lumipas ang ilang oras na tawanan, kainan at paglalaro...
9:00 na... lahat ng fourth yr pinapunta sa theater room dahil may ipapanood sa amin bago mag simula ang FYMOMD
sa right ko si Reya habang sa left si Troy.... nasa 4 row kami nakaupo... hanggang sa nag dilim na ang paligid at nag bukas na ang curtains sa stage...
"ang mapapanood nyo ngayon ay isang story kung paano nag simula ang FYMOMD... kung bakit december 25? at kung bakit maswerte ang walang ma pair na glass half heart? ang kwentong ito ay totoo... at hindi kuro-kuro lamang." umalis na ang lalaking nag intro at nag simula na ang play...
"sa section 3-3... may isang babae nag ngangalang Sisa Cross... ito ay isang tahimik at mahinhin na tao.... may lihim itong pag ibig kay Isagani Montez... (kaklase nya) kaso ang hindi nya alam ay may lihim din na pag ibig din si Isagani kay Flora De Guzman isang transferee sa paaralang ito.... (kung mapapansin nyo sila ay love triangle)
si Flora ay isang napakagandang babae... isang tingin lang dito ay mahuhulog na ang loob mo dito, mabait at matulungin na tao si Flora... lahat ng mga magagandang ugali ay nakapaloob na dito..."
"napaka perfect naman ni Flora." side comment ko...
"para sa akin perfect ka Gumi." bulong sa akin ni Troy...
"side comment bayan? o pangbobola?"
"ikaw naman... pasalamat ka nga at may gwapong lalaki ang nag sasabi sayo nun!" sabay cross arms nya...
"gwapo? talk to my hand ah!" sabi ko dito sabay tingin ulit sa stage...
"hanggang sa dumaan ang araw ng mga puso... (pebrero 14, 1864) sa section 3-3... tradisyon na sa kanila simula nung first yr sila ang mag gupit ng puso at ihahati ito sa gitna tuwing papalapit na ang araw ng mga puso... at yung mga nagupit nila ay binigay na nila nung 13 pa...
ngayong pebrero 14, 1864... tuwang-tuwa ang mga section 3-3 mahanap ang kanilang partner... kaso may dalawang tao ang wala at yun ay sila Isagani, at Flora
si Isigani ay namatayan ng lola, at si Flora naman ay nag kasakit..
habang si Sisa ay nalulumbay dahil wala si Isagani at nung mga araw na yun wala itong naka-pair kaya nag babakasakaling si Isagani ang ma pair nya....
lumipas ang mga araw... nakapasok na ang tatlo pero hindi parin sila nag pa-pair ng mga puso... walang kibuan ang tatlo pero isa sa kanila ay may lihim din na pag-ibig at hanggang ngayon nasa kanya parin ang sulat na gusto nyang ibigay sa taong gusto nya.. pero mas ginusto nya ang itago kesa sa masaktan sa pag hindi tanggap ng kanyang pagibig....
lumipas ang maraming buwan....
4th yr na sila... at hanggang ngayon nasa kanila parin ang kalahating puso nung araw ng mga puso...
sa kasamang palad si Flora ay napalipat sa 1st section... habang ang dalawa naman ay 3rd section pa rin....
kahit na mag kahiwalay na sila... gumawa parin ang paraan si Isagani para mapalapit kay Flora... lahat ginawa nya para masuyo ang dalaga... sinusundo nya ito at hinahatid pauwi ng bahay ng dalaga, pinapatawa, nililibre at laging binibigyan ng bulaklak na pinipitas nya sa garden..."
"wow ang sweet naman!" side comment ng mga tao....
"habang tumatagal nagiging malapit na sila sa isa't isa pero may isang babae ang nasasaktan at patagong pinagmamasdan ang dalawa... sa tuwing nakikita nya ang dalawa para syang pinagbaksakan ng langit at lupa... sa sobrang sakit... pero hindi sya nag patalo... ginawa nya din ang paraan para mapalit sya kay Isagani....
BINABASA MO ANG
As He Smile (completed)
Romancehanda na ba kayong humiling at umibig kahit na impossible itong mangyari...