Makalipas ng anim na oras na pag unpack at pagaayos ng aking gamit. ^____^V
"Yosh! tapos na rin!" Sabi ko sabay higa ko sa sahig. Napaunat ako ng unti at biglang nakaramdam ng antok.
= . = zzzzzz
"Pppssssttttt~" hhhmmm?
"Ppsssstttt~ Gumi." Hala!! Sino un? Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at...
O.O
Isang mukha ng lalake ang sumalubong sa akin na naka upside down dahil nakapwesto sya sa tuktok ng ulo ko...
"si-sino ka?" Pautal kong tanong dito.
Imbis na sagutin nya ang aking tanong ay mas nilapit pa nya ang mukha nya sa mukha ko at tinitigan ng direkta sa mata na nag pabato sa pwesto ko.
Mga ilang segundo nya akong tinitigan saka ito ngumiti at lumayo ng unti. May kakaibang pakiramdam nang bigla syang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung ano to... Basta... Parang ang saya. :D Napangiti nalamang ako dito at biglang umiyak.
Alam kong mababawa pero first time kong makakita ng taong ngumiti sa harapan ko. Sila mama at papa laging nakangiti pero pag dating sa kanya may kakaibang feeling na hindi ko maexplain.
Naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay sa aking pisngi na pinupunasan ang aking luha. Akala ko nanlalabo na ang mata ko pero hindi pala sadyang unti-unting nawawala ang lalakeng nasa harapan ko.
"Don't go." sabi ko habang naka reach out ang aking kamay kaso huli na ang lahat. Hindi ko man lang nalaman kung ano pangalan nya o sino man sya.
Pagmulat ng mata ko napansin ko na nananaginip lang pala ako pero ang kamay ko ay naka-reach out. Parang may hinahabol? pero sino? ano ba ulit napanaginipan ko?
"GUMI!!" Sigaw ni mama galing sa baba.
"BAKIT PO?!!!!!" Pasigaw na tanong ko dito
"MALIGO KA NA AT MAG PALIT NG DAMIT! AALIS TAYO NG PAPA MO! SA LABAS TAYO KAKAIN!" Sigaw ni mama pabalik.
"YEHEY!!! SIGE PO!!!" Agad akong tumayo sa pwesto ko at kumaripas na kumuha ng mga damit at pumunta sa aking banyo.
Nagmadali akong maligo at nag bihis. Pag kalabas ko sa banyo nag patuyo ako ng buhok at nag suklay. Papalabas na ako ng kwarto ng may napansin akong isang salamin na nakasabit sa dingding ng aking kwarto.
"Wala ito kanina ah!" Sabi ko sa aking sarili. May pag ka antic ang mirror pero maganda. :D Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at ngumiti ng kay lawak. Palabas na ako ng kwarto ko nang...
"Pppsssstttttttt~" Biglang nag si tayuan ang balahibo sa buong katawan ko at dahang-dahan tumingin sa buong paligid. Wala namang tao. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at sasaraduhin ko na dapat ito ng...
"Ppppppppppssssssssttttttt~"
Wwwwwwwwaaahhhhhhhhhh!!!!!! Agad ko itong sinara at patakbong bumaba ng hagdan. Saktong nandun sila mama at papa kaya nakita nila kung gaano ako ka tonge tumakbo pababa.
"Oh anak! anong nangyari sayo? Hinahabol kaba ng mga aso?" Pabirong sinabi ni papa.
"Ah wala lang po pa! Halika na po at lumabas na po tayo." Sabay hila ko sa kanilang dalawa. Sumakay na kami sa kotse at agad na itong pinaharurot ni papa.
*Sa isang restaurant*
Masaya kaming nag kakainan at nag kwekwentuhan kaso hindi ko maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. -___- Sino kaya yun? Baka naman mumu? Impossible naman!
Sabi ni mama walang multo daw dun pati bago kami lumipat ay pina blessing na yun nila papa...
pero...
yyyiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii~ nakakatakot eh... >•<
"Anak okay kalang ba?" Pag aalalang tanong ni mama.
"Ah opo mama." sabay subo ko ng ulam sa aking bibig.
Kinalimutan ko muna yung nangyari kanina at nagtanong kay mama kung sya ba ang nag lagay ng salamin sa loob ng kwarto ko. Siya kasi yung mahilig mag lagay ng mga antic na bagay sa loob ng bahay.
"Oo, tulog ka nga nun nung nilagay ko yun dun... pero mabuti naman at napansin mo." Sabay ngiti ni mama.
Nang natapos na kaming kumain agad na rin kaming umuwi sa bahay dahil anong oras na at mag na-nine o clock na pati inaantok na rin ako. -____-
BINABASA MO ANG
As He Smile (completed)
Romancehanda na ba kayong humiling at umibig kahit na impossible itong mangyari...