WEAK

21 0 0
                                    

Lumipas ang 2 months.

Lagi na akong binubully ni Alex. Inaabangan nya ako tuwing papasok, recess, lunch at tuwing uuwi na ako. Worst pa sa cr! Yung ihing-ihi kana hindi ka makaihi!

Minsan binabato pa nga ako ng bato at minsan naman mga itlog at hindi lang sya ang namamato sa akin pati narin ang kanyang mga haliparot girls. Wala si G na G sa sarili. Ewan ko kung saang lupalop na sya ng universe nag punta. Basta wala sya.

Pero ang pinaka worst sa lahat ng ginawa nya sa akin....

|
|
|
|
v

Umulan ng malakas kanina kaya putikan lahat ng mga lupa. Dahan-dahan nun akong nag lalakad sa tabi dala-dala ang librong inutos sa akin ng teacher namin na kunin sa library.

Lakad lang ako ng lakad ng biglang may tumulak sa akin sa likod. Binalance ko sarili ko para hindi mahulog sa putikan kaso nahulog pa rin ako dito. Pasalamat nalang ako at hindi ung libro ang naputikan kundi lagot ako sa teacher namin kaso tong si Alex pwersahan nyang kinuha ang libro sa akin at itinapon sa putik saka pinagapak-apakan nya ito.

Hindi pa rin sya nakuntento dun kundi kinuha nya ang libro at hinagis sa pag mumukha ko.

"Masarap ba ang putik Gumi?! Alam kong gusto mo pa." Kumuha sya ng malaking chunks ng putik saka lumapit ito sa akin at hinampas ang putik sa mukha ko. Hindi nya lang din ito hinampas minudmod nya pa ito sa mukha ko at pinipilit pang ipasok sa loob ng bibig ko.

"Ang sarap diba? Ayan! Sige pa!" Saka ito tumawa ng nakakatakot habang patuloy parin sa ginagawa nya. Tumawa na rin ang mga haliparot girls na para bang may nakakatawang nangyayari.

Gusto kong lumaban kaso nang hihina ako. Lalong-lalo na ngayon wala akong laban. Nababalot na ng putik ang buong katawan ko pati na rin mukha ko na mamanhid sa pinaggagawa ni Alex. :(

Gusto kong umiyak kaso baka lalo lang ako apihin at gawan ng masama. :(

Nang naubos na ang minumudmod na putik ni Alex sa mukha ko ay agad itong lumayo sa akin at hinablot sa isang haliparot girls nya ang isang bimpo at pinunasan ang maputik nyang kamay. Hindi pa rin matanggal sa labi nya ang ngiti nya. Ngiting nakagawa ng masama.

"Hhaayyyy~ girls let's go na! Kumpleto na ang araw ko." Sabay balik nya ng bimpo dun sa pinag hablutan nya at umalis na parang wala itong ginawa.

Nang nakaalis na sila dun bumuhos lahat ng mga tubig na gustong lumabas sa mata ko. Iyak lang ako ng iyak dun.

Ang weak weak ko! Bakit ang weak ko! :'(

Hindi rin ako nag tagal sa putikan. Alam ko naman na kahit anong iyak ko walang maidudulot ito sa akin kaya tumayo na ako at pumasok sa loob ng school kahit na ang dumi-dumi ko na at pinag titignan na ako ng mga tao.

Pumunta ako sa office para ibigay ang libro kay Ms. Reyes kahit na putik na. Alam kong hindi nya ito magugustuhan pero hindi ko naman kasalanan na naputikan ito. Kaya sasabihin ko lahat. Sana paniwalaan ako.

Kaso nang nasa loob ng office na ako. Nadatnan ko nalamang si Alex na putikan ang kanyang damit at naiyak?

"Ma'am siya po!" Sabay turo sa akin ng isa sa mga haliparot nya.

Huh? Anong ako? Anong ginawa ko?

"Tinulak niya po si Alex sa putikan tapos pinag hahampas nya po ung librong inutos nyo po sa kanya." Agad namang tumingin sa akin si Ma'am at nagbago ang facial expression nito ng makita nya ang maputik at sirang-sirang libro.

"Is this true Ms. young?" Tanong sa akin ni Ma'am.

"Ma'am hindi po---..."

"Ma'am sinungaling po yan. Tinulak nya po talaga si Alex sa putikan kitang-kita nga po ng mga mata po namin." Sabi ng haliparot 2. Hindi! Hindi un totoo! :'(

"Ma'am---.."

"Pi-pi-naghahampas nya po ako... ta-tapos huhuhu.... minudmod nya po pag mu-mukha ko po sa putikan... huhuhu." Sabay iyak ni Alex ng malakas. Kaya lahat ng mga teacher na nandun sa office ay napatingin kay Alex saka tumingin sa akin na may pagkadismaya.

"I did'nt expect this to happen... pati Ms.Young? Hindi ko alam na ganan ka pala umasal... tapos... yung libro pa... tsk tsk."

"Ma'am--..." :"(

"No more buts Ms.Young. You're 70 in my subject at babayaran mo yang librong sinira mo!" Pagalit na sinabi ni Ma'am Reyes. Mag sasalita pa sana ako ng bigla ako nitong tinalikuran saka pinapatahan si Alex.

Ma'am hindi po talaga ako.... :"( sila nga po ang tumulak at nanira ng libro.... :"(

Nag simula ng magbulungan ang mga tao sa loob ng office at hindi ko nagugustuhan ang mga naririnig ko.

Bakit sya? I mean bakit nila pinaniniwalaan si Alex? Ako tong nabully. Tinulak nila sa putikan, inapakan ang libro, hinagis sa mukha ko at minudmod sa putikan.

Hindi ko na macontrol ang imosyon ko kaya tumakbo na ako paalis ng office. Tumakbo ako ng sobrang bilis kahit na nanlalabo na ang paningin ko sa dami na ng mga luhang lumalabas sa mata ko.

Takbo lang ako ng takbo ng biglang may nabangga akong tao at nahulog ako dito.

"Sorry.. sorry.." paghingi ko ng tawad habang naiyak. Hindi ko na ito maanigan kaya tumayo na ako at tatakbo na paalis ng hinawakan ako nito at niyakap. Nag pupumiglas ako sa kanya yakap kaso lalo nitong hinigpitan at nag tanong.

"Ano nangyari?" Sa boses palang kilala ko na kung sino sya pero hindi ko to sinagot kundi nagpatuloy parin ako sa pagkawala sa kanya hanggang sa binitawan nya ako at tumakbo palayo. Sa kanya! Sa mga teachers! Sa school nato! Lalong lalo na kay Alex!

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nasa tapat na pala ako ng bahay. Pumasok ako sa loob at napansin kong walang tao dahil nasa trabaho pa sila mama at papa kaya agad akong umakyat ng hagdan at pumasok sa aking kwarto

Dun ako umiyak at nag labas ng galit. Lahat nilabas ko. Mga gusto kong ilabas kanina. Mga salitang hindi ko masabi. Mga hindi ko ginawa.

Bakit kasi hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko? Bakit? Bakit ang weak ko? :"(

As He Smile (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon