang mag mukmok at maglasing buong araw.

            Stressed kana nga sa buong araw mo sa  trabaho sa opisina, pag uwi mo mas lalong nakaka stressed dahil ang taong pinaglalaan mo ng oras at panahon mo ay ito at lasing nanaman.

           Pilit niyang nilalayo ang lahat ng taong malalapit sa kanya.
Di lang naman sina Marck at Michelle ang nag mamahal sa kanya nandito pa naman ako, kami ng mga kaibigan niya.

           Halos mag pipitong buwan na kaming hindi nagkikita, siya na rin mismo ang pumutol ng aming communication.
Respeto narin sa sarili ko, kung ayaw na niya di ko naman dapat pang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya.

           Nandito kami ngayon ni Aldrin sa isang resto sa Makati ininvite niya akung mag lunch, ayo ko sana kaso sobrang kulit at naririndi na ako sa kabalik- balik niya sa opisina ko para lamang sumama sa kanya.
At sa huli ay sumama narin ako para maka pag lunch na rin.

           Halos dalawang buwan narin siyang nagpapansin sa akin, pero hindi pa ako handang makipag relasyon pagkatapos ng nangyari sa amin ni Deanna, ay gusto ko muna ng mahabang break sa isang relationship nakakapagod din kasi, at wala naman kasing maayos na nangyaring break-up sa aming dalawa, so it means kami parin, hindi nga lang kami nagkikita, at nagpapakarimdaman sa isat-isa.

           Sa di kalayuan ay nakita kung mabilis na lumalapit sa pwesto namin si Ponggay, close friend ni Deanna at isa sa mga taong nag aasikaso ng mga business niya, sino kaya ang pakay nito? Wag naman sana, nakangiting papalapit na ito sa amin.

           Hi! Jema, long time no see ah? may kasama pa ba kayong iba? Mabilis niyang tanong, na tameme naman akung umiling lang dito.

        Care to share a sit for us? Nakataas kilay niyang tanong habang ngumingiti. For us? It means hindi siya mag-isa at may mga kasama siya?, sino naman kaya ang mga yun? Wag naman sana kung sino yung naiisip ko.
Jem? Basag nito sa iniisip ko.
Oo naman sagot ko.

         Hindi ko napakilala sa kanya si Aldrin at umalis na ito para tawagin daw ang mga kaibigan niya.

             Sinundan ko ng tingin ang lugar kung saan siya pupunta.
Shit!!! I saw her, pumayat siya pero mas lalo ata siyang gumanda, at sobrang kaba ata ang aking nadarama, nagulat pa ako ng makita kung may biglang kumapit sa braso niya si Kat.

               Sobrang selos ngayon ang nararamdaman ko habang nakikita ko silang dalawa lalo na ng tumabi sa akin si Deanna, at si Kat pa talaga ang umorder ng food sa kanya.

       Kaya di ko napigilan ang sarili kung magkomento na di na pala siya marunong mag-order at may umoorder na ngayon para sa kanya.
Lumapit ako sa tenga niya ay may nasabi akung sa tingin ko ay nagbigay ng konting sagutan sa aming dalawa.
Talaga namang masaya ako sa kanya di gaya sa ibang tao diyan walang ginawa kundi saktan ako.
Nilayo ko ang mukha ko sa kanya.

       Maya-maya'y naramdaman ko ang kamay ni Deanna na nakahawak sa kamay ko, hindi naman sa ayaw kung mahawakan niya ang kamay ko, kahit naman kasi sinaktan niya ako ng sobra ay siya parin naman ang laman ng puso't isip ko at na mi miss ko na yung mga pasimpleng hawak niya sa mga kamay ko, the way she kissed me, and the way she hugged me lahat ng yun ay na mi miss ko, kaso nilalamon talaga ako ng inis at selos ko, kaya di na pigilan ang sarili ko't naiwaksi ko ang kamay niya para mabitawan niya ito  at bigla ko siyang nasampal, kahit ako nagulat ako kung bakit ko nagawa yun.

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon